jump to navigation

Day 67: Ang Panga ko, Si Pacman, At Iba Pa! Nobyembre 15, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments.
Tags:
4 comments

Nitong mga nakaraang lingo sumasakit lagi ang PANGA ko sa di ko malamang kadahilanan..Pero sa kalikutan ng kukote ko nakaisip ako ng 3 dahilan kung bakit sumasakit ang aking PANGA:

Una, siguro LOCK JAW! Hindi ko kasi mashado ma-practice ang kadaldalan ko dito sa trabaho ko. Hindi ko alam kung isang BLESSING na may sarili akong opisina o isa itong CURSE kasi wala ako ka-dal-dalan dito..hehe.. 3 pirasong kalahi ni Shivaker ang mga nakaupo sa harapan ng ofis ko..kaya feeling ko pag lalabas ako ng ofis ko parang gusto ko kumanta ng JAE HO! hahaha

Pangalawa, maari ring tinutubuan siguro ako ng WISDOM TOOTH! Hahahah…kelan ba tinutubuan ng wisdom tooth? Gaano karaming WISDOM kaya ang makukuha ko at nagagawa nyang pasakitin ang panga ko?! Hmf! Nag-uunahan ba silang maglabasan sa gums ko?!

Pangatlo, baka naman kasi sanay ang panga ko na galaw ng galaw sa twing nasa bahay ako! Sa walang humpay na pagsesermon ko sa panganay ko, malamang nahihirapan ang panga ko na mag-adjust from being hyper to being idle..lols

 

O di kaya naman siguro (at malamang na eto nga ang dahilan), dahil ito sa pagpipigil ng panga ko na tumawa sa twing ka-chat ko si Katt..bwahahahah…

Hay ewan! Sabi ng asawa ko kulang lang daw sa practice…practice sa kung saan, yun ang di ko alam at parang ayaw kong alamin! Hahahahahah

 *********************************************************************************

 And so PACMAN won again. Pacquiao wins by 12th-round technical knockout.

Amf! Kung ang 2009 ay maituturing ng karamihan na TAON NG CRISIS para sa Paquiao family, ito ang taon naman ng kasaganaan! Di ba? Ilang fights ang ginawa ni Manny this year? At sa lahat ng yun nanalo sya!

To be honest, hindi ko iniisip ang karangalan ng Pilipinas (haha). Instead, ang naiisip ko is yun limpak-limpak na dolyares na naman na mapapanalunan ni Manny! Naisip ko tuloy, pagboksingin ko na lang kaya asawa ko baka sakali yumaman din kami! Hahahaha.

Mayaman na naman si Mommie Dionisia..pero eto ang sabi ng natanggap kong text:

Aanhin mo ang malaking bahay at madaming pera

Kung kamuka mo naman si Aling Dionisia!

Waaaaaa di sakin galing yan huh! Nyahahahaha……

Well, anyway CONGRATULATIONS MANNY!!! OOOOPPSS, U DID IT AGAIN!!!

*********************************************************************************

May kras ako! O wag kayo makealam dyan! Hahaha..pinapakealaman ko ba mga kras nyo?!

Ganito kasi yan sa araw-araw na paghahatid ko kay Chloe sa labasan, nakikita ko yun isang binatilyong CUTE! Hahaha..oo binatilyo naman sya, nakyutan lang ako ng ishlayt! At oo ulit, habang naghihintay kami ng school bus ng anak ko, nag-bo-boy watching ako..bwahahahah…Wag na kayo magreak! (haha)

Unawain nyo naman na mula ng mapangasawa ko si Fernando Poe Jose, sya na lang ang gwapo sa paningin ko…oh well, bukod kay Ricky Martin na according sa nanay (RIP) ko at mga kapatid, ay tumatambling daw ako sa twing napapanood ko noon sa TV, wala na akong ibang naging kras bukod sa kanilang dalawa! Nyahahahaha…and oh yes, 3 yrs old pa lang ako tumatambling na ko dahil sa lalake, no wonder until now tamblingerang kuba ako! Hahahaha..

Ayun lang nishare ko lang na may kras ako, pake nyo?! (lols)

Advertisements

Day 64: Nakakabobo! Nobyembre 4, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments.
Tags:
2 comments

e4eebf3371f19b82Minsan OK na yung kumikita ka. Bwan-bwan may perang dumadaan sa kamay mo. As in LITERAL na dumadaan lang sya. Ni hindi mo maibubulsa kasi pagkasahod na pagkasahod mo ayan na yung mga maniningil mo…BAHAY, KURYENTE/TUBIG, UTANG KAY GANITO, UTANG KAY GANYAN, CREDIT CARD at kung ano ano pa.  Yun iba nga wala pa sayo sahod mo, nakwenta na nila (hehe). Yun na lang masabihan kang “ABROAD” ng mga taga-Pinas ang tanging kunswelo mo kasi nagiging tunog mayaman ka (lols). 

Pero talagang kahit dapat makuntento ka na sa kung anong meron ka darating at darating yung point na pakiramdam mo – – NABOBOBO KA NA!

Kahit alam mong may mga capabilities ka na pwede i-apply sa kasalakuyan mong sitwasyon o posisyon parang nawawalan ka ng gana kasi yung nasa paligid pinipilit na gawing BOBO KA!

ayoko sa lahat ng trabaho ay yun super-stagnant ka. para ka lang isang furniture sa opisina na naka-tengga! pakshet! ayoko talaga ng ganito. talagang pakiramdam ko NABOBOBO AKO!

hay sana nga makapasa ako sa audition ko sa Starstruck para naman kahit papano mabago ang routine ko. Gusto ko minsan may song and dance number rin ako, hindi yun panay lang ako sirko! Namimiss ko na rin yun mga linyang – – – I WILL CALL YOU LATER, BUSY AKO SA TRABAHO!  I know na hindi dapat ako magreklamo kasi buti nga may trabaho. Nung mga nakaraang bwan lang trabaho hanap ko, ngayon naman nagrereklamo na naman ako.  Papa God, wag mo kukunin sakin yun trabaho, gusto ko lang naman sana kahit papano matuto tsaka feeling ko kasi ma-i-stroke na ko sa kawalan ng activity sa munting opisina ko hihhiihi…

baka pag natuluyan ang pagkaburyong ko dito…ma-headline ako sa mga dyaryo:

HEADLINE: SEKRETARYA, NAG-AMOK DAHIL SA PAGKAINIP SA TRABAHO!

sos ko po! ayaw ko ata ng ganun hehehehe

Day 63: Halloween Special Nobyembre 1, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments, katuwaan lang.
Tags:
5 comments

2783a7f17213f68eparang never pa kong gumawa ng halloween special sa buong buhay ko sa blogosperyo (blogosperya? ano bang kasarian ng lintek na intarnet na ito! hehe).

pero for a change, magkukwento ako. BELIEVE IT OR NOT totoo ang kwento ko.

bata pa lang ako madalas na kong makakita ng mga images. buti sana kung porno diba? haha. kaso ende e! pero palibhasa nga bata pa ako nun hindi ko naman mashadong pinapansin.

like there was a time na naglalaro ako sa room namin, maya’t maya ko nakikita ang puting image na lakad ng lakad sa tagiliran ko. pagdaan nya susundan ko naman sya, pero wagtus na si luka! di ko alam kung san sya napupunta.

minsan naman kumakain kami. nakikita ko ang isang babae na exact image ng ate joan ko na nakikipag-bulagaan sakin sa nakasandal na kama sa cabinet namin. napapatingin ako sa ate joan ko na katabi kong kumakain at dun sa batang kamuka ng ate ko. since alam kong katabi ko si ate ko, dinedma ko sya ng bonggang-bongga! after a while, nawala na rin sya.

takot ako sa lolo ko sa mother side. he died when i was just 3 yrs old ata. di ko na sya natatandaan pero ewan ko kung bakit takot na takot ako sa kanya. basta sya ang pinanakot sakin ng mga ate ko, lalabas ako ng kumot na lagkitan sa pawis at hiyaw ng hiyaw hahahaha. hindi ko naman natatandaan na nagparamdam ang lolo ko sakin nun so kahit ako nagtataka kung bakit laki ng takot ko sa taong di ko naman talaga nakita o nakasama.

until isang madaling araw (lol) if i am not mistaken it was sometime between December 1995  & January 1996? naka-bakasyon si Mama at si Tito Michael sa Pinas. it was the first time that Mama brought him to our house. First time na umamin sa lovelife nya ang ma-showbiz kong ina, hihi. at being maldita, nagiinarte ako ng ishlayt. i do like tito michael pero andun yung feeling na hindi na ako ang katabi ng nanay ko matulog..hehe.

so one night, dun ako natulog sa sala, sa tabi ng pinsan kong si alfie, kahit na inaaya ako ng nanay ko sa tabi nila. heller naman 3rd year na kaya ako nun noh! bwahahahah..

nagising ako kasi feeling ko nilalamig ako at i don’t know pero i have this feeling na may nakatingin sakin. so nagmulat lang ako ng ishlayt and may nakita akong isang lalake na nakashort pants na brown (kuldoroy?) na nakatayo sa tabi ko. hindi ko alam kung bakit at that very moment alam kong si lolo ko ang nasa tabi ko. at dali dali akong sumiksik sa nabubuset kong pinsan hahahah.

after that night, hindi na ko pinagparamdaman ng lolo ko.  pero after a few months, nagkasakit at kinuha na samin si Mama ko. since then, i can’t help but ask myself, TOTOO BANG SI LOLO ANG NAKITA KO? SINUNDO NYA BA SI MAMA NG GABING YUN? DAPAT BA AKO ANG SUSUNDUIN KASO NAGTALUKBONG AKO?

nung namatay si Mama. isang weird na amoy ang iniwan nyang reminder para malaman namin na nasa paligid lang sya. AMOY SUNOG NA SIBUYAS! lols..well, wala akong ibang maisip na pagkukumparahan talaga. pero sabi nila ate jeje at ate joan na syang kasama nya sa hospital when she died..amoy sunog daw kasi talaga sa hospital kasi karamihan nga sa mga namamatay na chinese, sinusunog diba? sa kusina madalas pumwesto ang nanay ko, sa di ko malaman na dahilan. pwedeng amoy sibuyas lang talaga ang kusina namin (hehe) pero mashadong distinct ang amoy nya. may mga times na nasa room din sya but most of the time, kusina talaga.

nung naglilipat kami sa Sharjah, nataon na death anniv nya. i know na pag kinikilabutan ako at di ko matignan ng maayos ang isang area, merong mumu dun. nangyari na kasi yun nung burol ng Mama. bigla ako kinilabutan ng bongga at di ko magawang sumilip sa isang room na katapat ng coffin nya. I knew that she was there. Wa jamming! Feel ko talaga.

Now nung last July 5 nga at nasa Sharjah kami nila Dhae at Chloe, nagsindi ako ng candle para kay Mama at nilagay ko sa kitchen. hindi ko alam kung bakit bigla na lang nangamoy ang mahiwagang amoy at ayoko na talaga pumunta ng kitchen. Hindi ko sinasabi sa dalawa kong kasama. unang-una, prinsipe ng kaduwagan si Chloe, pangalawa malamang tawanan ako ni Dhae haha..pero alam ko andun si Mama! Twing may kelangan sa kusina inuutusan ko na lang ang anak ko hak hak hak.

Nagtataka ako madalas na bakit indi ako madalas dalawin ng nanay ko especially kapag windang moments ako. Kelangan ko rin ng motherly advice minsan diba? Pero narealize ko na siguro kasi naka-ilang subok na ang nanay ko pero dinadaig ako ng takot ko. Tulad birthday ko some years ago, nagising ako na may malamig na humalik sakin, instantly kinilabutan ako at pumasok ako sa room ni jeje na ino-occupy ng boy ng ate ko hahaha. Yung boy ng ate ko parang naguluhan at biglang tumayo at pumunta na sa tindahan. akala ata rereypin ko sya haha..e  kabuntisan ko nun, 2 lang room sa bahay namin at 2 lang kami dun. wapakels talaga , basta pumasok ako at umupo sa may kama. hahahahah..

oh well, kahit na takot ako sa Mama ko, still gusto ko pa ring binibisita nya ako, hihi. di naman masamang mag-get together kami kung minsan pero yun dadalaw lang sya ha, wag nya muna ako isasama…waaaaa

Day 60: Banyo Queen Oktubre 22, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments, kaetchosan lang.
Tags:
2 comments

94088b8a825e8c92Mashado akong nabibigatan sa dibdib ko mga balita nitong nakaraang araw…to lighten up a little bit eto na lang may kwento akong walang kwenta…

Everyday 6:30am kami umaalis ng Sharjah. Dumarating kami ng Dubai around 7am lang. Since 8am pa ang pasok ko at ang may hawak ng susi ay dumarating ng around 7:30 or 7:45, tumatambay muna ako sa banyo..at lately, naisipan kong idaan sa tulog ang paghihintay ng oras..hahaha!!! Ginagawa kong tulugan ang isa sa mga cubicle. In fairness naman sa banyo ng bldg namin, malinis sya at may spray na nagpapabango every 15mins.  Yeah, sa dalas ng tambay ko dun naorasan ko na sya. Pag nga nagwisik yun..as in….WWWWWWWWIIIIISHHHHIIIIKKKK! rinig ‘gang labas at lumayo ka sa kanya kasi maliligo ka ng pabangong pangbanyo pag nagkataon hehe. At pag naka 3 wisik na sya ibig sabihin it is time for me to go na. Bukas na ang office nun for sure! Ganda ng indicator ko noh?

Eto ka na. Kaninang umaga as usual 7am ako dumating. I checked our office, sarado pa! So punta ako sa ‘tulugan’ ko..lols.  Ayoko sana matulog but then ala ako gagawin kung hindi tutunganga for the next 30-45 minutes..So, OK pumwesto ako at buti na lang talentada talaga ko pagdating sa pagtulog. Nakaidlip naman ako. Pero nagigising ako whenever nagwiwisik ang mahiwagang spray sa banyo. Nung nakaka-dalawang spray na, I knew na malapit na ang oras para sa pagpasok ko.

Sos, eto na. Pangatlong wisik na pero parang napasarap naman ang tambay ko sa banyo. Hindi agad ako nag-ayos. Hanggang marinig ko ang pang-apat na pagwisik..huwaaaaaaaaaa…mag-8am na! Hahahaha…namfota talaga ko! Akalain nyo, ang aga ko na nga dumating sa office tapos male-late pa ko ng time in? Nyahahahah..natawa talaga ko sa pangyayaring to, oo!

MORAL LESSON: WAG UGALIIN ANG PAGTULOG SA BANYO, IKAKA-TERMINATE MO ITO!

Day 58: Cathy Oktubre 10, 2009

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba, Inipera Moments.
3 comments

in your lifetime..minsan ka lang makakatagpo ng isang taong pwede mong ituring na STRESS/PAIN RELIEVER at SHOCK ABSORBER…i am glad that at an early age natagpuan ko sya.

she’s the type of person who would say HAHAHAHAH as in ROFL sa corny jokes mo. yung kayang sundan ang bawat sentence mo..yun ngiti mo lang, alam nya na ibig mong sabihin. titingin ka pa lang gets nya na yun reaction mo. yung kahit daig pa Da Vinci Code sa sobrang gulo ng sinasabi mo, kaya nyang unawain, isang sulyap lang sayo. she’s the kind of person who would be willing to listen (or read) your sentiments kahit na may sarili syang sintemyento. yun bang tipong pagkausap mo sya at kahit O at Y o Y lang ang sagot nya mapapagaan ka nya ng bonggang-bongga. hindi sya fabulosa, hindi sya maarte, super-simple nyang tao na hindi mo nga mapapansin ang existence nya. but you will love her simplicity..kasi sya yun eh..ISANG SIMPLENG KAIBIGAN!

one thing i love about this girl….SHE LOVES HER FAMILY MORE THAN ANYONE OR ANYTHING ELSE..she’d do some crazy stunts na hindi mo maiimagine na kaya nya just to make her family happy. she don’t pretend. she don’t assume. if hindi nya kaya ang isang bagay or hindi nya alam, SHE WILL ASK. hindi sya mahihiyang sabihin na hindi nya kaya pero mas lalong hindi sya mahihiyang magtanong kung pano nya ba kakayanin ang isang problema. i don’t know but from the time i met her, i just love her. i love her family too..so magulo! hehe

she’s willing to go beyond her limits..and if dumating ang point na medyo hindi nya pala kaya…she’s not too scared to ask for help. another thing i love about her. hindi nagmamaganda..for her maganda na sya bwehehehe….

how long have we been friends na ba? 17 years?? wow tol!! halabshu na talaga! nakakatuwang isipin na sa twing maalala kong dumadalaw ako sa inyo at ihahatid mo na ko sa sakayan..alam na ng nanay mong hanggang Manila mabibitbit kita! bwahahaha….kidnapper/snatcher mo nga daw ako….tipong pag ako kasama mo…see u in summer na!

kaya pag nag asawa ka na..i am going to miss you a lot..lalo na pag lamang-dagat ang mapapangasawa mo..hahaha..isa syang shellfish, ate! SHELLFISH! hak hak hak hak!!!! hindi ka naman sirena kaya di ka nya dapat ikulong sa dagat huh! lols…

anyway, sino nga ba tinutukoy ko? syempre walang iba kung hindi si CATHY MONTEAGUDO!!!!!! my friend na kahit walang kwenta sinasabi ko napapatawa ko..kahit anong tumbling ang gawin ko, pinapalakpakan ako. isang kaibigan na kahit na anong mangyari, buraot na sya sa buhay nya willing pa rin pakinggan at alalahanin ang pagkaburaot ko.

hmmm kaya sa mga taong hindi kayang tanggapin kung anuman si katt…well, sorry mah friend, u don’t deserve her. she deserves someone na hindi sya itatali sa isang banko simply because gusto lang nya. isang taong hindi sya haharangan sa daan sa twing may sale sa roxie, sa oakley, sa crocs o kahit saan pa! isang tao na willing syang samahan para bumili ng havaianas o kahit yung mariveles tshirt man lang! isang taong willing suportahan ang pangarap ni Katt na maging artista kahit alam nyang walang talent si Katt haha..in short, isang taong magiging supporter nya sa kahit na anong laban! how i wish Katt, i could find someone who would be just like that for you..lols..kung pwede ko nga lang irecommend sayo si ET kaso lang may gelpren na rin ata si gwapo eh! hehehe…ay naku, i told you mas madali nga yata i-update ang SSS (sex..sex..sex) dito kasi hi-tech na, e ang PAGIBIG ba automated na rin? haha. konting ingat lang baka Phil Health kabagsakan mo..mahal ang maternity package, isipin mo! wahahah…

to end this…gusto ko lang sabihin na Katt…although hindi ka naappreciate ng ibang tao andito kami ni Fernando Poe Jose na willing mainvolve sa buhay mo kahit na ayaw mo na syang iinvolve pa sa drama ng life mo…kasi naman si FPJ super affected parang gusto ka na lang nya pakasalan wag lang masayang ang effort mo hahahaha…sabi nga ng asawa ko tayo na lang daw kaya magpakasal para wala lng sakit ng ulo? pero alam mo naman di ako 2-timer maliban na lang kung hiwalayan nya ko at ipalit nya si rubio hahahah..

dream on my friend…ipagpatuloy ang nasimulan..wag hayaan ang isang hump ay magpahinto sayong daraanan..kasi kahit mala-dugong ang hump na yan kaya natin yan sagasaan..remember, mahusay akong magdrive sa highway! walang tingin tingin sa side mirror, walang palitan ng kambyo, kaliwa’t kanan lang! naalala ko tuloy, buti na lang yun dog mabilis tatakbo kung hindi…ay sus!!! heheheeh

all the best my friend!!!! i am not saying time is running out pero di mo naman gugustuhing mag-keloid yang…(tuuuuttt) mo diba? so go and find someone new (haha, bad!). i know it’s gonna be hard for you. pero hindi naman ito ang unang pagkadapa mo, hindi rin ito ang unang magpapasugat sayo. aanuhin mo ang isang tao kung di naman makasakay sa agos ng buhay mo..lunurin na lang kaya natin sya sa baha ng Ondoy para malaman nya ang kaibahan ng mababaw sa malalim at importante sa walang wenta? lols..galit ako? ishlayt..cause he’s sooooo….F-ing jerk!!! ass#%#@#!! hahaha

 i know kaya mo toh, sabi ni Mc Do! haha

 

(pahabol:  namfotang explorer oo!!! kalain mo muntik idelete tong entry ko buti na lang si darna ako! nyahahaha..napasigaw talaga ko nung nawala sya screen ko hahahahaa)

Day 57: Wanted: Shoes Oktubre 7, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, Inipera Moments, nilikha sa opis..kealam mo!.
Tags:
4 comments

13a5306c6f482768It is funny how some people sometimes think about shoes. Ako feeling ko friends ko sila. Everyday sinisilip ko sila at kinakamusta! Sa maniwala kayo’t sa hindi, mahilig ako sa shoes, particularly pumps! Siguro kung isasama ko yun mga pinamigay o tinapon ko ng sapatos, umabot na ko sa 50? Oi, marami na yun ah! Dalawa lang naman ang paa ko kaya para sakin marami na yun 50 pares ng sapatos bwehehe….sa bahay nga namin may sarili na kong shoe rack kasi nga para daw akong si Imelda sabi ni Luwi (pinsan)..lols

Pangarap ko pa nga makabili ng Manolo Blahnik o kaya Christian Louboutin eh. Masama bang mangarap? May paa naman ako ah! Hehehe..

Pero mashadong mahal para sakin ang mga sapatos na yan. Besides,  di ko naman siguradong magagamit ko sya ng araw-araw, meaning hindi praktikal pagkagastusan. Kadalasan kasi sa mga designer items, pang-malakasan lang hehehe. The most expensive shoe that I have ever bought in my life, so far, ay ang knee-high, leather boots na binili ko pa sa Turkey, to the tune of $300 US tapos sumunod yun doll shoes kong Burberry na $250 US.  Masaya naman ako sa mga shoes ko pero aaminin ko kahit mahal sila, nagmumuka silang mura pagsuot ko na hahahah at eto pa, di sila ganun ka-komportable gamitin. Mahirap kaya magboots habang  paroon at parito ka sa opisina. Mahirap din isuot yun uber-flat na doll shoes kung sa mainit na kalsada ka naglalakad..lols..in short, sila yun mga pang-once in a while lang na gamit for me.

Teka bakit ko ba naisip ang shoes? Parang nakukumpara ko kasi ang PAGHAHANAP NG SAPATOS sa PAGHAHANAP NG MAKAKASAMA SA BUHAY. Pag naghahanap tayo ng sapatos, eto kadalasan ang mga guidelines natin:

  • Kumportable sa paa
  • Di mashadong kamahalan
  • Pwedeng pang-malakasan
  • Syempre, yung sakto sa paa mo

Sa paghahanap ng makakasama sa buhay, para ka lang namimili ng sapatos. Gusto natin yun sakto satin pero minsan naglalagay tayo ng allowance para sa ‘paglaki’ pa ng paa natin, hehe. It only means na lagi tayong open for adjustments.

Kung ang sapatos na nabili mo ay marupok hindi sya magtatagal sayo. Kung ang sapatos na nabili mo ay sakto nga sayo at kumportable ka nung una pero paglipas ng panahon ay pinapasakit na ang paa mo, siguro ibig sabihin nun kelangan mo na rin syang palitan diba? May mga sapatos na kahit sira na, kahit butas na yun swelas, willing pa rin tayong i-restore, i-repair ng paulit-ulit sa kadahilanang mahalaga satin yun sapatos. Or sometimes sa kadahilanang wala ka na kasing ibang magagamit na sapatos.

Pero come to think of it, do we have to settle for something less when we know that we deserve something more?

Sa paghahanap ng makakasama sa buhay, pinagkaiba lang nya sa pagkakaron ng sapatos, ay hindi mo pwedeng basta itapon si ‘LUCKY HOME PARTNER’ dahil di ka na kumportable sa kanya. Sa isang relationship kelangan marunong kang mag-compromise, magtiis kung kinakailangan at mag-work out ng bonggang-bongga para maging malakas ka sa mga challenges na darating sa inyong dalawa. Otherwise, wag kang makipagrelasyon kung hindi mo naman kaya!

Tulad din ng isang sapatos, kung alam mong wala ng pagasa, pagpipilitan mo pa ba? Kung alam mong sanay ka sa rubber shoes, pipilitin mo bang mag-heels? Kung gusto mo pala mag-tsinelas lang, magpapanggap ka bang masaya ka sa pagsasapatos mo?

Eh pero pano kung masakit lang sa una yung sapatos kasi bago, di ka ba willing mag-adjust para sa kanya? Am sure sya rin nag-a-adjust para sayo, siguro ilang bwan syang nasa kahon at papel lang ang nakasuksuk sa kanya, ngayon may isang luya este paa ng namamahay sa pagka-‘sapatos’ nya…lols

I wrote an entry last December for my anniversary special (lol). Naalala ko tong sinulat ko kasi parang related. Nung matagpuan ko ang Fernando Poe Jose ng buhay ko, hindi mashadong OK ang simula. Mashadong emotional at ma-action ang pangyayari pero later on, napagtanto ko na hindi lahat ng nagsisimula sa SAKIT ay mauuwi rin sa SAKIT pwede rin palang maging happy ending ang lahat..nasa pag-aalaga mo lang ng sapatos este ng relationship mo..hehe

Before I end this entry, nananawagan ako sa mga may mabubuting puso, umaayaw na sakin si Aldo, baka gusto nyo ko regaluhan, size 37 ako…hahaha..ge na magpapasko naman ah! Hmf!

Day 56: Bakit Makulit ang Kuting? Oktubre 6, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments.
Tags:
2 comments

last sunday nagpost ako ng status ko sa Facebook:

Riz Bolofer Advincula errm, mahirap bang maunawaan na ang name ko ay ARIZA ADVINCULA at hindi ARIZAAD VINCULA at lalong hindi ARIZA VINCULA?? amf! 

alam nyo ba kung bakit? e pano kasi dito sa aking bagong tambayan, hindi ko maunawaan kung bakit di nila maunawaan na ang name ko ay ARIZA (MAY ISANG SPACE) ADVINCULA…at hindi ARIZAAD!!! obviously, meron kaming communication gap ng mga tao dito! hahahahaha

Scene1: Talking to the IT guy

IT:  Ok, your user name is ARIZAAD and your password is your last name.

AKO: Alright, so I will type ADVINCULA for password

IT: No, only your last name, VINCULA!

AKO: OK  (sa sarili na lang – – – nagpalit ba ko ng last name ng di ko namamalayan?!)

I decided to just ignore him at ilagay na lang yun sinasabi nyang PW sa log in details ko at ayoko na ng mahaba pang usapan..lol

– – – –

Scene 2 – Talking to the receptionist

AKO:  Ahmm, ate paki-update daw yung telephone directory listing sabi ni Mr. C.

REC: OK

AKO: By the way, te, ARIZA lang ang name ko. ARIZAAD  VINCULA kasi yun nakalagay sa list.

REC: OK

matapos ang ilang sandali binigyan nya na ko ng updated list at bonggang-bongga nakasulat na ang name ko ay ARIZA VINCULA! what the….?!!!! nasan na ang AD?! i thought na naintindihan nyang yun AD ay dapat nasa unahan ng VINCULA! lols

ngayon naman may nagemail sakin at in-address ako ng Dear Mrs. ARIZAAD. What’s wrong with these people?! LOL

my ever dearest friend CATHY told me na ilagay ko na lang daw na signature is ARIZA BOLOFER ADVINCULA..ok sana ang suggestion..kaso pano kung gawin naman nilang ARIZABOL  ang first name ko??? lalo na kong namroblema nyahahahhaa

– – – –

speaking of mah friend, gusto ko palang iwelcome si CATHY sa pagkakaron nya ng BLAG! lols. finally, ate naisipan mo rin…masarap naman mag-blog. ayun nga lang nakakapressure din minsan lalo pag gusto mo mag-update pero yung utak mo hindi nag-a-update hehehehe…

– – – –

at dahil makupad pa kay Pong ang computer ko at daig pa nya si Bunini sa pagiging late reaction sa mga strokes ko sa keys nya, titigilan ko na tong blog ko hehehe at nangangalay ang fingers ko sa pagtipa sa super tigas kong keyboard..lols..may mas mahusay pang pagagamitan ang aking daliri kesa ngalayin ko sa pagtype ng kalokohan dito..hahaha

Day 55: Ondoy Setyembre 30, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, Emoterang Kuba, Inipera Moments, jeryus topic.
Tags: , , ,
2 comments

Nakakatakot…Nakakakilabot…Nakakapanghina…When I first saw the footages di ako makapaniwala na sa loob ng 5 hours magagawang “lunurin” ng ulan ang Marikina at iba pang bahagi ng Manila. Na mangyayaring tangayin ng baha ang sandamakmak na sasakyan sa kalsada.

Para ngang palabas sa Hollywood o kaya e parang may naglalaban na superhero at villain at pinabaha ang Manila!

Thankful ako na OK naman ang family ko.  Taga-Parang, Marikina sina Papa ko at salamat naman at ligtas sila. Lagi kong pinagdadarasal yun safety ng family ko saan mang sulok ng mundo. Pero naaawa ako sa mga taong naapektuhan ng bagyo. When I saw Jenica on tv, naiiyak ako sa pagre-recall nya ng pangyayari.  This tragedy only proves na walang mayaman, walang mahirap. Lahat pantay-pantay kahit pa sa sakuna. Kaya dapat magtulungan ang lahat ng Pinoy na makaahon sa panibagong dagok sa Pilipinas….hayst! Hindi yun nagpopost ng status sa Facebook ng kung ano ano tulad ni Jacque B., ayan tuloy wanted na sya sa Dubai hahahah.

2 or 3 weeks before dumating ang bagyong Ondoy sa Pinas, meron akong sariling bagyong pinagdaraanan.  Isang ‘bagyo’ na di naman dapat sakin, pero sabi nga ni tita Mel Tianco “Help not because it feels good but because we should!”.  Isang mala-Ondoy na effort ang ginawa ko para malagpasan ang pagsubok na binigay sa isang taong malapit sakin.  I nearly came to a point na parang gusto ko na magtanong ng…WHY o di kaya eh SAAN, SAAN AKO NAGKAMALI? (LOL) pero naisip ko na binigay samin ang pagsubok dahil kaya namin malagpasan ito. Kaya hala, kahit magpaka-DARNA ginawa ko na para lang talagang mapatunayang…KAYA KO TOH, KID! (ika nga ni Joliibee!).

During the times na namomroblema ako as in stressed ako EMOTIONALLY, PHYSICALLY, MENTALLY esp. FINANCIALLY may isa akong kaibigan na ang tanging problema ay ang pagnipis ng buhok nya at pagiging flat chested nya (hahaha). naisip ko sana ganun lang kasimple ang problema ko.  Pakiramdam ko kasi super-bigat na ng dala ko.

Now, nangyari ang Ondoy sa Pinas. Narealize ko na kumpara sa kanila, tuldok lang ngayon ang problema ko. Kumpara siguro sa iba, walang wala itong problema ko. PERA lang toh!

Ngayon narealize ko na ng sobra-sobra na dapat ako lagi magpasalamat kay Papa God dahil kahit anong problema ang dumarating samin (ke problema ko o problema ng iba na pinapaproblema pa sakin, hehe) nakakayanan namin lampasan. Healthy ang family ko most eps. my kids, may maayos kaming bahay, kumakain araw araw…so I don’t have the right to ask WHY (hehe).

Naisip ko rin na dapat bago ako magreklamo sa paggising ng maaga, sa paulit ulit na pagkain sa mesa, sa paulit ulit na palabas sa tv, sa mainit na panahon o sa mga kahit anong simple at walang kwentang bagay, isipin ko muna dapat kung dapat nga ba ko magreklamo? For all I know,  habang nagiinarte ako sa mainit na weather ng Dubai, may isang taong nag-a-agaw buhay.  Na habang tinatamad ako kumain kasi isda na naman ang ulam, may mga batang nagkalat sa kalye at namumulot ng pagkain sa basura…speaking of basura, aminin man natin o mashadong makalat ang Pilipinas. ang mga tao walang disiplina pagdating sa basura. wag na rin natin sisihin ang gobyerno o intayin silang kumilos.  bat di natin simulan mula sa sarili natin.  sabi nga di ba, IF YOU WANT IT DONE RIGHT, DO IT YOURSELF!

this is really a wake up call for me…..sana sa inyo rin!

Day 54: Kaput Setyembre 17, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments.
4 comments

  

Sorry for the inconvenience.

 

You’ve stumbled upon an EXPECTED, RECURRING problem. Performing your stunt again i.e. :tumbling: SABAY  :split:   SABAY HAWI NG BANGS, in a few moments will likely resolve your problem. If not, we suggest you try transforming yourself………:darna:

 

If the problem persist, feel free to jump over the cliff! I am sure nobody will look for you cause nobody F-ing cares!!

 

Thanks.

 

Your truly,

Your Alter-Ego

Day 48: Happyness Agosto 13, 2009

Posted by carelesshush in Family Affairs, kaetchosan lang.
2 comments

1_921806290li am still unemployed pero masaya pa rin naman ako,hehe. the reason being is because i have my family with me. my husband who supports me kahit anong gawin kong tumbling sa buhay. may 2 kids na kahit yung isa e nuknukan ng kulit and yun isa naman ay super galing mamuyat, still they make me happy. just looking at my 3 boys (husband + 2 kids) makes me feel HAPPYNESS!

my husband and i always try our best na magkaron ng time for ourselves, no matter how busy we are, before we sleep, kailangan may kwentuhang magaganap. yeah right, mga malisyosong readers (errr, meron ba?), kwentuhan lang ang aking tinutukoy, hindin yun tipo ng ‘time for ourselves’ na iniisip nyo bwehehehe. although, pwede rin maganap yun syempre :p. bago kami matulog nagkukwentuhan muna kami ng mga bagay na naganap sa maghapon namin. we only stopped doing that nung magbuntis ako last July. kasi basta wala akong pagkakaabalahan sa bahay, natutulog ako. well, alam nyo na ang buntis. hayok sa tulog! haha. then of course after 9 months i delivered our baby, so busy naman kami sa aming newborn kaya wala pa ring time to make kwento…but now, we’re back in business! and i am so happy that again nagchichikahan na naman kami ng mga pangyayari sa buhay naming dalawa.

last night was one of the best nights i have ever had siguro. oh teka, not because nagtumbling ako sa kama ha (haha). i am happy kasi for the longest time, napagusapan namin yun mga pangyayari sa married life namin that happened few years ago. from 2004 till present ang kwentuhan namin. actually, at first we were not talking about our marriage, nakikialam kami sa marriage ng may marriage (haha) then without realizing napaguusapan na pala namin yung samin. we talked about how and why he cheated on me 3 yrs ago, bakit ako naaddict sa chat when he was still in Pinas..he even asked if i really had a boyfriend online (LOL), how we almost separated and everything as in everything na hindi namin sinubukang pagusapan before. why? ayaw lang namin harapin, ker nyo ba? hehe..but sabi nga it is always better to talk about the storm, once the storm has passed. wag mo sabayan ang lakas ng ulan at hangin, moment ng bagyo yun, wag mo sya agawan ng eksena. hayaang humupa, matapos ang ‘unos’ then you talk about it. mas pleasant, mas magaan.

in any case, i am just blabbing here. wala lang, i am just happy that my husband and i again spent almost 2 hours talking..just talking about our family. the kids, our marriage, our life….kapag ganito ang tema, masarap mag asawa..hehe

sana ganito na lang lagi…HAPPYNESS!!!