jump to navigation

Day 66: Homesick Nobyembre 8, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, Emoterang Kuba, kaetchosan lang.
Tags:
4 comments

madalas pag nakikinig ako ng music. nagkakaron ako ng last song syndrome chuva. at pag nangyari na yang syndrome na yan, walang ibang emosyon akong nararamdaman kung hindi pagkairita sa sarili ko kasi naman kahit yun kantang Voulez Vous  nung sinaunang panahon pa ay di nawawaglit sa isip ko. as in pinapatulan ng vocal chords ko!! namf!

kahit nga nung minsang manood ako ng Batang Bibbo kinakanta ni Roxanne at ng mga batang puppet yun “ulo, abaga, hawak, dapi-dapi, tuhod, pitil” (sa tono ng paa, tuhod, balikat ulo but in hiligaynon version) ng paulit ulit hanggang sa masaulo ko na tuloy! awa ni batman, ayun kinakanta ko na sya kay Gelo ngayon at aliw na aliw naman ang bunso ko. i dunno if its because he likes the song o kasi mukang minggoy ang nanay nya habang kumakanta ng kantang pang-alien ata..nyahahah

pero nung nakaraang araw…may mga kantang tugtog sa player ang asawa ko..i can’t help but to feel ‘homesick’. i know i am with my family but then miss ko rin ang family ko sa pinas. si jeje at si breanna, sila lola at mga tyahing maiingay at mga pinsang ubod ng kukulit!!!! hehe..at syempre miss ko na rin si shoana, psn at bujoy na nasa canada 😦

kung kayo makarinig ng mga awiting ganito..ano mararamdaman nyo???

wag na isama pa dyan ang mga mas nakakalungkot pang Xmas song..hehehe!!! ohmygawd talaga! 8 xmas na akong wala sa Pinas….miss ko na ang Pinas kung Xmas…hihihihi!!!! but i know that compared to others swerte pa rin ako kasi i am with my family here in Dubai… so for that..I AM SO THANKFUL……….

MERRY XMAS EVERYONE!!!!!!  🙂

Day 61: Buhay OFW Oktubre 27, 2009

Posted by carelesshush in kaetchosan lang, katuwaan lang.
Tags:
5 comments

Nakailang post na ata ako ng about BUHAY OFW. Isang forwarded at isang sariling gawa ko. I read Joyo’s blog and gave me an idea na gumawa ulit. Pero this time, on a lighter side. You know? (manny pacquiao?? Hehe)

Ilang blogs na ba nadaanan ko at ilang milyong tao (ows)  na ang nagsabi ng mga ganitong linya:

HINDI MADALI ANG BUHAY SA ABROAD.

HINDI PINUPULOT ANG PERA DITO (ABROAD).

KINAKAILANGAN KO MAGKUDKUD NG KUBETA AT MAGHUGAS NG PWET NG IBANG TAO PARA KUMITA NG DOLYAR NA IPAPADALA SA INYO.

ILANG GABI O PASKO ANG PINAGTITIISAN KO DITO, KAPALIT NG MASAYANG PASKO NYO.

MALUNGKOT SA ABROAD, KUNG DI LANG SA KINIKITA, UUWI NA KO.

At syempre napakarami pang iba. Lahat naman yan totoo. Lahat yan talagang darating ang point na gugustuhin mong isulat sa noo ng pamilya o kamag-anak mong walang ginawa kung hindi manghingi ng sustento sayo.

Dito sa Dubai, maraming professionals back home pero pinili mag-work sa sales para lang kumita kahit papano. Dahil kung isusugal nilang maghanap ng trabahong naaangkop sa “diploma” nila, aabutin sila ng dekada at susugal ng milyon bago makapwesto ng maayos-ayos dito. Sa abroad, swerte ang mga taong pagdating palang maganda na ang pwesto, pero dito…karamihan dumaan sa silong ng hagdan bago naka-step 1 at bago pa unti-unting makagapang paakyat sa gustong puntahan. May mga napariwara na nga….nakalimot sa kung anong dahilan kung bakit ba sila andito sa abroad.

May mga taong umiyak muna ng ilang galong luha dahil sa pagkukudkud ng kubeta bago pa tumaas ang pwesto at mabigyan ng sariling computer (pang Facebook nya! Hehe).  Pero nakakatuwa para sakin na makita o malaman na yunn ilang kakilala kong adik tambay  sa bayan namin ay andito na rin sa Dubai at nagtatrabaho ng mahusay. Pero yung iba, bumyahe ng milya-milya, gumastos ng ilang libo..yun pala tatambay lang din dito..tskk.tskk.!

Pero eto na ang tanong..sa tingin nyo ba, kung sasabihin natin ang mga katagang yan sa pamilya, kamag-anak, boyfriend/girlfriend o kahit na kanino pang poncio pilato na nasa pinas, maniniwala sila kung ang makikita nilang mga litrato ay ganito:

(PAALALA: WALA AKONG PAHINTULOT SA PAGKUHA NG PICTURES NYO. PERO MAGDEMANDA NA KAYO SA BALIDIYA…WAKOKER! HAHAHAHA…)

 

 

At sa pagtuloy na paglaki ng belt bag, body bag at pati na rin back pack natin dito, maniniwala ba talaga silang naghihirap tayo?? Sa pagkalaki-laking SMILE na nakabalandra sa pictures mo sa mga mall trips, picnics (lalo na sa beach?!) or sa mga simpleng get together..sa tingin mo talaga maniniwala silang nalulungkot tayo?? Hehe. Seriously, sa dalas ng hagalpakan natin sa pictures, mga eksenang japan-japan….maiisip ba nilang YOU ARE ONE SAD OFW??? Hindi rin siguro!!!!  Malamang titignan nila ang mga suot natin at magrerequest na baka pwede sila rin may ganun! Haahahahah. Di nila alam halos makipagpatayan ka para lang makabili ng havaianas mo! LOLS. Di nila alam na parusang magintay ng 2 yrs para lang malibre ang ticket mo pauwi at makapagbakasyon tapos biglang sasabihin lang sayo..SORRY FULLY BOOKED! Nampotah!

Pero wala silang papaniwalaan kundi kung ano nakikita nila. Di nila talaga papaniwalaan na pagkatapos magclick ang camera na yan at nagpaalaman na tayo sa isa’t isa, kanya kanyang buhay ofw na naman tayo. Matapos ang flash ng camera at mga 30minutes na tawanan, bumabalik tayo sa sad face kasi bumabalik na ang problema! Kung alam lang nila..heheh

Eto pa, sino naman talaga maniniwala na nahihirapan ka sa buhay at work mo dito….ehhh madalas updated ang Twitter, Plurk, Facebook at Friendster mo. Ang mga quizzes lahat na lang pinatulan mo. Ang mga games Farm Town, Farm Ville, Sorority Life, Cafe World, Pet Society at kung ano ano pa, ay meron ka! So sa tingin mo ba talaga maiisip nilang subsob ka sa trabaho para kumita ng pera pangpadala sa kanila?? Hahahahaha…di nila alam na kahit masakit sikmurain ang amoy at ugali ng mga tao sa paligid mo..nageenjoy ka na lang sa Facebook para mawala ang pagkabwisit mo.

Hayyyyy…Parang eksena lang talaga yan sa buhay ko. Kahit ilang daan beses ko sabihin na WALA AKONG PERA. NAGHIHIRAP AKO. PAUTANGIN NYO NAMAN AKO. Iisa lang ang sinasagot ng mga hinayupak pero loving barkada ko…TOL, WALA SA ITSURA MO.  Fuck that! Nyahahahahh

Kahit sa mga kapatid ko..feeling ko pag nageemote ako..di sila naniniwala. Di ko alam kung alam nilang sinungaling ako o talagang ayaw lang nilang paniwalaan ang mga sinasabi ko. Hahahaha..

Mahaba  na naman entry ko. Ang daldal ko talaga!! AYENG DALDAL! Hahahah…

Eto na lang parting words ko: HINDI NYO BA ALAM NA MAS MADALAS KAMING MAGKAKACHAT LANG KAHIT NA PARE-PAREHO KAMING NASA DUBAI??? NA SA BUDDY POKE LANG TALAGA KAMI NAKAKAPAG-BONDING AT HINDI SA TUNAY NA BUHAY? INIINTAY KO NA NGA LANG NA MAKAHARAP SILA AT KULAY YELLOW NA PARANG YAHOO SMILEYS NA…NYAHAHAHA…WELL, AS FOR THE SIZE, NA-ATTAIN NA NAMIN UN..LAHAT KAMI BILUGAN NA! HAHAHAHAHAH

Day 60: Banyo Queen Oktubre 22, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments, kaetchosan lang.
Tags:
2 comments

94088b8a825e8c92Mashado akong nabibigatan sa dibdib ko mga balita nitong nakaraang araw…to lighten up a little bit eto na lang may kwento akong walang kwenta…

Everyday 6:30am kami umaalis ng Sharjah. Dumarating kami ng Dubai around 7am lang. Since 8am pa ang pasok ko at ang may hawak ng susi ay dumarating ng around 7:30 or 7:45, tumatambay muna ako sa banyo..at lately, naisipan kong idaan sa tulog ang paghihintay ng oras..hahaha!!! Ginagawa kong tulugan ang isa sa mga cubicle. In fairness naman sa banyo ng bldg namin, malinis sya at may spray na nagpapabango every 15mins.  Yeah, sa dalas ng tambay ko dun naorasan ko na sya. Pag nga nagwisik yun..as in….WWWWWWWWIIIIISHHHHIIIIKKKK! rinig ‘gang labas at lumayo ka sa kanya kasi maliligo ka ng pabangong pangbanyo pag nagkataon hehe. At pag naka 3 wisik na sya ibig sabihin it is time for me to go na. Bukas na ang office nun for sure! Ganda ng indicator ko noh?

Eto ka na. Kaninang umaga as usual 7am ako dumating. I checked our office, sarado pa! So punta ako sa ‘tulugan’ ko..lols.  Ayoko sana matulog but then ala ako gagawin kung hindi tutunganga for the next 30-45 minutes..So, OK pumwesto ako at buti na lang talentada talaga ko pagdating sa pagtulog. Nakaidlip naman ako. Pero nagigising ako whenever nagwiwisik ang mahiwagang spray sa banyo. Nung nakaka-dalawang spray na, I knew na malapit na ang oras para sa pagpasok ko.

Sos, eto na. Pangatlong wisik na pero parang napasarap naman ang tambay ko sa banyo. Hindi agad ako nag-ayos. Hanggang marinig ko ang pang-apat na pagwisik..huwaaaaaaaaaa…mag-8am na! Hahahaha…namfota talaga ko! Akalain nyo, ang aga ko na nga dumating sa office tapos male-late pa ko ng time in? Nyahahahah..natawa talaga ko sa pangyayaring to, oo!

MORAL LESSON: WAG UGALIIN ANG PAGTULOG SA BANYO, IKAKA-TERMINATE MO ITO!

Day 51: A fact of life Setyembre 9, 2009

Posted by carelesshush in kaetchosan lang.
4 comments

My day began with nerve racking news.  Now, to get rid of this pressing issue in my head…which is actually a fact of life…I decided to just write in my blog..waste my precious time thinking of what  ‘kalokohans’ I have done recently that I can share to everybody….again, I know there are only about 5 people who read my blog….but who cares?! Who the hell cares?

The class started already in some school, at least. Chloe’s school will start next week. He still has few more days to jump around the house. This morning I saw some kids dressed in uniforms waiting for their school bus. The little Indian boys look so cute in their neatly tucked uniform with their trolley bag beside them and a lunch box on their hand. 

Seeing them actually made me sing…..

One little two, little three, little Indians

Four little five, little six, little Indians

Seven little eight, little nine, little Indians

Ten little Indian boys.

 

Ten little, nine little, eight little Indians

Seven little, six little, five little Indians

Four little, three little, two little Indians

One little Indian boy.

 

By the way, today is 09.09.09..sabi nila lucky daw…feeling ko naman hindi…hayyy!!! Ayan napa-English tuloy ako..boring tuloy post ko..pero pinaghirapan ko na yun English ko kaya ipopost ko na rin..lols..

Mag-enjoy na lang sa palabas…

Day 50: I hate Ate Vi! Setyembre 1, 2009

Posted by carelesshush in kaetchosan lang.
5 comments

 

 as much as possible ayoko sana may TV sa bedroom. for me kasi ang bedroom is a place where you can rest..and TV is for living room ONLY. but i have to break that rule yesterday kasi si Madam Neneng (my nanny) ay laging nakakatulog sa sofa na bitbit si Gelo while watching TV. mga 100x ko na siguro nasabi na gumitna sa sofa at baka malaglag sila pag napasarap ng tulog but then parang di ata ako nauunawaan ng ishlayt..lol…so we’ve decided na i-fix na ang lumang tv sa aming bedroom para dun na lang sila tumambay ni Gelo at kahit makatulog ay for sure na nasa kama sila at di mahuhulog.

so nafix na nga si TV..eto ka na, naisipan ng habibi ko na i-test ang player at tv na sinet-up nya. sinalang yun old movie ni Ate Vi na ANAK…ayun awa ni Batman dis-oras ng gabi umiiyak ako sa palabas..bwahahahha!! nakailang ulit ko ng napanood yun movie na yun. namili pa nga ako ng DVD copy for my collection kasi gusto ko yun story. Kumusta naman yun, sa twing na lang papanoorin ko yung movie na yan e humahagulgol ako ng iyak…waaaaaaaa..kaya hate ko na si Ate Vi kasi lagi nya na lang ako pinapaiyak sa mga movies nya…ayoko na manood ng palabas ni Ate Vi…lols..boycott?! hahahaha

i can somewhat relate kasi. di naman dahil kasing-bad ako ni Carla (played by Claudine) but kasi DH si Mama nun sa Hong Kong at nakuuuu talagang kawawa naman mga katulong dun! nun nga nagbakasyon kami sa Hong Kong may tinuro si Mama samin na taga-kabilang bldg at nasa lower floor kaya tanaw namin yun kitchen. late na pero si kabayan kudkud pa rin ng kudkud ng kitchen, dun daw kasi natutulog yun filipina na yun..kawawa diba? alam kaya ng family nya sa Pinas na sa kusina sya natutulog…na dun sa malamig na tiles naglalatag si ate? tas ang pamilya sa pinas pag na-delay ang padala magiinarte pa, hmf! mga spoiled!

minsan nga nakakatuwang-nakakairita e. nung nasa pinas yun anak o asawa nila, nakakatiis sila sa kakarampot na kita. nung mag-abroad at nakapagpadala ng malaki saka pa aangal yun mga nasa pinas na short na daw yun budget nila. anakngpating oo! alam kaya ng mga nasa Pinas kung gano kahirap maging OFW? yun tipong gusto mo na ibitin patiwarik yun boss mo o katrabaho but pinipigilan mo sarili mo kasi iniisip mo yun pamilya mo sa pinas.   yun tipong gusto mo na mag-asawa pero medyo pinagiisipan mo pa kasi nga may mga nag-aaral ka pang kapatid o kaya may sakit si inay o si itay na kelangan ng sustento sa pagpapagamot.

hay ang mga matitino at martir na OFW..pwede mo na ipagpatayo ng monumento…tsk! pero dun sa mga nagloloko sa abroad, gudlak sa inyo! hehehe

eniweiz, kaya ayun kagabi imbes magtumbling ako sabay split..ayun singhot ako ng singhot kasi nga nagiiyak ako sa palabas…nagsisi tuloy yun habibi ko at kung bakit daw ba kasi naisalang pa si pesteng dvd…wahahahahah..

at eto pa ang abnormal kong habibi, iniintay yun part na sasabihin kay Vilma yung linyang AKALA MO LANG WALA…PERO MERON, MERON MERON! hahaha…sabi ko dun yun sa Bata, Bata Pano Ka Ginawa na movie…sagot naman ng habibi ko…Eh bat di na lang tayo kaya gumawa ng bata?? :lol::olrayt:

Day 48: Happyness Agosto 13, 2009

Posted by carelesshush in Family Affairs, kaetchosan lang.
2 comments

1_921806290li am still unemployed pero masaya pa rin naman ako,hehe. the reason being is because i have my family with me. my husband who supports me kahit anong gawin kong tumbling sa buhay. may 2 kids na kahit yung isa e nuknukan ng kulit and yun isa naman ay super galing mamuyat, still they make me happy. just looking at my 3 boys (husband + 2 kids) makes me feel HAPPYNESS!

my husband and i always try our best na magkaron ng time for ourselves, no matter how busy we are, before we sleep, kailangan may kwentuhang magaganap. yeah right, mga malisyosong readers (errr, meron ba?), kwentuhan lang ang aking tinutukoy, hindin yun tipo ng ‘time for ourselves’ na iniisip nyo bwehehehe. although, pwede rin maganap yun syempre :p. bago kami matulog nagkukwentuhan muna kami ng mga bagay na naganap sa maghapon namin. we only stopped doing that nung magbuntis ako last July. kasi basta wala akong pagkakaabalahan sa bahay, natutulog ako. well, alam nyo na ang buntis. hayok sa tulog! haha. then of course after 9 months i delivered our baby, so busy naman kami sa aming newborn kaya wala pa ring time to make kwento…but now, we’re back in business! and i am so happy that again nagchichikahan na naman kami ng mga pangyayari sa buhay naming dalawa.

last night was one of the best nights i have ever had siguro. oh teka, not because nagtumbling ako sa kama ha (haha). i am happy kasi for the longest time, napagusapan namin yun mga pangyayari sa married life namin that happened few years ago. from 2004 till present ang kwentuhan namin. actually, at first we were not talking about our marriage, nakikialam kami sa marriage ng may marriage (haha) then without realizing napaguusapan na pala namin yung samin. we talked about how and why he cheated on me 3 yrs ago, bakit ako naaddict sa chat when he was still in Pinas..he even asked if i really had a boyfriend online (LOL), how we almost separated and everything as in everything na hindi namin sinubukang pagusapan before. why? ayaw lang namin harapin, ker nyo ba? hehe..but sabi nga it is always better to talk about the storm, once the storm has passed. wag mo sabayan ang lakas ng ulan at hangin, moment ng bagyo yun, wag mo sya agawan ng eksena. hayaang humupa, matapos ang ‘unos’ then you talk about it. mas pleasant, mas magaan.

in any case, i am just blabbing here. wala lang, i am just happy that my husband and i again spent almost 2 hours talking..just talking about our family. the kids, our marriage, our life….kapag ganito ang tema, masarap mag asawa..hehe

sana ganito na lang lagi…HAPPYNESS!!!

Day 44: Marital Problem Hulyo 22, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments, kaetchosan lang.
2 comments

natagpuan ko toh sa blog ng friend ko and nakakatuwa sya kaya ishe-share ko..hek hek

 

30di4o2_jpgjoke

 

may mai-advice ba kayo sa letter sender??? hahahahha

Day 38: Who wants to be a MILLIONAIRE? Abril 5, 2009

Posted by carelesshush in kaetchosan lang, Naiinip lang ako.
5 comments
kailan kaya ako mananalo dito?!

kailan kaya ako mananalo dito?!

more than 1 year na rin pala ako nagiinvest sa National Bonds pero maliit pa rin ang investment ko hehe. akshuli, napagkatuwaan ko lang bumili ng bond certificates kasi 10 dirhams each lang and minimum of 10 lang ang kailangang bilhin.

OK naman mag-invest sa Natl Bonds (NB) kasi not only you are saving your money but at the same time may chance kang manalo ng prizes from AED100 (PhP120) hanggang AED 1,000,000 (PhP12 million). mula nga ng maginvest ako sa NB 3x na rin ako nanalo ng prize. 3rd time ko kahapon hehe. alam nyo  ba magkano lagi napapanalunan ko? tumataginting na ONE HUNDRED DIRHAMS! hahahaha…

every 1st saturday ang draw ng NB and lagi ko pinagdadasal na sana manalo ako ng prize. pinagbibigyan naman ako kaso lang 100 dirhams lang hehehe. sabi ko sa sarili ko siguro kasi di ako specific magdasal kaya this time nagdasal ako ng specific talaga sabi ko “Lord sana manalo ako ng grand prize na 1mio dirhams”..kaso lang di yata ako narinig at again pinagbigyan ako sa 100 dirhams hahaha..well, ok na rin yun. pagtyatyagaan ko na lang na intayin ang time kung saan tatawagan ako ng NB at sasabihing “CONGRATULATIONS YOU ARE THE LATEST NATIONAL BONDS MILLIONAIRE”..haha..kung kailan yun ay di ko alam. basta aabangan ko na lang….

sa katunayan, pinaghahandaan ko na nga ang aking speech kung sakali manalo ako. kasi syempre may interview portion yun at may pictorial pa yun kasama ang NB staff at ang gigantic na cheke amounting to 1mio dirhams haha. kung bakit naman kasi ayaw pang dagdagan yun  ZERO sa napapanalunanan ko! kada may text ang NB sakin kinakakatitigan ko at baka mali lang ako ng nabasang prize ko hahahaha….hay..pero siguro sabi nga ni Lord, di ko naman daw kailangan ng 1 million ngayon, baka mas higit na kailangan ng mga nananalo kaya magintay lang daw ako at pumila..magkikita rin kami sa finals..hahahah

yaan nyo pag nanalo talaga ako ipopost ko dito ang bonggang-bonggang picture ko kasama ang uber-laking cheke ko hehehe..wait, baka sa sobrang preparation ko naiinis na sakin si Lord kaya di nya na ko papanalunin..hahaha…mashado daw ako seksayted eh!

Day 30: Boredom kills the charosera! Pebrero 16, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments, kaetchosan lang, katuwaan lang.
add a comment

(warning: isang kilometrong entry ito..kung walang tyaga, wag na magsimula..hehe)

 

Tulad ng napakaraming araw na nagdaan wala na naman ako magawa kaya naisipan ko maglibot-libot sa internet.  Sa totoo lang ayoko ng ganito kasi nakakalaki ng pwet ang maghapong pag-upo. Aba’y buti sana kung magiging matambok tulad ng kay J-Lo eh ang kaso hindi..ito ay magiging isang malaking flat na pwet lang kasi nga for 8 hours nakaupo lang ako! hehe..Mamanasin pa ko ng lagay na toh e…pero sabi nga ng boss namin magpasalamat na lang kami na kahit naiinip kami at least employed pa rin kami. Sa dami ng lay off na nangyayari sa paligid maigi na toh kesa maging unemployed ako diba, hehe..

 

At eto nga, sa aking paglilibot ay napagtanto ko ang mga sumusunod:

 

  • Darating sa Dubai ang aking hinahangaang si Paulo Coehlo para sa Emirates Airline International Festival of Literature na gaganapin mula Feb 26 hanggang March 1. Di ko lang alam kung anong date sya magiging open for book signing o kung magkakaron nga ba ng book signing pero wish ko lang na magkaroon at makapunta sana ako sa Dubai Festival City kung saan gaganapin ang event…hmmmm…

 

 

  • Ang Cirque du Soleil ay nasa Dubai mula March 5 hanggang April 5! Isa ito sa mga event na pagiisipan ko kung pupuntahan namin o hindi, hek hek. Affordable naman yun price ng ticket pero…depende kung sisipagin ako, har har har!

 

 

  • Hindi pinayagang makapasok dito sa UAE ang Israeli tennis player na si Shahar Peer kasi wala daw diplomatic ties ang UAE sa Israel. Charosera mga UAE officials, hehe..well, actually hindi talaga pwede ang kahit sinong tao o hayop man na pumasok sa UAE kapag isa kang Israeli o kaya kahit napadaan ka lang sa lupain ng Israel..isa kasi sa mga matinding supporter ng Palestine ang UAE..naalala ko nga noon yun dati kong boss, nagmagandang magtour sa Jerusalem. Ayun pagbalik dito sa UAE at may tatak sya sa passport from Jerusalem, hindi sya pinapasok ng Immigration bwahahahah..bumalik na lang muna sya ng Canada at nag-renew ng passport nya..hahaha..abnormal kasi!

 

  • Nabalitaan nyo naman na siguro yun tunkol sa octuplets? Well, the octuplet mom’s publicist calls it quits! Duh, finally! Para sakin napaka-irresponsible nya at selfish sa pagdedesisyon na gumawa pa ng mas maraming bata. Hindi na nga nya maasikaso pa yun 6 anim nyang anak! Hay!

 

  • May bagong lalabas na book si Bob Ong at ang title ay Kapitan Sino . Kapag lumabas na toh sa market, malamang orderin ko na naman sa Divisoria.Com ala kasi dito nagbebenta ng tagalog books..hmf! 

Now speaking of Bob Ong..naalala ko na may mga nakakatuwa syang quotes. Although, malamang nabasa nyo na sila ng paulit-ulit, ilalagay ko pa rin dito para pandagdag sa entry ko ngayong araw na ito….bwahahahah..ker nyo eh blog ko toh?!

 

Heto ang ilan sa mga nagustuhan ko na sabi daw ni Bob Ong:

 

“Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

 


“Iba ang informal grammar sa mali!”

 


“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko”

 


“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo,lima,sampung taon sa hinaharap, magiiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareho dahil lang kaboses nya si Debbie Gibson o magaling sya mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit kaninuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumuka ring pandesal. Maniwala ka.”


Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang na paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

 


“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan, sa pananaw ko eh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”


“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko “

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

 


“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

 


“Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.”

 


“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kungdi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”


“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon kung magaling kasa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”


“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t ibang paraan. Tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.”

 


“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam nyang hindi lahat sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

 


“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

 


“Walang taong manhid. Hindi lang nya talaga maintindihan kung ano ang gusto mo iparating dahil ayaw mo syang diretsuhin”

 


“Kung magmamahal ka ng pangalawa, iwan mo yung una. Hindi ka naman kasi magmamahal ng pangalawa kung minahal mo talaga yung nauna”


O diba asteeg yun panghuli! May point sya dyan ng bonggang-bongga, hahaha!  Oi ni-retype ko talaga lahat yan para ubos-oras haha.

 

Malapit na pala ang birthday ko..ina-announce ko talaga na sa Saturday na sya! haha..kaya batiin nyo ko huh! LOLS! i’ll be 18 by then..lols..charosera…ende…i’ll be 29 na this coming Saturday..naalala ko last year as a birthday gift sinama ako ng aking habibi sa kanyang business trip sa Pinas. last year, sa Pinas pa naka-base ang panganay namin na si Kulet. am so excited nun time na yun kasi almost 2 years na rin kami hindi umuuwi and miss ko na ang aking unico hijo. i got a chance to see my youngest niece for the very first time din (sya yun nasa profile ko, hehe). kakaiba ang last year, mayaman ako last year, hahahaha…pero this time mas mayaman pa ko kasi, dala-dala ko ang aming second angel..2 months pa bago ko sya ilabas pero seksayted na ko..weeeee..sa sobrang excitement nga namili na kami ng mga gamit ng bebe namin kagabi, haha..habol sana ko sa last day ng Dubai Shopping Festival sale kaso lang nun last Saturday pa pala ang last day..bwahahaha..malas talaga!

 

ayan naku 11am pa lang dito, 7 hours pa kong uupo at ngangata ng almonds? huwaaaaaaaaa..nakakainipppppppppp……damn am so bored!

 

Pahabol: Mukang engot ang format ng entry ko pero wakoker hahaha…la naman mashado nagbabasa dito..bwahahahahhaha

 

 

 

Day 29: Ang mga Bayani at ang Blogging Pebrero 11, 2009

Posted by carelesshush in kaetchosan lang, katuwaan lang.
Tags: , , , , ,
7 comments

napanood ko kagabi sa Kapuso mo, Jessica Soho ang ilan sa mga ‘video bloggers’ dito sa blogosperya. hindi ko alam kung lumang episode na sya or what, kasi delayed naman ipalabas ang ilang show dito sa Dubai, hmf!

heniweiz, ilan sa mga na-feature ay sina Happy Slip (na napuntahan ko na before at nagenjoy talaga ako), Foodtrip28 (na malamang puntahan ko kasi tunkol to sa pagluluto – not because i love to cook, i actually LOOOOVE to eat! haha), Gorgoro , at saka may dalawa pang di ko na matandaan yun name ng blog, kainis! Basta alam ko yun isa si Coy and the other one is yung funandsexy.ph (errr, something like that, hehe). asteeeg si funandsexy kasi complete sa gadget..hihi..how i wish ganun din ako kaseryoso sa pagbo-blog ko diba? hahaha…oh mali, how i wish may mga ganung gadget ako para makarir ko ng bonggang-bongga ang pagbo-blogging! hak hak hak…

ang isa sa mga nakakaaliw pa ay si Foodtrip28 kasi as in CELLPHONE lang ang gamit nya. karir kung karir! at take note, cooking ang forte nya so imagine him, na sa isang kamay naghahalo ng rekado tas isang kamay ay nasa cellphone at nagvivideo..aliw diba? while ang wife nya at si Ax(?) na anak nya ay nagiintay sa mesa para sa kanilang food…weeeeee!! natuwa talaga ko, paramis!

pero hindi kasi ganun kalakas ang loob kong ibandera ang muka ko sa blogosperya. kita nyo nga parang si Pajay lang ang MALAS na nakakita ng pic ko na 2 weeks ko lang yata pinost dito at pinalitan ko na ng pic ng pamankin ko ang profile ko bwahahahahaha…shy type kasi ako ng ishlayt..hehe..

ehhh, teka maiba naman tayo ng topic. naexperience nyo na ba yung habang nakikinig kayo ng radio biglang tinugtog yung favorite song nyo ng bf/gf/asawa/partner nyo? at pagkatapos mo mag-emote kasi favorite nyo nga yung tugtog biglang isusunod ng DJ eh yung theme song nyo naman ng EX mo? bwahahahahhaha….weird!

kagabi kasi nakikinig akong radio biglang tinugtog ang fave song namin ng habibi ko na Hero ni E. Iglesias at pagkatapos biglang sinunod yung Glory of Love na nakatuwaang theme song namin ng EX ko..di ko mapigilang di matawa..kasi…errr, natawa ako eh, ker nyo ba?! haha

tas as usual bumalentong na naman ang isip ko sa kung saan…naisip ko lang na ang HERO ay may linyang:

I can be your HERO baby–I can kiss away your pain–I will stand by you forever–You can take my breath away…

while ang Glory of Love ay may mga linyang:

I am a man who will fight for your honor–I’ll be the HERO you’re dreaming of–We’ll live forever –Knowing together that we–Did it all for the glory of love…

asowsko! ang mga labtim ko naman pala may mga pagka-action star ang dating..gusto nila maging HERO ko sila..bwahahahah! naisip ko tuloy, kung ‘unconsciously’ eh mahilig ako sa HERO buti na lang di ako pinanganak nun panahon nila Rizal. kasi kung nagkataon eh baka naging isa ako sa napakaraming babae ni Rizal at baka naging kakumpetensya ko pa si Josephine Bracken kay Rizal! bwahahahahah….pero kung sakali pinanganak ako sa panahon ng mga bayani..malamang huntingin ko si Gregorio del Pilar! kasi nun elementary pa lang ako pinagnanasahan ko na sya sa twing makikita ko sya sa poster na ANG MGA BAYANING PILIPINO..hahahahah…

buti na lang talaga di ako pinanganak sa panahong yun, kung hindi as early as 1899 uso na siguro ang SCANDAL..waaaaaaaaa….nyahahahhha