jump to navigation

Day 68: Moving Nobyembre 16, 2009

Posted by carelesshush in Galit ako..wag kayo umepal!.
Tags: ,
5 comments

I AM MOVING.

Naisipan ko lumipat ng Blogspot/Blogger kasi nagsasawa na ko sa template ko dito.  At para mapalitan ko sya sa gusto ko sanang template, kailangan mag-upgrade pa ako where in magbabayad ako ng $15 US every year?! Heheheh.

Kaya matapos ang sankatutak na tambling at pagsirko, napagdesisyunan kong lumipat na lang sa Blogger…Ang problema nga lang ayaw maimport ang mga old entries ko dito papunta dun..bummer!! hmf!

Heniweizzzzzzzz..I AM MOVING TO – – – WWW.ECHOZERANGFROGLET.BLOGSPOT.COM

Kita kita tayo dun! Pag napangitan ako for sure babalik din ako dito hahahaha

Day 62: H1N1 Virus? Nobyembre 1, 2009

Posted by carelesshush in Galit ako..wag kayo umepal!.
Tags: ,
add a comment

computer-viruskahit na madalas sabihin ni katt na patolera ako. hindi ako mapagpatol sa mga spam emails. sino ba naman papatol dun? kahit nga spam na food di ko pinapatulan e! kasi mahal, haha.

last week i received an email from ARIZA ADVINCULA..yes, inemail ko yata ang sarili ko ng di ko namamalayan, bwahahah..so syempre curious ako although i have a feeling na spam yun…eto ang message ko sa sarili ko…

I think you should come to see my phone, I bought it from a site and get a benefit, I will share that with you. The promotion of their website only keep 45days. Therefore it will be very value to buy now. you can have a look, I guarantee that you will
not be disappointed. His address:  http://www.uicshop.com
I also hope to share your happiness in the future! !
Regards! !

amf!!! spam nga! in-ignore ko ang message thinking that it won’t do any harm naman sakin. but today, i checked my Yahoo Mail and to my surprise..ang GMAIL folder ko ay naglalaman ng 81 messages!!!! puro MAIL DELIVERY FAILURE at yun ay sa kadahilanang ang lintek na message pala ay naforward o nasend sa lahat ng nasa address book ko!!!! anakangintarnet oo!!

that means na lahat ng walang kamalay-malay na nilalang ay napadalhan ng mensaheng walang wenta. eto ang masakit, pano kung isa sa mga inaaplyan ko ang napadalan. ay di malamang, minus ganda points na ko kasi spammer ako! bwahahahah..pesteng spam!

so sa kung sino man..i know na sa 3 hanggang 5 na babasa nito ay wala sa add book ng gmail ko (pang propesyunal lang kasi yun account na yun! hahah) gusto ko pa ring ipaalam na NAMFOTANG SPAM YAN DINALE ANG ACCOUNT KO! hahahahaaha

gusto ko sana iemail lahat ng nasa address book ko at magpliwanag..pero naisip  ko yaan ko na lang. kung sakaling may magdemanda naman, eto o may proof ako na na-dale talaga ng virus ang account ko. teka, virus nga ba o na-hack ang account ko? nakangteteng talga! magbabago pa 2loy aok ng password ngayon…ooohhh, wait..now i tried to log in..ayaw na ng leche! wahahahah…nakangsampungkuto oo!!!! tinatry kong iretrieve yung password kaso ang secret question ko pala dun ay – – WHO IS YOUR FIRST? – –  e di ko na matandaan! bwahahahah..di ko tuloy ma-retrieve!! kaya kayo pag nagset ng security question, make sure matatandaan ang sagot ha..hehehe 

naisip ko na lang na solution? mag-create na lang ng bagong GMAIL account..lols

Day 59! What A Day!!! Oktubre 14, 2009

Posted by carelesshush in Galit ako..wag kayo umepal!.
Tags:
3 comments

whew!! just got home…

mahirap talaga mag-assume ng pangyayari sa buhay ng isang tao…

ganito umikot ang pwet  mundo ko ngayong araw na toh..konting ingat sa pagbabasa baka pati ikaw mahilo…

simula ng araw ko…ganito ang eksena sa buhay ko….ang mundo ko…..

SUPER AYOS

1st Task: Check Yahoo Mail: hmmm..check..check…..problemang puso ni sisteret…facebook updates…

2nd Task: Check Facebook: wow dami requests…check requests..SORORITY check..amf nabugbog na naman ako..pero OK lang $2000+ lang pinakamalaking naumit sakin…lucky bitch! lols…SOCIALIZE…Carribean Cruise…deym! 7 out of 10…Southsea…again, 7 out of 10! pakshet, kelangan ko na ata magpalit ng mata ah….nagsawa sa Sorority..approve requests ulit…PAGE ERROR..ayun hudyat na..tigilan ko na daw FB..hahaha..pero bago ko sya lisanin ng tuluyan namigay muna ako ng mga PAYO NI BERTONG BADTRIP..namfotang Berto pinapaligo ako!!! pero kewl naaliw mga friendliness ko..lols…hep, hep bago pa ulit lumayas…tried GIVE A HUG application muna..gave Cathy a brewed coffee..i knew she’d like that..hihihi

3rd Task: Check Outlook mail: lols, last talaga ang office mail noh? wala naman kasi ako email dun lagi hahahahah

hanggang sa mapunta ang mundo ko sa…..

MEDYO MAAYOS NA LANG

Eto na dumarating na ang trabaho..QS nagpaprepare ng letters…incoming faxes coming through…stamp..stamp..stamp…photocopy…distribute…logged! Report to CV…binigay ko yun mga for signatures nya and at the same time nagpaalam na OFF ako for tomorrow for my son’s baptismal..said YES pero magpaalam daw sa director na si ND…i said OK..but before he let me go..he told me na kinausap sya ng HR about my visa kasi nagpamedical ako kahapon…explained my situation and what i have done so far..and proposed that i process my husband visa and then just apply work permit for me…works fine with him..so iniwan ko na sya sa mga papel na tinambak ko sa kanya..lols

then eto na….

PAWALA NA SA AYOS

kinausap ko si HR kung nagtanong sya kay CV about my medical yesterday…sinagot nya lang ako ng SUPER DAMING ILING AT KUNOT NG NOO..which annoyed me, really! so inexplain ko side ko and ilang batuhan ng katwiran..then i left..i think i have explained my side and proven my point…ayun lang si HR hindi ata marunong umintindi ng point ng iba gusto nya point nya lang…poineta!!! bweheheh

may pinatype si BD na sulat….ang haaaabbaaaaa…pero natapos ko na naman..when i was about to print it….BROWN OUT!! waaaaaaaaaaaaaa….di ko nasave yun huling pagbabago sa sulat!!! F-ing brown out!!!!

bumalik si power..naprint si sulat!! pero umalis na si BD bukas na lang daw…lechugas!

MALAPIT NG MAHULOG SA PAGKAKAAYOS

tambak na letters..incoming faxes…..5pm na..5:30pm dapat uwian na…tumawag si boss sa phone ko….sabi “HANG ON FOR A MINUTE, I NEED TO REPLY TO THIS LETTER. ONCE DONE, SCAN IT AND EMAIL IT TO THEM“…okey, A MINUTE LANG DAW…umabot na 5:30 ala pa si letter..ok lang 6:30 darating ang sundo ko..eto na…nagkakagulo na talaga mundo ko….

6:00 –  inabot si draft letter sakin

6:10 – done! at binigay sa boss for final approval & printing

6:15 – binabasa pa rin ni boss yun draft..naisip dagdagan..hindi kumbinsido sa gawa nya

6:20 – iniintay ko pa rin matapos ang pagbabasa nya…pinahanap si letter na gawa ni BD…right away na naiabot sa kanya…basa ulit ng sulat…

ISANG KALABIT NA LANG TULUYAN NG WALA SA AYOS

6:30 – miskol na si habibi….akshuli tinext ko na sya ng 5pm pa lang na malelate ako so he better call me a little bit early..which he did naman kaso lang dumating na sya..di pa tapos basahin si letter….huhuhuhuu…ayun muntik pa kami mag away sa text kasi akala nya i stayed late pa sa office kaya nautusan pa ko hindi nya naalalang tinext ko sya ng maaga na late nga ako makakababa kasi busy..anyways, whatever!! pinauuna ko na sila ng uwi. but he insisted na maghihintay sila..nahihiya naman ako sa mga kasabay ko so pinilit kong umuwi na sila..pinipilit pa rin ng asawa ko na maghihintay sila…STRESS!!! ang ending nauna na rin sila kasi talagang matatagalan ako sa ginagawa ko.

6:40 – finally! OK na daw si letter..gusto ko habulin yun asawa ko na intayin na ko kaso nakaalis na sila hahaha..babalikan na lang daw ako..i said no kasi kawawa naman 1 hour byahe din pabalik because of traffic..kaso desidido atang sunduin ako dahil ang sabi ko sasabay na ko sa officemate kong pinoy…paranoid? lols

6:45 – natapos si letter…approved..signed…

GUHO NA ANG MUNDO KO NG TULUYAN

6:50 – scanning the letter…SCAN….PREVIEW…ACCEPT…SYSTEM ERROR! what the??! either restart the program daw or ang PC..ayoko irestart ang PC kasi hiniram ko lang yun PC ng officemate ko na may scanner and di ko alam ang PW ng computer nya! e 5:30 pa lang umuwi na si loko. restart the program na lang…SCAN….PREVIEW…ACCEPT…SYSTEM ERROR!….ulit nga…SCAN….PREVIEW….ACCEPT…SYSTEM ERROR!….shiyet! isa pa..SCAN….PREVIEW…ACCEPT…SYSTEM ERROR!…waaaa..am freaking out na!!!!! tumawag na ko ng saklolo…tinry na ng officemate ko..ayaw din!! since alam ni officemate ang PW i suggested na irestart ang PC…so RESTART…LOG IN…PASSWORD INCORRECT….namfotah! stress na with a capital F huh! LOG IN…PASSWORD INCORRECT….again, again….LOG IN…PASSWORD INCORRECT….lecheng pagkakataon oo! tumawag kami ng isa pang help…LOG IN…LOGGING IN..wuhooo..nadale si PW..kala namin nagbago na ng PW yun mayari…eto na toh…

7:15 – yes, 7:15 na! SCAN….PREVIEW…ACCEPT…SYSTEM ERROR!!! shiyet na super lagkit! what’s happening??!!!! then came the IT guy…buti na lang nasa office pa…he scanned the letter through Adobe na lang..potah..pwede pala from that program e…SCAN..PREVIEW..ACCEPT…DONE…pag tingin ko sa document ang page 2 naging page 1 at ang page 1 nasa page 2…waaaaaaaaaaaa…DO IT AGAIN!!!!…..gusto nya na umuwi pero sige inulit namin…SCAN…PREVIEW..ACCEPT..DONE..SAVED! wuhooo..eto naaaaaaaa

7:20 – emailing the document to my email kasi kelangan from my email sya manggaling!

7:25 – deym! makupad pa naman ang server….buti na lang nareciv ko rin agad ang email…now…SENDING…tapos..tapos..biglang FROZEN ang potaenang screen!!! napapamura na talaga ko ng bonggang-bongga..nagshutdown ang PC ko…this is not happeningggggggggggg…RESTART THE PC…RESTART THE OUTLOOK..SENT!!!! tapos pagchek ko sa sent item..nakasent na pala sya kanina!!! huwaaaaa….naganap din pala nung 1st attempt!!!

7:30 – my boss saw me…WHY YOU ARE STILL HERE??…errrr, tumatambay? hahaha….i explained what happened and he just smiled…wow!!

7:40 – done..uwian na..eto na toh talaga..walang pigilan!!!

7:52 – dumating na ulit ang masungit pero sweet kong asawa

9:00 – nasa bahay na kami..finally!! saw Gelo looking at the door..and smiled when he saw us…biglang napawi ang pagguho ng mundo ko kani-kanina lang..hehehe

hay talaga…now, i can sya WHAT A DAY!!!! anyway, rest ko bukas kasi aasikasuhin ko lang ang aking bulilit and thank you kay Bunayners na pumayag magluto ng lumpia and kay Rubio na bonggang magdadala ng leche plan…bwehehe..halabshu friendlies…mwah!!!

Nytie nyt pipol! Gagawa na lang ako ng bata tonight para mawala ang stress..lols…

 

PS: Shiyet ulit…naalala ko..wala akong bagong damit para sa binyag ng anak ko!! Hmmm…kung si Katt maglalaba ng bagong damit pwes ako paplantsahin ko na lang yun gusto kong isuot na damit…BAGONG PLANTSANG DAMIT…o di ba parang bago na rin? nyahahaha

Day 53: Exhaustion Setyembre 16, 2009

Posted by carelesshush in Galit ako..wag kayo umepal!, Komedi & Drama.
2 comments

iba’t ibang pangyayari…iba’t ibang tao…pero iisa ang epekto..iniimbyerna ako!

i didn’t mean to complain. it is just that parang feeling ko nade-drain ang energy ko to the highest level and ang sinumang mang-imbyerna sakin ay for sure na masasaktan.

i have my own issues to attend to..my own drama to deal with…my OWN…*sigh*

naranasan nyo na ba yung eksenang feeling mo paulit-ulit na lang at walang katapusan yun pangyayari? ayoko ng ganito. in fact, isa sa mga dahilan kaya ayaw ko sumasakay ng merry-go-round, carousel at lalo na ng ferris wheel..AYOKO NG PA-IKOT-IKOT…ayaw!!!!

– – – –

bakit may mga taong mahilig magmaganda? ow,  hindi ko alam kung nagmamaganda o nagmamagaling o nagmamaasim or WHATEVER! few years ago sabi ng husband ko sakin, ang hilig ko daw sumimangot. sabi ko – – WHAT’S WRONG WITH THAT?…ngayon may tao akong laging nakikitang nakasimangot for some reason e feeling ko ako lang ang sinisimangutan nya..NAKAKAINIS! ngayon naiintindihan ko na husband ko when he said na nakakainis ang pagsimangot ko. kabuset nga namang makakita ng taong nakasimangot ng di mo alam kung bakit busangot!

di ko alam kung sadyang may edad lang kaya masungit o sadyang insecure at hindi nya ko feel makita sa paligid nya..well, good news for her..the feeling is MUTUAL..i don’t wanna see her too…kalas!

– – – –

alam nyo rin ba yun feeling na mapunta sa isang sitwasyon na kahit ayaw mo e wala kang magagawa kasi ganun talaga ang dapat mangyari..yun talaga ang dapat gawin? hay, i am in a situation na ayoko sana, kaya lang ano naman magagawa ko e kelangan ko pagtyagaan at NO CHOICE ako.

– – – –

paggising ko kaninang umaga (5:30am)..isang TXT ang sumira agad ng araw ko. isang text mula sa isang stupid na tao na ang galing mag-assume! sabi ng stupid na texter: ARISA, TUMATAWAG ANG  – – – – – –  HINDI MO SINASAGOT….well, you stupid texter..just want you to know 3 things OK!?

1. ARIZA ang name ko at hindi ARISA…di ako tumatanggap ng excuse kasi kahit itanong mo sa Kinder iba ang Z sa S! capiche?! (i know it is nonsense to make a big deal out of it, pero wakoker! gusto ko mgalit bwahahaha! plus hindi ako tumatanggap ng paliwanag ng ganun kaaga..lols)

2. Hindi ko alam kung anong klaseng cellphone meron ka pero i tried to call you several times pero di ko makontak ang mahiwaga mong phone! Don’t assume na hindi ko sinasagot ang phone porke lang hindi ko nasagot during your call. In fact, i texted you with HU U kasi interesado akong malaman kun sino yun tumatawag sakin. Kung iniiwasan ko ang call mo or anybody from —— hindi ko na itetext and will just totally ignore it. Intiende?

3. I have my own life and career..meaning, hindi ako nakatutok sa telepono ko at nagiintay ng tawag ng kahit sinong makaisip i-dial ang number ko.  Nagtatrabaho rin ako, just so you know!

so with the above at sa tinext ko sayo kanina, siguro naman hindi ka na magtataray o mag-a-assume ng isang bagay na hindi ka naman sigurado. you could have texted me ng  SI CHUVA TOH, I WAS TRYING TO CALL YOU RE BLAH BLAH BLAH..PLEASE CALL ME BACK ASAP!…

– – – –

obviously galit ako dun sa texter kasi nagdadagdag pa sya sa iniisip ko..hay life!!!!! sabi nga IF LIFE GIVES YOU HUNDRED REASONS TO CRY, SHOW LIFE THAT YOU HAVE MILLION REASONS TO SMILE!!!

Day 27: Magdiet ka, now na! Enero 26, 2009

Posted by carelesshush in Galit ako..wag kayo umepal!, Inipera Moments.
6 comments

orayt, this is it! magdiet daw ako sabi ng aking dietician na si Mr. Shafiq. as much as i enjoy eating rice pero kelangan ko daw itong bawasan. mula sa isang bandehadong kanin na kinukunsumo ko sa isang araw kelangan daw at least 18 – 21 kutsara na lang ang pwede kong kainin sa isang araw along with some ‘damo’ este vegetables pala na low in starch! hmf! ..now i wonder, yun caller ko kaya from IRRI ay may kinalaman sa desisyon na ito ni Mr. Dietician?!..hmmmm…

teka, bakit ba ako nagpunta sa dietician? di naman ako sosyalin para makipagmeet sa dietician ng wala lang diba, hehe. at di naman ako health conscious para mag-aksaya ng isang oras at kalahati sa harap ng indianong dietician na sa haba ng sinabi eh isa lang naman ang naintindihan ko..MAGDIET KA! hahahahaha….ok, ang main reason  kung bakit kinailangan kong makipagmeet kay Mr. Shafiq (the dietician) ay sa kadahilanang inutusan ako ng aking OB/GYN na si Dr. Ulrich ‘Gwapo” Honeymeyer na makipagkita sa kanya. sa mga di pa nakakaalam, ako po ay 26 weeks pregnant na at mataas ang aking glucose level according sa latest GCT result ko! mula sa normal rate na 3.0 – 8.3 ang aking glucose level ay nasa 8.6! nakakainis hindi ba?! may 0.3 pang sumingit! e di sana pwede ako kumain ng kahit sandamakmak na blueberry o chocolate muffin, magpakasaya sa chocolate croissant at magpakasawa sa isang bandehadong kanin?!

ngayon ang challenge sakin ay eto: MAGDIET KA O MA-CAESARIAN KA!? at kahit hindi na ulitin pa ng isang beses ang tanong na yan ay pipiliin ko ang magdiet! ang mahal kaya ng CS dito, akalain nyong nasa PhP180,000 wala pa yun miscellaneous dun! hay buhey! so anyway, imagine nyo naman na ang isang kakapuranggit na taong tulad ko, na may kakayahang umubos ng 1 bandehadong kanin at sankaterbang ulam (ke oily sya o hindi) ay uutusang kumain ng at least 21 kutsarang kanin lang kasama ng mga gulay (na hindi ko nakilala as pagkain until now) o di kaya daw ay kumain ako ng yogurt at gawin kong  dressing ng mga damo vegetable salad ko..waaaaa talaga! PERO dahil makulit ako tinanong ko si Mr. Dietician kung pwede ba yogurt + fruits na lang, eto lang ang matunog nyang sagot — ‘NO, VEGETABLE IS A MUST!’ anak ka ng dietician oo!

ok fine, magda-diet na nga! para raw naman toh sakin at sa lumalaking butchokoy sa aking sinapupunan (oi, may sinapupunan ako, kalain mo?! haha)…sige payag na ko na hanggang 21 na subo lang ng kanin ang gagawin ko sa araw-araw pero sandok ang gamit ko at hindi kutsara, nyahahahah!!!!!

Day 21: Basted! Disyembre 9, 2008

Posted by carelesshush in Galit ako..wag kayo umepal!.
Tags: , , , ,
2 comments

I AM SUPER BASTED!!!

hay naku…di naalala ang anniversary namin! kung di ko pa sinabing may  nakalimutan syang gawin nung araw na yun…di nya pa maiisip kung anong meron..hmf!! eto pa, bago nya narealize, NAGALIT PA NGA SAKIN! naktokwa!

dalas neto mangyari ha…di na nakakatuwa…hmf!

at di rin ako magpapacomment ngayon..gusto ko lang din maranasan yung nagsasara ng comment…kasi sa buong buhay-blogosperya ko di ko pa naranasan yung walang nagcocomment kasi nakasara yun comment…kasi kahit nakaopen yung comment dito..wala lang talaga nagcocomment sa blog ko kasi walang trip magcomment…nyahhahaha

gusto ko sana magupdate ng BLAG ko everyday since may ‘intarnets’ (gaya-gaya lang) naman ako sa bahay..kaya lang naisip ko magmumuka naman TWITTER o PLURK tong blog ko..hehe…kaya ayan nagbago na isip ko

ay..di ko pala alam iclose yun comment…bwahahahah…yae na nga…letch!

ay…bye Marky Cielo na pala..huhuu…type ko pa naman tong si Marky kasi ang cute-cute nya sumayaw…ano kaya cause of death nya noh???

teka congratulations din pala kay PACMAN kasi nanalo sya..akalain mo naman…sa loob ng 1 araw nakatanggap ang Pinas ng good and bad news…pero ako puro bad news lang..di na nabati nun anniversary, nabalitaan pang namatay ang isa sa mga kras ko sa showbiz..hay life…so ka-ka! di na sakin news yun pagkapanalo ni PACMAN…alam ko kasi mananalo sya..hehehe..magulat pa ko pag natalo sya…!

tse,  BADTRIP ako!….

Day 19: Stupid Mistake Nobyembre 26, 2008

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba, Galit ako..wag kayo umepal!.
11 comments

“It can happen to–Anyone of us, anyone you think of–Anyone can fall–Anyone can hurt someone they love–Hearts will break–‘Cause I made a stupid mistake” – Anyone of US by Gareth Gates

ay naku!!!!! mukang ako ay made-dethrone na haha. Eh kasi naman nakuu talaga kakabuset oo!

nung isang araw bumyahe yung isa sa mga senior bankers ko patungong USA at pagkatapos ay pumunta ng UK…aba’y akalain mo wala palang visa si loko sa UK …ang hirap pa nito sakin binagsak ang sisi kasi nga daw ako ang assistant nya at kung bakit di ko alam na wala syang visa sa UK?! anakngtokwa naman oo! aktwali, may visa naman sya kaya lang naexpire nung 11 Nov 2008…wahahaha….pero teka oo nga assistant nya nga ako pero di ba alam nya dapat kung may visa sya o wala? pero ang totoo nawala din naman sa isip ko na icheck kung may visa sya ..kaya partly kasalanan ko rin..KAYA LANG (talagang idedepensa ko daw sarili ko! haha) a week before his flight to USA/UK ehhh inarrange ko pa yung visa nya to Thailand..at yun ay AS PER HIS REQUEST..so akala ko naman aware sya sa mga visa nya..apparently, hindi sya aware! lechugas ..so ayun ako eh nasermunan kahapon ng bonggang-bongga at sa lahat pa naman ng ayoko eh tawagin akong ‘sloppy’, kasi hindi ko alam meaning nun haha..joke, kasi feeling ko napakawalang kwentang katulong ko dito sa opisina noh! and besides di ko naman kasalanan lang yun..nagawa nya ichek yung Thai visa nya bat di nya nagawa silipin yung UK visa nya..hmf! sabi nga ng mga ofismate ko naghuhugas-kamay lang sya kasi alam nyang partly kasalanan din nya kasi go sya ng go sa byahe…kainis!

anyway, ayun so dumating ngayon sa ofis si ‘sungit’ (codename ko sa kanya hehe) at sabi ko na lang with matching beautiful eyes..”please don’t kill me…” bwehehe..sagot lang ni gaguh di naman daw sya ang galit kung hindi yung MD namin na kasama nya sa trip…gusto ko sana sagutin..”neknek mo! kausap ko si MD kanina…ambait pa nga sakin!” hahaha..at nachismis na sakin ng accountant namin na sabi daw ng MD sa kanya galit na galit daw sakin si ‘sungit’ kasi nga sa nangyari…

nakuu, malamang nito hotseat na naman ako sa staff meeting namin! sana walang staff meeting sa Sunday pagbalik ng MD namin at since holiday naman na sa mga susunod na linggo..sana makalimutan na ni MD yung nangyari o kaya wag na ring ungkatin ni sungit yun sa staff meeting kasi di ko alam pano ako magtatago nun sa kinauupuan ko (as in )..

eto pa nakakaasar sa pangyayari ha, originally ang booking ni sungit from Dubai to NY; NY to Dubai..ehh sukat maisipan nilang magstop over sa London..waaaaaaa..kung dumirecho lang siguro sila sa Dubai baka di na ko nagkaproblema, haha..at isa pang nakakaasar meron naman FRENCH passport si sungit…ay kung bakit di nya gamitin!!!!! (sungit  ako)…at inaasikaso ko ang trip nya for the whole month of Nov and December since 1st week of November pero sya yung delay ng delay ng issues…then nung nafinalize ko na ang tickets and hotel booking nya and tinanong nya kung OK na lahat..sabi ko oo OK na nga lahat..kasi nga akala ko OK..hahah..marami talaga mateterminate sa AKALA…tsk!

ayun lang pag matagal akong di nakapagblog o nakabisita sa mga blogs ng mga naging ‘friends’ ko na sa blogosperya..alam nyo na….NATERMINATE NA KO!

hayy naku mahirap talaga magkaron ng STUPID MISTAKE! lalo na kung sahod ang nakataya…bwahahahah!

Day 10: Bad Days Are Yet To Come?! Oktubre 26, 2008

Posted by carelesshush in Galit ako..wag kayo umepal!.
add a comment

BAD TRIP AKO!

Yan lang ang mga salitang pwedeng magdescribe sa pakiramdam ko ngayon. Nababadtrip ako kasi masakit ang ulo ko. Binigyan ako ng Tylenol ng officemate ko which I gladly accept pero hindi ko naman ininom. Wala lang although naniniwala ako sa sinabi nyang pwede yun sa buntis, ayoko pa rin sya inumin!

Pagkagising ko kaninang umaga, OK naman ako. kinukulit ko pa nga asawa ko na himbing pang natutulog. buti na lang di nya ko nasigawan ng maaga-aga, hehe. Pagsakay ko ng sasakyan as usual pinikit ko na ang mga mata ko alam ko namang walang kamatayang traffic lang naman ang makikita ko sa daan! kaso naman kamalas-malasan, paggising ko masakit ang ulo ko! Leche! Sa lahat pa naman ng ayoko yun sumasakit ang ulo o ngipin ko. UNBEARABLE! so pagdating ko ng opisina at pagbati ko ng GOOD MORNING sa mga officemate ko, naupo na ko sa aking chair at nanghihinang binuksan ang PC ko. kinumusta naman ako ng mga kasama ko na sinagot ko ng “I AM OK” pero siguro gawa ng kagigising ng utak ko at masakit nga ang ulo ko hindi tuloy naipagkailang hindi ako OK! ayun ang aming ever-girl scout na officemate binigyan ako ng Tylenol!

heniweyz, matapos naman ang ilang oras medyo ok-ok na ko. kaso mo nagpatawag naman ng staff meeting ang boss namin at sa kinamalas-malasang pagkakataon ulit ako ay nasermunan tunkol sa isang bagay na di naman ako ang may kasalanan..fuck!

ganito kasi yun isa sa mga bankera ko dito ang di agad nagrespond sa email ng aming head office. lam kong nasa office pa sya nung Thursday  ng dumating ang email na yun..kasalanan ko bang motto ata sa buhay ng bankera ko na yun ay “PROCRASTINATION IS THE BEST POLICY”..ha? ha? ha? sagutin nyo ko! babanatan pa ko ng amo ko na “i know you are pregnant but you are sitting  in the office the whole day and it is your job to advise your banker..blah blah blah”..ahh ok fine so kasalanan ko pala!! nakakainis lang na pati yun pregnancy ko e idamay e di ko naman kasalanan yun!

look, para kampihan nyo ko (as if may bumabasa nito) ganito kasi ang storya nyan:

about 3pm – nagpadala ang head office ng email tunkol sa isang client

(ayon sa aming COO) matapos ang email..tumatawag DAW ang taga head office para mag-follow up tunkol sa nasabing email. hanggang mag-past 5pm na di pa rin DAW makontak ng taga head office ang aking bankera..now i wonder e bat di ako ang kinausap. madalas naman pag unreachable yung banker ko ako ang kinakausap nila..hmf!

so umabot na ng past 6pm syempre naguwian na kaming lahat so tinawagan na lang daw sa mobile si bankera ko para mafinalize ang lintek na issue..sabi ko kapag di naman makontak si bankera, kadalasan pinapatawag ko sa mobile ehh kaso lang ayun kasalanan ko pala ang pangyayari….now the onus is on me??! what the fuck?!! how could that be?!

just to let you know, 5:39pm ang time out ng bankera ko which means from the time the email was sent hangang yung time daw na nagpa-follow up si taga head office sa amin through phone ay andito pa sa opisina ang aking magaling na bankera! so, siguro yung ang dahilan kung bakit hindi na ako kinailangan kontakin pa ng taga head office na yun! ehhh  pero kung bakit hindi sya nagrespond o hindi nya pinansin ang email ay hindi ko na yata problema, hindi ba?

nakakainis nito ako ang nangapagalitan at parang walang ginagawa! grrrrrrrrrrrr…kasalanan ko bang tamad yun bankera ko!? eh kahit nga aantok-antok ako o kaya nabibigatan ako sa katawan ko eh pilit pa rin akong nagpapaka-smiling face sa kanila…para na nga akong smiley eh! gusto pa ata magcollapse ako para mapatunayang hindi naman ako FIT to work today!

matapos ang meeting kinausap ako ng department head namin na uber-bait at sinabi nya saking kakausapin nya ang amo namin tunkol sa situation kanina. sabi ko ayoko magmukang engot yun bankera ko sa harap ng lahat kaya kineri ko na lang na ako ang sermunan pero hindi ko yun kasalanan!!!! at pinaliwanag ko kay DH ang sequence of event plus the confirmation from our receptionist na 5:39pm ang out ni bankera so ibig sabihin andito sya ng panahong nagpa-follow up ang head office!!

ay naku ha imbyerna yang bankerang yan, paramis! pero kasalanan ko rin di kasi ako nakipag-argue kanina sa meeting pero pano naman ako makikipag-argue sa boss ko eh nung bandang simula ng meeting, nakipag argue yun isa kong officemate, nangasigawan sya sa amo, haha. so tiklop na lang muna ako at ayoko ng gera o termination (at the worst).

at eto pa, isa pa sa mga bankero ko naman ang nakakapagpainit ng ulo ko sa kadahilanang meron ata syang PMS dahil sobrang sungit sya. may pina-follow up akong issue sa kanya at sagutin ba naman ako ng “bat ngayon mo lang ako tinatanong tunkol dyan” errr, hello follow up na nga ito eh ibig sabihin nasabi na sa kanya before noh! ohmygawd talaga! ang problema sa mga lintek na ito, they are dumping the information as soon as they receive it! ampucha naman ang laki laki ng mga sahod nila tapos di man lang nila pagtrabahuhan..tsk!! eh palit kaya kami ng sahod? heheheh

kaya iinis talaga ko…grrrrr!!!!!!! tapos ngayong hapon mabait na sya. hindi ko alam kung anong problema ng mga tao ngayon at bakit parang trip nila maggalit-galitan! bakit kamo? e ngayong hapon para silang mga anghel na namang kausap! di na masusungit at nakikipagbiruan na, hmf!

pero ako? galit pa rin ako! lechugas kayo…grrrrrrrrrrrrrr!