jump to navigation

Day 65: SSS o PAG IBIG? Nobyembre 5, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, katuwaan lang.
Tags: ,
5 comments

brokenGano nga ba kita kamahal? San ba nasusukat ang pagmamahal? Nasusukat nga ba? Paano? Metro? Yarda? Dipa? Dangkal? Hakbang? Kailangan ba talaga may sukatan? Hindi ba pwede o sapat na yung sabihing  – – MAHAL KITA.. as in period, walang kasunod. ang sumunod, tutubuan ng buntot??? di ba talaga pwedeng ganun lang?? Kailangan may measurement pang nagaganap?

Gaano ba kalalim ang pagmamahal mo? Ano namang tanong yan? Ano ba tamang sagot dyan? 15 feet? 20? 100? Talaga bang may lalim dapat? Pwede ba sabihing – – KASING-LALIM NG CLEAVAGE KO ANG PAGMAMAHAL KO SAYO!?

Hanggang saan nga ba ang pagmamahal? Dapat ba may limitation? May katapusan o may hangganan? Hindi ba talaga pwedeng, isang simpleng MAHAL KITA lang ang kasagutan? E paano kung sagutin ka ng – – MAHAL KITA HANGGANG DUN SA KABILANG KANTO..masaya ka na ba sa sagot na yun?

Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao? Kaya mo bang magmahal ng tao na di mo nahahawakan o nakikita o nakakasama? Paano mong masasabing mahal mo ang isang tao kung hindi mo pa naman sya nakasama talaga? Ano yun, naramdaman mo lang, parang BOOM, MAHAL KITA!! yorn na ba yorn, koya?

Kaya mo bang magbigay sa isang taong ‘mahal’ mo nang lahat-lahat ng kung anong meron ka kahit na di ka sigurado kung mahal ka nga nya? 

Hanggang saan ba talaga ang kaya mo ibigay because of lintek na pagmamahal na yan? Ano ba ang kaya mo ibigay sa pagmamahal mo? Bukod sa emotions ano pa ba pwede mo ibigay? Physical support? Ano ka saklay?? Financial support? Ano ka ATM machine?

Pag sinabihan mo ng I LOVE YOU ang isang tao, ibig bang sabihin talaga ay MAHAL mo sya at di mo sya kayang saktan pati na ang kanyang pamilya, kaibigan at mahal sa buhay o sya lang? Kasi di mo naman sinabing MAHAL KO KAYO. Para ka na lang pulitiko nun na nangangampanya.

Pag ba sinabing mahal mo ang isang tao,  ibig sabihin pangangalagaan mo sya sa abot ng iyong makakaya. Eh pano kung may makita kang iba, habang kayo pa, iiwan mo na lang ba sya? E asan na yung MAHAL KITA na pinagmamalaki mo at ilang ulit na sinabi sa kanya. Bigla lang bang naglalaho ang pagmamahal? Andali naman pala maglaho, daig pa ang bula. Tsk…tsk…at least ang bula medyo umeeksena muna sa ere bago puputok diba?

Masasabi mo bang mahal mo ang isang tao kung matapos mo makuha ang PAGKATAO, KATINUAN o PERA nya ay basta mo na lang syang iiwan o dededmahin as if di kayo magkakilala??

Alin ang mas gugustuhin mo – – MAHAL KA o MAHAL MO?

Mas madali nga siguro mag-update ng  Sex.Sex..Sex (SSS) kesa ng PAGIBIG. Basta may nabunot kang lucky home partner, updated na ang SSS mo, eh ang PAG IBIG matagal ang proseso. Minsan nauuwi pa sa wala yung pinaghirapan mo..at least ang SSS may posibilidad na magiwan sayo ng souvenir..mamili ka na lang…baby boy o baby girl ang gusto mo? Hehehehe.

Hay ang sakit naman sa puso nyan oo! Pero alam nyo ba na wala ng mas sasakit pa sa katotohanang – – – MAHIRAP MAGMAHAL NG SYOTA/ASAWA NG IBA! (hehe)

(I am so grateful that I have a happy marriage. I was just inspired to write this entry because few of my friends are currently experiencing heart problem—masakit dito, hindi magagamot ang mga sakit nila sa puso (o puson) ng operation o kahit na anong medication — but I wish them goodluck..matatapos din yan mga friendlies!!)

Day 63: Halloween Special Nobyembre 1, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments, katuwaan lang.
Tags:
5 comments

2783a7f17213f68eparang never pa kong gumawa ng halloween special sa buong buhay ko sa blogosperyo (blogosperya? ano bang kasarian ng lintek na intarnet na ito! hehe).

pero for a change, magkukwento ako. BELIEVE IT OR NOT totoo ang kwento ko.

bata pa lang ako madalas na kong makakita ng mga images. buti sana kung porno diba? haha. kaso ende e! pero palibhasa nga bata pa ako nun hindi ko naman mashadong pinapansin.

like there was a time na naglalaro ako sa room namin, maya’t maya ko nakikita ang puting image na lakad ng lakad sa tagiliran ko. pagdaan nya susundan ko naman sya, pero wagtus na si luka! di ko alam kung san sya napupunta.

minsan naman kumakain kami. nakikita ko ang isang babae na exact image ng ate joan ko na nakikipag-bulagaan sakin sa nakasandal na kama sa cabinet namin. napapatingin ako sa ate joan ko na katabi kong kumakain at dun sa batang kamuka ng ate ko. since alam kong katabi ko si ate ko, dinedma ko sya ng bonggang-bongga! after a while, nawala na rin sya.

takot ako sa lolo ko sa mother side. he died when i was just 3 yrs old ata. di ko na sya natatandaan pero ewan ko kung bakit takot na takot ako sa kanya. basta sya ang pinanakot sakin ng mga ate ko, lalabas ako ng kumot na lagkitan sa pawis at hiyaw ng hiyaw hahahaha. hindi ko naman natatandaan na nagparamdam ang lolo ko sakin nun so kahit ako nagtataka kung bakit laki ng takot ko sa taong di ko naman talaga nakita o nakasama.

until isang madaling araw (lol) if i am not mistaken it was sometime between December 1995  & January 1996? naka-bakasyon si Mama at si Tito Michael sa Pinas. it was the first time that Mama brought him to our house. First time na umamin sa lovelife nya ang ma-showbiz kong ina, hihi. at being maldita, nagiinarte ako ng ishlayt. i do like tito michael pero andun yung feeling na hindi na ako ang katabi ng nanay ko matulog..hehe.

so one night, dun ako natulog sa sala, sa tabi ng pinsan kong si alfie, kahit na inaaya ako ng nanay ko sa tabi nila. heller naman 3rd year na kaya ako nun noh! bwahahahah..

nagising ako kasi feeling ko nilalamig ako at i don’t know pero i have this feeling na may nakatingin sakin. so nagmulat lang ako ng ishlayt and may nakita akong isang lalake na nakashort pants na brown (kuldoroy?) na nakatayo sa tabi ko. hindi ko alam kung bakit at that very moment alam kong si lolo ko ang nasa tabi ko. at dali dali akong sumiksik sa nabubuset kong pinsan hahahah.

after that night, hindi na ko pinagparamdaman ng lolo ko.  pero after a few months, nagkasakit at kinuha na samin si Mama ko. since then, i can’t help but ask myself, TOTOO BANG SI LOLO ANG NAKITA KO? SINUNDO NYA BA SI MAMA NG GABING YUN? DAPAT BA AKO ANG SUSUNDUIN KASO NAGTALUKBONG AKO?

nung namatay si Mama. isang weird na amoy ang iniwan nyang reminder para malaman namin na nasa paligid lang sya. AMOY SUNOG NA SIBUYAS! lols..well, wala akong ibang maisip na pagkukumparahan talaga. pero sabi nila ate jeje at ate joan na syang kasama nya sa hospital when she died..amoy sunog daw kasi talaga sa hospital kasi karamihan nga sa mga namamatay na chinese, sinusunog diba? sa kusina madalas pumwesto ang nanay ko, sa di ko malaman na dahilan. pwedeng amoy sibuyas lang talaga ang kusina namin (hehe) pero mashadong distinct ang amoy nya. may mga times na nasa room din sya but most of the time, kusina talaga.

nung naglilipat kami sa Sharjah, nataon na death anniv nya. i know na pag kinikilabutan ako at di ko matignan ng maayos ang isang area, merong mumu dun. nangyari na kasi yun nung burol ng Mama. bigla ako kinilabutan ng bongga at di ko magawang sumilip sa isang room na katapat ng coffin nya. I knew that she was there. Wa jamming! Feel ko talaga.

Now nung last July 5 nga at nasa Sharjah kami nila Dhae at Chloe, nagsindi ako ng candle para kay Mama at nilagay ko sa kitchen. hindi ko alam kung bakit bigla na lang nangamoy ang mahiwagang amoy at ayoko na talaga pumunta ng kitchen. Hindi ko sinasabi sa dalawa kong kasama. unang-una, prinsipe ng kaduwagan si Chloe, pangalawa malamang tawanan ako ni Dhae haha..pero alam ko andun si Mama! Twing may kelangan sa kusina inuutusan ko na lang ang anak ko hak hak hak.

Nagtataka ako madalas na bakit indi ako madalas dalawin ng nanay ko especially kapag windang moments ako. Kelangan ko rin ng motherly advice minsan diba? Pero narealize ko na siguro kasi naka-ilang subok na ang nanay ko pero dinadaig ako ng takot ko. Tulad birthday ko some years ago, nagising ako na may malamig na humalik sakin, instantly kinilabutan ako at pumasok ako sa room ni jeje na ino-occupy ng boy ng ate ko hahaha. Yung boy ng ate ko parang naguluhan at biglang tumayo at pumunta na sa tindahan. akala ata rereypin ko sya haha..e  kabuntisan ko nun, 2 lang room sa bahay namin at 2 lang kami dun. wapakels talaga , basta pumasok ako at umupo sa may kama. hahahahah..

oh well, kahit na takot ako sa Mama ko, still gusto ko pa ring binibisita nya ako, hihi. di naman masamang mag-get together kami kung minsan pero yun dadalaw lang sya ha, wag nya muna ako isasama…waaaaa

Day 61: Buhay OFW Oktubre 27, 2009

Posted by carelesshush in kaetchosan lang, katuwaan lang.
Tags:
5 comments

Nakailang post na ata ako ng about BUHAY OFW. Isang forwarded at isang sariling gawa ko. I read Joyo’s blog and gave me an idea na gumawa ulit. Pero this time, on a lighter side. You know? (manny pacquiao?? Hehe)

Ilang blogs na ba nadaanan ko at ilang milyong tao (ows)  na ang nagsabi ng mga ganitong linya:

HINDI MADALI ANG BUHAY SA ABROAD.

HINDI PINUPULOT ANG PERA DITO (ABROAD).

KINAKAILANGAN KO MAGKUDKUD NG KUBETA AT MAGHUGAS NG PWET NG IBANG TAO PARA KUMITA NG DOLYAR NA IPAPADALA SA INYO.

ILANG GABI O PASKO ANG PINAGTITIISAN KO DITO, KAPALIT NG MASAYANG PASKO NYO.

MALUNGKOT SA ABROAD, KUNG DI LANG SA KINIKITA, UUWI NA KO.

At syempre napakarami pang iba. Lahat naman yan totoo. Lahat yan talagang darating ang point na gugustuhin mong isulat sa noo ng pamilya o kamag-anak mong walang ginawa kung hindi manghingi ng sustento sayo.

Dito sa Dubai, maraming professionals back home pero pinili mag-work sa sales para lang kumita kahit papano. Dahil kung isusugal nilang maghanap ng trabahong naaangkop sa “diploma” nila, aabutin sila ng dekada at susugal ng milyon bago makapwesto ng maayos-ayos dito. Sa abroad, swerte ang mga taong pagdating palang maganda na ang pwesto, pero dito…karamihan dumaan sa silong ng hagdan bago naka-step 1 at bago pa unti-unting makagapang paakyat sa gustong puntahan. May mga napariwara na nga….nakalimot sa kung anong dahilan kung bakit ba sila andito sa abroad.

May mga taong umiyak muna ng ilang galong luha dahil sa pagkukudkud ng kubeta bago pa tumaas ang pwesto at mabigyan ng sariling computer (pang Facebook nya! Hehe).  Pero nakakatuwa para sakin na makita o malaman na yunn ilang kakilala kong adik tambay  sa bayan namin ay andito na rin sa Dubai at nagtatrabaho ng mahusay. Pero yung iba, bumyahe ng milya-milya, gumastos ng ilang libo..yun pala tatambay lang din dito..tskk.tskk.!

Pero eto na ang tanong..sa tingin nyo ba, kung sasabihin natin ang mga katagang yan sa pamilya, kamag-anak, boyfriend/girlfriend o kahit na kanino pang poncio pilato na nasa pinas, maniniwala sila kung ang makikita nilang mga litrato ay ganito:

(PAALALA: WALA AKONG PAHINTULOT SA PAGKUHA NG PICTURES NYO. PERO MAGDEMANDA NA KAYO SA BALIDIYA…WAKOKER! HAHAHAHA…)

 

 

At sa pagtuloy na paglaki ng belt bag, body bag at pati na rin back pack natin dito, maniniwala ba talaga silang naghihirap tayo?? Sa pagkalaki-laking SMILE na nakabalandra sa pictures mo sa mga mall trips, picnics (lalo na sa beach?!) or sa mga simpleng get together..sa tingin mo talaga maniniwala silang nalulungkot tayo?? Hehe. Seriously, sa dalas ng hagalpakan natin sa pictures, mga eksenang japan-japan….maiisip ba nilang YOU ARE ONE SAD OFW??? Hindi rin siguro!!!!  Malamang titignan nila ang mga suot natin at magrerequest na baka pwede sila rin may ganun! Haahahahah. Di nila alam halos makipagpatayan ka para lang makabili ng havaianas mo! LOLS. Di nila alam na parusang magintay ng 2 yrs para lang malibre ang ticket mo pauwi at makapagbakasyon tapos biglang sasabihin lang sayo..SORRY FULLY BOOKED! Nampotah!

Pero wala silang papaniwalaan kundi kung ano nakikita nila. Di nila talaga papaniwalaan na pagkatapos magclick ang camera na yan at nagpaalaman na tayo sa isa’t isa, kanya kanyang buhay ofw na naman tayo. Matapos ang flash ng camera at mga 30minutes na tawanan, bumabalik tayo sa sad face kasi bumabalik na ang problema! Kung alam lang nila..heheh

Eto pa, sino naman talaga maniniwala na nahihirapan ka sa buhay at work mo dito….ehhh madalas updated ang Twitter, Plurk, Facebook at Friendster mo. Ang mga quizzes lahat na lang pinatulan mo. Ang mga games Farm Town, Farm Ville, Sorority Life, Cafe World, Pet Society at kung ano ano pa, ay meron ka! So sa tingin mo ba talaga maiisip nilang subsob ka sa trabaho para kumita ng pera pangpadala sa kanila?? Hahahahaha…di nila alam na kahit masakit sikmurain ang amoy at ugali ng mga tao sa paligid mo..nageenjoy ka na lang sa Facebook para mawala ang pagkabwisit mo.

Hayyyyy…Parang eksena lang talaga yan sa buhay ko. Kahit ilang daan beses ko sabihin na WALA AKONG PERA. NAGHIHIRAP AKO. PAUTANGIN NYO NAMAN AKO. Iisa lang ang sinasagot ng mga hinayupak pero loving barkada ko…TOL, WALA SA ITSURA MO.  Fuck that! Nyahahahahh

Kahit sa mga kapatid ko..feeling ko pag nageemote ako..di sila naniniwala. Di ko alam kung alam nilang sinungaling ako o talagang ayaw lang nilang paniwalaan ang mga sinasabi ko. Hahahaha..

Mahaba  na naman entry ko. Ang daldal ko talaga!! AYENG DALDAL! Hahahah…

Eto na lang parting words ko: HINDI NYO BA ALAM NA MAS MADALAS KAMING MAGKAKACHAT LANG KAHIT NA PARE-PAREHO KAMING NASA DUBAI??? NA SA BUDDY POKE LANG TALAGA KAMI NAKAKAPAG-BONDING AT HINDI SA TUNAY NA BUHAY? INIINTAY KO NA NGA LANG NA MAKAHARAP SILA AT KULAY YELLOW NA PARANG YAHOO SMILEYS NA…NYAHAHAHA…WELL, AS FOR THE SIZE, NA-ATTAIN NA NAMIN UN..LAHAT KAMI BILUGAN NA! HAHAHAHAHAH

Day 46: Nosebleed Moments Agosto 4, 2009

Posted by carelesshush in Family Affairs, katuwaan lang.
5 comments

my eldest son is turning 8 bukas. ambilis ng panahon, parang kailan lang bulinggitong pa sya ngayon damulag na, hehe. anyways, alam nyo bang hindi ko alam kung san ko pinaglihi yung batang yun at bakit sobrang DALDAL! di naman ako madaldal? madaldal ba ko? matanong ba ko? hindi naman diba? hehe. sabi nga ng pinsan ng daddie nya, siguro nung maliit pa sya pinakain sya ng mga 4 na keps ng baboy..kasi daw sobrang daldal nya! hahahahaha..hindi ko alam kung bakit yan ang sinasabi kapag may madaldal na tao..kesyo pinakain daw ng keps ng baboy. bakit, madaldal ba keps ng baboy? waaaaaaaaa

in any case, gusto ko lang i-share yun mga nosebleed moments ko with my panganay…

Kakulitan 1:

while watching TV..nakita nya yun word na PAST LIFE?

CHLOE: Ano ba ang PAST LIFE? Ito ba ay MABILIS na BUHAY?

KAUSAP: errr….(speakless! hahahah)

 ******************************************************************************************************

Kakulitan 2:

while watching Killing Fields…

CHLOE: Ano ba ang Killing Fields? Ito ba ay PINAPATAY na FIELD? Kahit anong field, basta halaman?

AKO: suntok, nak..gusto mo? (bwahahah)

 ******************************************************************************************************

Kakulitan 3:

Nakita nya yung nakalagay sa isang building na – – – TO LET

CHLOE: Ano ba ang TO LET? Wrong spelling ba ito ng TOILET?

AKO: (dali-daling nangunguha ng tissue at tutulo na ang dugo sa utak ko! hahahahaa)

******************************************************************************************************

Kakulitan 4:

since wala kami magawa mag-ina kahapon, we decided to go to the mall at optical shop cause i need new contact lens na..

Optical Shop:

Kailangan ko sya iwan sa labas ng shop kasi susukatan nga ang aking mata pero I am afraid that he might break something outside so pinagpaalam ko na kung pwede sumama sya sa loob, at pumayag naman yun optometrist provided that he’d behave..lol

ME: OK, wag ka daw magulo.

CHLOE: OK po…(pero ikot sya ng ikot sa maliit na testing area..hehe)

ME: Huy, wag daw sabi magulo e.

CHLOE: picturan na lang kita para souvenir

ME: OK

CHLOE: Ayan meh, ganda! Muka kang robot!

and he showed me this picture

DSC00225

 waaaaaaaaaaaaa…ayus sa compliment anak ko di ba??

Then after eye testing, lumabas na kami sa showroom para mamili ng contact lens and magtingin ng bagong eyeglass for me.. since wala ang husband ko to give me opinion kung bagay ang eyeglass sakin, si Chloe na lang tinanong ko.

ME: Chloe, bagay ba sakin toh? (showing him one of the eyeglasses)

CHLOE: Opo meh, ganda. Para ka lang si Betty La Fea

toinks!!! ayus!!! hahaha

After sa Optical Shop we decided to go to H & M…at syempre di pa rin matigil ang bibig ng anak ko mula optical shop hanggang sa H& M..mga siguro nasa 5-7 minutes walk lang naman yun..pero nonstop sya sa walang katuturang pagdadaldal. Then, he saw one of those thingies na niroroll sa damit para maalis yun himulmol or puti-puti sa damit. nalimots ko na yun tawag, haha!  Anyway, eto naging usapan namin:

CHLOE: (pointing to that ‘thingie’ nga) Meh, dapat yun ang ginamit ni daddie sa paglalagay ng design sa wall ng bahay natin!

ME: tungek! alam mo ba kung ano yan?

CHLOE: hindi po

ME: pang-alis yan ng puti-puti sa mga black na damit. di yan pang-painting!

CHLOE: oo nga, hindi naman ganyan yung sinasabi ko eh!

errr, mali ba ko ng unawa sa unang sinabi ng anak ko na dapat ganun ginamit ng tatay nya?! hahahha

ME: Ok fine. Manahimik ka na dyan (magbabayad na kasi ako sa counter)

CHLOE: Meh, dapat kasi wallpaper nilagay ni daddie sa bahay.

ME: Ehhh, border nga lang gusto ni daddie mo eh

CHLOE: mas maganda kung wallpaper, yun lalagyan mo lang ng paste tas didikit mo sa pader ng buo!

ME: Ehhh. border nga lang daw! Alam mo ba kung ano ang border?

CHLOE: Opo! Yun mga tenant natin sa bahay!

ME: waaaaaa….(muntikan ng mag-collapse!!!) anuveh?! B-O-A-R-D-E-R yun at hindi B-O-R-D-E-R

CHLOE: ahhh, hehe. magkaiba pala yun?….ng spelling??

ME: (am turning violet na!)

Kalain nyong WALLPAPER ang pinaguusapan namin sukat isali yun mga tenant namin sa bahay…hahahaha..buti na lang mag-inang Indiana at isang Araba ang nasa likod namin kung hindi malamang nag-collapse na rin yun sa pakikinig pa lang sa anak ko hehehehe

So after H & M, nagdecide na kong umuwi bago pa ko himatayin sa mall. On the way to the parking, nadaanan namin yun coffee shop na Second Cup…

CHLOE: (serious ang itsura) Meh, asan ang First Cup?

ME: ……….(tuluyan na kong nag-collapse! hahahahaha)

ay naku sinasabi ko sa inyo (yes, sa mga iilang readers ko..lol) kung nalulungkot kayo sa buhay, paparentahan ko anak ko para aliwin kayo hahaha..or kahit libre na, mapahinga lang ako sa isang araw na kadaldalan nya…hehehe..masusulit naman talaga ang maghapon nyo with Chloe, NO DULL MOMENTS, or rather, NO QUIET MOMENTS hahaha.pero kahit ganyan anak ko love ko yan, hihihi…

Love you Chloe..Happy Bortdey!!! Wish ko lang matuwa ka sa mga robots na regalo namin sayo bukas!!!!! Atin-atin lang ha, actually si Daddie mo yun may type ng mga Robots na binili namin, kaya sya yung nasunod sa mga designs hahaha..but I know you’ll love it! May bago ka na namang kakalikutin 🙂

Day 33: All The Single Ladies Pebrero 22, 2009

Posted by carelesshush in bagong libangan, katuwaan lang.
add a comment

dahil natutuwa ako at pwede na ang video dito sa WP..sasamantalahin ko daw…pero don’t worry di naman SCANDAL NI CARELESSHUSH ang ia-upload ko bwahahahah…just some funny vids na natatagpuan ko sa U-tube. like this one:

haha..sa twing maririnig ko tuloy sa radio yun All the Single Ladies ang naiisip ko si Justin Timberlake at hindi si Beyonce waaaaaaaaa…

Pahabol: Pajay di makalagay ng video sa blog…joke!

Day 30: Boredom kills the charosera! Pebrero 16, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments, kaetchosan lang, katuwaan lang.
add a comment

(warning: isang kilometrong entry ito..kung walang tyaga, wag na magsimula..hehe)

 

Tulad ng napakaraming araw na nagdaan wala na naman ako magawa kaya naisipan ko maglibot-libot sa internet.  Sa totoo lang ayoko ng ganito kasi nakakalaki ng pwet ang maghapong pag-upo. Aba’y buti sana kung magiging matambok tulad ng kay J-Lo eh ang kaso hindi..ito ay magiging isang malaking flat na pwet lang kasi nga for 8 hours nakaupo lang ako! hehe..Mamanasin pa ko ng lagay na toh e…pero sabi nga ng boss namin magpasalamat na lang kami na kahit naiinip kami at least employed pa rin kami. Sa dami ng lay off na nangyayari sa paligid maigi na toh kesa maging unemployed ako diba, hehe..

 

At eto nga, sa aking paglilibot ay napagtanto ko ang mga sumusunod:

 

  • Darating sa Dubai ang aking hinahangaang si Paulo Coehlo para sa Emirates Airline International Festival of Literature na gaganapin mula Feb 26 hanggang March 1. Di ko lang alam kung anong date sya magiging open for book signing o kung magkakaron nga ba ng book signing pero wish ko lang na magkaroon at makapunta sana ako sa Dubai Festival City kung saan gaganapin ang event…hmmmm…

 

 

  • Ang Cirque du Soleil ay nasa Dubai mula March 5 hanggang April 5! Isa ito sa mga event na pagiisipan ko kung pupuntahan namin o hindi, hek hek. Affordable naman yun price ng ticket pero…depende kung sisipagin ako, har har har!

 

 

  • Hindi pinayagang makapasok dito sa UAE ang Israeli tennis player na si Shahar Peer kasi wala daw diplomatic ties ang UAE sa Israel. Charosera mga UAE officials, hehe..well, actually hindi talaga pwede ang kahit sinong tao o hayop man na pumasok sa UAE kapag isa kang Israeli o kaya kahit napadaan ka lang sa lupain ng Israel..isa kasi sa mga matinding supporter ng Palestine ang UAE..naalala ko nga noon yun dati kong boss, nagmagandang magtour sa Jerusalem. Ayun pagbalik dito sa UAE at may tatak sya sa passport from Jerusalem, hindi sya pinapasok ng Immigration bwahahahah..bumalik na lang muna sya ng Canada at nag-renew ng passport nya..hahaha..abnormal kasi!

 

  • Nabalitaan nyo naman na siguro yun tunkol sa octuplets? Well, the octuplet mom’s publicist calls it quits! Duh, finally! Para sakin napaka-irresponsible nya at selfish sa pagdedesisyon na gumawa pa ng mas maraming bata. Hindi na nga nya maasikaso pa yun 6 anim nyang anak! Hay!

 

  • May bagong lalabas na book si Bob Ong at ang title ay Kapitan Sino . Kapag lumabas na toh sa market, malamang orderin ko na naman sa Divisoria.Com ala kasi dito nagbebenta ng tagalog books..hmf! 

Now speaking of Bob Ong..naalala ko na may mga nakakatuwa syang quotes. Although, malamang nabasa nyo na sila ng paulit-ulit, ilalagay ko pa rin dito para pandagdag sa entry ko ngayong araw na ito….bwahahahah..ker nyo eh blog ko toh?!

 

Heto ang ilan sa mga nagustuhan ko na sabi daw ni Bob Ong:

 

“Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

 


“Iba ang informal grammar sa mali!”

 


“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko”

 


“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo,lima,sampung taon sa hinaharap, magiiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareho dahil lang kaboses nya si Debbie Gibson o magaling sya mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit kaninuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumuka ring pandesal. Maniwala ka.”


Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang na paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

 


“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko eh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”


“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko “

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

 


“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

 


“Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.”

 


“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kungdi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”


“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon kung magaling kasa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”


“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t ibang paraan. Tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.”

 


“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam nyang hindi lahat sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

 


“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

 


“Walang taong manhid. Hindi lang nya talaga maintindihan kung ano ang gusto mo iparating dahil ayaw mo syang diretsuhin”

 


“Kung magmamahal ka ng pangalawa, iwan mo yung una. Hindi ka naman kasi magmamahal ng pangalawa kung minahal mo talaga yung nauna”


O diba asteeg yun panghuli! May point sya dyan ng bonggang-bongga, hahaha!  Oi ni-retype ko talaga lahat yan para ubos-oras haha.

 

Malapit na pala ang birthday ko..ina-announce ko talaga na sa Saturday na sya! haha..kaya batiin nyo ko huh! LOLS! i’ll be 18 by then..lols..charosera…ende…i’ll be 29 na this coming Saturday..naalala ko last year as a birthday gift sinama ako ng aking habibi sa kanyang business trip sa Pinas. last year, sa Pinas pa naka-base ang panganay namin na si Kulet. am so excited nun time na yun kasi almost 2 years na rin kami hindi umuuwi and miss ko na ang aking unico hijo. i got a chance to see my youngest niece for the very first time din (sya yun nasa profile ko, hehe). kakaiba ang last year, mayaman ako last year, hahahaha…pero this time mas mayaman pa ko kasi, dala-dala ko ang aming second angel..2 months pa bago ko sya ilabas pero seksayted na ko..weeeee..sa sobrang excitement nga namili na kami ng mga gamit ng bebe namin kagabi, haha..habol sana ko sa last day ng Dubai Shopping Festival sale kaso lang nun last Saturday pa pala ang last day..bwahahaha..malas talaga!

 

ayan naku 11am pa lang dito, 7 hours pa kong uupo at ngangata ng almonds? huwaaaaaaaaa..nakakainipppppppppp……damn am so bored!

 

Pahabol: Mukang engot ang format ng entry ko pero wakoker hahaha…la naman mashado nagbabasa dito..bwahahahahhaha

 

 

 

Day 29: Ang mga Bayani at ang Blogging Pebrero 11, 2009

Posted by carelesshush in kaetchosan lang, katuwaan lang.
Tags: , , , , ,
7 comments

napanood ko kagabi sa Kapuso mo, Jessica Soho ang ilan sa mga ‘video bloggers’ dito sa blogosperya. hindi ko alam kung lumang episode na sya or what, kasi delayed naman ipalabas ang ilang show dito sa Dubai, hmf!

heniweiz, ilan sa mga na-feature ay sina Happy Slip (na napuntahan ko na before at nagenjoy talaga ako), Foodtrip28 (na malamang puntahan ko kasi tunkol to sa pagluluto – not because i love to cook, i actually LOOOOVE to eat! haha), Gorgoro , at saka may dalawa pang di ko na matandaan yun name ng blog, kainis! Basta alam ko yun isa si Coy and the other one is yung funandsexy.ph (errr, something like that, hehe). asteeeg si funandsexy kasi complete sa gadget..hihi..how i wish ganun din ako kaseryoso sa pagbo-blog ko diba? hahaha…oh mali, how i wish may mga ganung gadget ako para makarir ko ng bonggang-bongga ang pagbo-blogging! hak hak hak…

ang isa sa mga nakakaaliw pa ay si Foodtrip28 kasi as in CELLPHONE lang ang gamit nya. karir kung karir! at take note, cooking ang forte nya so imagine him, na sa isang kamay naghahalo ng rekado tas isang kamay ay nasa cellphone at nagvivideo..aliw diba? while ang wife nya at si Ax(?) na anak nya ay nagiintay sa mesa para sa kanilang food…weeeeee!! natuwa talaga ko, paramis!

pero hindi kasi ganun kalakas ang loob kong ibandera ang muka ko sa blogosperya. kita nyo nga parang si Pajay lang ang MALAS na nakakita ng pic ko na 2 weeks ko lang yata pinost dito at pinalitan ko na ng pic ng pamankin ko ang profile ko bwahahahahaha…shy type kasi ako ng ishlayt..hehe..

ehhh, teka maiba naman tayo ng topic. naexperience nyo na ba yung habang nakikinig kayo ng radio biglang tinugtog yung favorite song nyo ng bf/gf/asawa/partner nyo? at pagkatapos mo mag-emote kasi favorite nyo nga yung tugtog biglang isusunod ng DJ eh yung theme song nyo naman ng EX mo? bwahahahahhaha….weird!

kagabi kasi nakikinig akong radio biglang tinugtog ang fave song namin ng habibi ko na Hero ni E. Iglesias at pagkatapos biglang sinunod yung Glory of Love na nakatuwaang theme song namin ng EX ko..di ko mapigilang di matawa..kasi…errr, natawa ako eh, ker nyo ba?! haha

tas as usual bumalentong na naman ang isip ko sa kung saan…naisip ko lang na ang HERO ay may linyang:

I can be your HERO baby–I can kiss away your pain–I will stand by you forever–You can take my breath away…

while ang Glory of Love ay may mga linyang:

I am a man who will fight for your honor–I’ll be the HERO you’re dreaming of–We’ll live forever –Knowing together that we–Did it all for the glory of love…

asowsko! ang mga labtim ko naman pala may mga pagka-action star ang dating..gusto nila maging HERO ko sila..bwahahahah! naisip ko tuloy, kung ‘unconsciously’ eh mahilig ako sa HERO buti na lang di ako pinanganak nun panahon nila Rizal. kasi kung nagkataon eh baka naging isa ako sa napakaraming babae ni Rizal at baka naging kakumpetensya ko pa si Josephine Bracken kay Rizal! bwahahahahah….pero kung sakali pinanganak ako sa panahon ng mga bayani..malamang huntingin ko si Gregorio del Pilar! kasi nun elementary pa lang ako pinagnanasahan ko na sya sa twing makikita ko sya sa poster na ANG MGA BAYANING PILIPINO..hahahahah…

buti na lang talaga di ako pinanganak sa panahong yun, kung hindi as early as 1899 uso na siguro ang SCANDAL..waaaaaaaaa….nyahahahhha

Day 28: R-18 toh..Bawal ang ‘maarte’ dito! Pebrero 3, 2009

Posted by carelesshush in kaetchosan lang, katuwaan lang.
Tags: , , ,
6 comments

INTRO:
as usual naisipan ko i-blog ang conversation namin ng friend ko kasi natawa ako at gusto ko i-share. pero FIRST and FOREMOST as in pinangungunahan ko na medyo mahalay ang content, kung magiinarte ka lang din..wag na basahin..anyway, di naman sya OVER sa KAHALAYAN..baka lang may mag-eewww sa tabi tabi eh bigla ko lang mabatukan hahahaha

i had a chance to chat with a longtime friend last nite..eto conversation namin:

kumare: huy musta na?
ako: eto bundat pa rin!
kumare: ay oo nga pala nakalunok ka ng sperm cell..haha
ako: huh? aahhh (realizing what she meant)…wahahahahahaha (laffin trip na ko magdamag!)

tuloy ngayon naisip ko…kaya ba yun ibang mga bading eh malalaki ang tyan kasi panay ang lunok nila ng sperm cell?! hahaha…kita mo si Boy Abunda, John Lapus (ishlayt!), at si …yun host ng pang-gabing show? ayoko pangalanan baka mademanda ako ng libel. hahahaha. so ang laki ng tyan ba nila ang batayan ng kanilang sex life? mas malaki, mas maraming nalunok?! hahahaha…natatawa talaga ko! ayun lang kung di kayo natawa e di wag..hahahahah

kaya ladies beware…kung ayaw mabundat wag lulunok ng sperm cell huh! napapatumbling talaga ako sa idea na yan!

Day 25: Bagong Simula Enero 4, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments, kaetchosan lang, katuwaan lang.
10 comments

ayan 2009 na! HAPPY NEW YEAR EVERYONE!

super daming nangyari nung 2008 noh? may nga sumikat, may nalaos; may pinanganak, may namatay; may mga kumita; mas maraming nalugi…hay 2008…napakakulay ng storya mo!

in any case, so this is my first entry for 2009. gustuhin ko man na maging SENSIBLE ang entry na toh pero pinanganak akong walang sense so wag na kayo umasa, haha.

last Xmas nakatanggap ako ng gift from my special friend Cathy. niregaluhan nya ko ng book ng Twilight. alam nya kasi na hobby ko ang mangolekta ng libro at isa akong frustrated na librarian, haha. at first, ayoko sana basahin yung Twilight. isa kasi ako sa mga taong engot pagdating sa mga uso-uso na yan. ibig kong sabihin, alam kong IN ang Twilight (movie and book) pero hindi ko sya naiisipan basahin o panoorin. katwiran ko saka na lang pag di na sya uso. hahahaha. eto po ay sa kadahilanang ayoko lang makisabay (kunwari) o makiuso. wala lang abnormal lang ako, ipokrita in other words! hahaha. tapos pag di na uso, yun tipong alam na ng buong mundo ang storya saka pa lang ako mageengot na basahin o panoorin sya, waaaaaaaa…antanga di ba? weh, at least honest naman akong tanga ako, hihi.

anyway, kahit ayoko sana muna basahin si libro, sa kawalan ng magawa nun Holiday, naisipan ko na rin syang basahin. ayun natuwa naman ako! at aaminin ko there are times na kinikilig ako sa kaetchosan ni Edward at ni Bella. i even shed a tear nung andun na ko sa part na sumulat si Bella kay Edward kasi makikipagkita na sya kay James sa Phoenix! hay talaga nga naman oo! tsaka parang nakakatuwang nagsasabihan ng I LOVE U ang vampire at yun lablyf nya..hahah..la lang..natutuwa lang ako, ker nyo ba :p

at eto na dahil nga mahilig ako sa libro, syempre hindi pupwedeng di complete ang sequel..kaya sa weekend bibilin ko pa yung New Moon, Eclipse at Breaking Dawn. gusto sana iregalo pa sakin ni Cathy yung 3 kaya lang magiintay pa muna daw sya ng 3 pang occassion sa buhay ko bago nya yun bigay..waaaaaaa..sa Feb pa yun susunod na occassion kasi bday ko..since inipera akong tunay, bibilihin ko na sya sa Magrudys sa weekend..bwahahaha..

so ayan sinisimulan ko ang 2009 ko sa pagbabasa ng libro..sana naman matapos ang 2009 na medyo mas productive ang ginagawa ko diba? hehe..sana naman matapos na tong credit crunch na toh at naku naman talaga! sabi sa chinese horoscope..by November daw maganda na ang takbo ng career ko..teka paurong kaya o pasulong ang takbo nya?? hmm…

pero simula palang ng taon medyo confused na ko..e kasi naman habang tinatapos ko ang Twilight ehhhh nanonood din ako ng series ng Smallville. binigyan kasi kami ng DVD copy ng friend namin from Season 1 till Season 8…ngayon di ko alam kung sino ang mas kras ko si Edward Cullen ba o si Clark Kent..hmf! Pag binabasa ko yung Twilight mas naiisip kong ilagay na character si Tom Welling (CK) kasi parang mas bagay syang vampire tusok-tusok kasi ang teeth nya, hahahah….pero kung titignan muka naman talaga vampire si Robert Pattinson…ay naku..kompyus small brain ko! hmf!tas feeling ko mas bagay na Bella Swan si Kristin Kreuk (Lana) kasi maarte sya at pacute..bwehehe..ay akalain nyo ang name ng mga leading ladies nila ay KRISTIN at KRISTEN..ay akalain mo nga naman talaga noh?! hahahahaha

ehhh di bale eto na nga lang…..happy new year sa mga frenships na natagpuan ko dito sa blogosperya like Joshmarie, Pajay, Ron Turon at kay Onat na mukang di pa rin nakakarecover sa holiday at wala pa rin syang entry..hehe

PAHABOL:
ay akala ko bakit biglang nagtaas ng boses tong ofismeyt ko..NO WAAAAY! sabi nya! ayun pala si Beckham daw eh nasa mall at andun yun sis in law nya at ikukuha daw kami ng autograph bwahahahahah….ayus! humabol pa ko e no ala rin naman sense hahahaha

Day 22: Kompyus Disyembre 11, 2008

Posted by carelesshush in kaetchosan lang, katuwaan lang, Naiinip lang ako.
Tags: , ,
add a comment

pano ba sasagutin yung ganitong text:

Few days to go
Xmas/New Year na
Masaya ka ba?

Did you say sorry
Sa mga taong
Di mo sinasadyang masaktan?

Did you say thanks rin
Sa mga taong
Nagpapahalaga sayo?

Wel, do this habang maaga pa
U’ll have a wonderful year and xmas!

I’ll start

Sorry if I’ve caused you pain
Either intentionally or unintentionally

But thank you for the friendship, respect
Love and acceptance you’ve given me

Merry Xmas & Happy New Year!!!


lam nyo bat ko pinoproblema kung pano sasagutin yan..

di ko kasi alam kung sino yung sender…nyahahahahah!!!!! kainis ala sa fonbuk ko! hmf!