jump to navigation

Day 66: Homesick Nobyembre 8, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, Emoterang Kuba, kaetchosan lang.
Tags:
4 comments

madalas pag nakikinig ako ng music. nagkakaron ako ng last song syndrome chuva. at pag nangyari na yang syndrome na yan, walang ibang emosyon akong nararamdaman kung hindi pagkairita sa sarili ko kasi naman kahit yun kantang Voulez Vous  nung sinaunang panahon pa ay di nawawaglit sa isip ko. as in pinapatulan ng vocal chords ko!! namf!

kahit nga nung minsang manood ako ng Batang Bibbo kinakanta ni Roxanne at ng mga batang puppet yun “ulo, abaga, hawak, dapi-dapi, tuhod, pitil” (sa tono ng paa, tuhod, balikat ulo but in hiligaynon version) ng paulit ulit hanggang sa masaulo ko na tuloy! awa ni batman, ayun kinakanta ko na sya kay Gelo ngayon at aliw na aliw naman ang bunso ko. i dunno if its because he likes the song o kasi mukang minggoy ang nanay nya habang kumakanta ng kantang pang-alien ata..nyahahah

pero nung nakaraang araw…may mga kantang tugtog sa player ang asawa ko..i can’t help but to feel ‘homesick’. i know i am with my family but then miss ko rin ang family ko sa pinas. si jeje at si breanna, sila lola at mga tyahing maiingay at mga pinsang ubod ng kukulit!!!! hehe..at syempre miss ko na rin si shoana, psn at bujoy na nasa canada 😦

kung kayo makarinig ng mga awiting ganito..ano mararamdaman nyo???

wag na isama pa dyan ang mga mas nakakalungkot pang Xmas song..hehehe!!! ohmygawd talaga! 8 xmas na akong wala sa Pinas….miss ko na ang Pinas kung Xmas…hihihihi!!!! but i know that compared to others swerte pa rin ako kasi i am with my family here in Dubai… so for that..I AM SO THANKFUL……….

MERRY XMAS EVERYONE!!!!!!  🙂

Day 58: Cathy Oktubre 10, 2009

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba, Inipera Moments.
3 comments

in your lifetime..minsan ka lang makakatagpo ng isang taong pwede mong ituring na STRESS/PAIN RELIEVER at SHOCK ABSORBER…i am glad that at an early age natagpuan ko sya.

she’s the type of person who would say HAHAHAHAH as in ROFL sa corny jokes mo. yung kayang sundan ang bawat sentence mo..yun ngiti mo lang, alam nya na ibig mong sabihin. titingin ka pa lang gets nya na yun reaction mo. yung kahit daig pa Da Vinci Code sa sobrang gulo ng sinasabi mo, kaya nyang unawain, isang sulyap lang sayo. she’s the kind of person who would be willing to listen (or read) your sentiments kahit na may sarili syang sintemyento. yun bang tipong pagkausap mo sya at kahit O at Y o Y lang ang sagot nya mapapagaan ka nya ng bonggang-bongga. hindi sya fabulosa, hindi sya maarte, super-simple nyang tao na hindi mo nga mapapansin ang existence nya. but you will love her simplicity..kasi sya yun eh..ISANG SIMPLENG KAIBIGAN!

one thing i love about this girl….SHE LOVES HER FAMILY MORE THAN ANYONE OR ANYTHING ELSE..she’d do some crazy stunts na hindi mo maiimagine na kaya nya just to make her family happy. she don’t pretend. she don’t assume. if hindi nya kaya ang isang bagay or hindi nya alam, SHE WILL ASK. hindi sya mahihiyang sabihin na hindi nya kaya pero mas lalong hindi sya mahihiyang magtanong kung pano nya ba kakayanin ang isang problema. i don’t know but from the time i met her, i just love her. i love her family too..so magulo! hehe

she’s willing to go beyond her limits..and if dumating ang point na medyo hindi nya pala kaya…she’s not too scared to ask for help. another thing i love about her. hindi nagmamaganda..for her maganda na sya bwehehehe….

how long have we been friends na ba? 17 years?? wow tol!! halabshu na talaga! nakakatuwang isipin na sa twing maalala kong dumadalaw ako sa inyo at ihahatid mo na ko sa sakayan..alam na ng nanay mong hanggang Manila mabibitbit kita! bwahahaha….kidnapper/snatcher mo nga daw ako….tipong pag ako kasama mo…see u in summer na!

kaya pag nag asawa ka na..i am going to miss you a lot..lalo na pag lamang-dagat ang mapapangasawa mo..hahaha..isa syang shellfish, ate! SHELLFISH! hak hak hak hak!!!! hindi ka naman sirena kaya di ka nya dapat ikulong sa dagat huh! lols…

anyway, sino nga ba tinutukoy ko? syempre walang iba kung hindi si CATHY MONTEAGUDO!!!!!! my friend na kahit walang kwenta sinasabi ko napapatawa ko..kahit anong tumbling ang gawin ko, pinapalakpakan ako. isang kaibigan na kahit na anong mangyari, buraot na sya sa buhay nya willing pa rin pakinggan at alalahanin ang pagkaburaot ko.

hmmm kaya sa mga taong hindi kayang tanggapin kung anuman si katt…well, sorry mah friend, u don’t deserve her. she deserves someone na hindi sya itatali sa isang banko simply because gusto lang nya. isang taong hindi sya haharangan sa daan sa twing may sale sa roxie, sa oakley, sa crocs o kahit saan pa! isang tao na willing syang samahan para bumili ng havaianas o kahit yung mariveles tshirt man lang! isang taong willing suportahan ang pangarap ni Katt na maging artista kahit alam nyang walang talent si Katt haha..in short, isang taong magiging supporter nya sa kahit na anong laban! how i wish Katt, i could find someone who would be just like that for you..lols..kung pwede ko nga lang irecommend sayo si ET kaso lang may gelpren na rin ata si gwapo eh! hehehe…ay naku, i told you mas madali nga yata i-update ang SSS (sex..sex..sex) dito kasi hi-tech na, e ang PAGIBIG ba automated na rin? haha. konting ingat lang baka Phil Health kabagsakan mo..mahal ang maternity package, isipin mo! wahahah…

to end this…gusto ko lang sabihin na Katt…although hindi ka naappreciate ng ibang tao andito kami ni Fernando Poe Jose na willing mainvolve sa buhay mo kahit na ayaw mo na syang iinvolve pa sa drama ng life mo…kasi naman si FPJ super affected parang gusto ka na lang nya pakasalan wag lang masayang ang effort mo hahahaha…sabi nga ng asawa ko tayo na lang daw kaya magpakasal para wala lng sakit ng ulo? pero alam mo naman di ako 2-timer maliban na lang kung hiwalayan nya ko at ipalit nya si rubio hahahah..

dream on my friend…ipagpatuloy ang nasimulan..wag hayaan ang isang hump ay magpahinto sayong daraanan..kasi kahit mala-dugong ang hump na yan kaya natin yan sagasaan..remember, mahusay akong magdrive sa highway! walang tingin tingin sa side mirror, walang palitan ng kambyo, kaliwa’t kanan lang! naalala ko tuloy, buti na lang yun dog mabilis tatakbo kung hindi…ay sus!!! heheheeh

all the best my friend!!!! i am not saying time is running out pero di mo naman gugustuhing mag-keloid yang…(tuuuuttt) mo diba? so go and find someone new (haha, bad!). i know it’s gonna be hard for you. pero hindi naman ito ang unang pagkadapa mo, hindi rin ito ang unang magpapasugat sayo. aanuhin mo ang isang tao kung di naman makasakay sa agos ng buhay mo..lunurin na lang kaya natin sya sa baha ng Ondoy para malaman nya ang kaibahan ng mababaw sa malalim at importante sa walang wenta? lols..galit ako? ishlayt..cause he’s sooooo….F-ing jerk!!! ass#%#@#!! hahaha

 i know kaya mo toh, sabi ni Mc Do! haha

 

(pahabol:  namfotang explorer oo!!! kalain mo muntik idelete tong entry ko buti na lang si darna ako! nyahahaha..napasigaw talaga ko nung nawala sya screen ko hahahahaa)

Day 55: Ondoy Setyembre 30, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, Emoterang Kuba, Inipera Moments, jeryus topic.
Tags: , , ,
2 comments

Nakakatakot…Nakakakilabot…Nakakapanghina…When I first saw the footages di ako makapaniwala na sa loob ng 5 hours magagawang “lunurin” ng ulan ang Marikina at iba pang bahagi ng Manila. Na mangyayaring tangayin ng baha ang sandamakmak na sasakyan sa kalsada.

Para ngang palabas sa Hollywood o kaya e parang may naglalaban na superhero at villain at pinabaha ang Manila!

Thankful ako na OK naman ang family ko.  Taga-Parang, Marikina sina Papa ko at salamat naman at ligtas sila. Lagi kong pinagdadarasal yun safety ng family ko saan mang sulok ng mundo. Pero naaawa ako sa mga taong naapektuhan ng bagyo. When I saw Jenica on tv, naiiyak ako sa pagre-recall nya ng pangyayari.  This tragedy only proves na walang mayaman, walang mahirap. Lahat pantay-pantay kahit pa sa sakuna. Kaya dapat magtulungan ang lahat ng Pinoy na makaahon sa panibagong dagok sa Pilipinas….hayst! Hindi yun nagpopost ng status sa Facebook ng kung ano ano tulad ni Jacque B., ayan tuloy wanted na sya sa Dubai hahahah.

2 or 3 weeks before dumating ang bagyong Ondoy sa Pinas, meron akong sariling bagyong pinagdaraanan.  Isang ‘bagyo’ na di naman dapat sakin, pero sabi nga ni tita Mel Tianco “Help not because it feels good but because we should!”.  Isang mala-Ondoy na effort ang ginawa ko para malagpasan ang pagsubok na binigay sa isang taong malapit sakin.  I nearly came to a point na parang gusto ko na magtanong ng…WHY o di kaya eh SAAN, SAAN AKO NAGKAMALI? (LOL) pero naisip ko na binigay samin ang pagsubok dahil kaya namin malagpasan ito. Kaya hala, kahit magpaka-DARNA ginawa ko na para lang talagang mapatunayang…KAYA KO TOH, KID! (ika nga ni Joliibee!).

During the times na namomroblema ako as in stressed ako EMOTIONALLY, PHYSICALLY, MENTALLY esp. FINANCIALLY may isa akong kaibigan na ang tanging problema ay ang pagnipis ng buhok nya at pagiging flat chested nya (hahaha). naisip ko sana ganun lang kasimple ang problema ko.  Pakiramdam ko kasi super-bigat na ng dala ko.

Now, nangyari ang Ondoy sa Pinas. Narealize ko na kumpara sa kanila, tuldok lang ngayon ang problema ko. Kumpara siguro sa iba, walang wala itong problema ko. PERA lang toh!

Ngayon narealize ko na ng sobra-sobra na dapat ako lagi magpasalamat kay Papa God dahil kahit anong problema ang dumarating samin (ke problema ko o problema ng iba na pinapaproblema pa sakin, hehe) nakakayanan namin lampasan. Healthy ang family ko most eps. my kids, may maayos kaming bahay, kumakain araw araw…so I don’t have the right to ask WHY (hehe).

Naisip ko rin na dapat bago ako magreklamo sa paggising ng maaga, sa paulit ulit na pagkain sa mesa, sa paulit ulit na palabas sa tv, sa mainit na panahon o sa mga kahit anong simple at walang kwentang bagay, isipin ko muna dapat kung dapat nga ba ko magreklamo? For all I know,  habang nagiinarte ako sa mainit na weather ng Dubai, may isang taong nag-a-agaw buhay.  Na habang tinatamad ako kumain kasi isda na naman ang ulam, may mga batang nagkalat sa kalye at namumulot ng pagkain sa basura…speaking of basura, aminin man natin o mashadong makalat ang Pilipinas. ang mga tao walang disiplina pagdating sa basura. wag na rin natin sisihin ang gobyerno o intayin silang kumilos.  bat di natin simulan mula sa sarili natin.  sabi nga di ba, IF YOU WANT IT DONE RIGHT, DO IT YOURSELF!

this is really a wake up call for me…..sana sa inyo rin!

Day 36: Francis M-less naaaaaa!!!! Marso 9, 2009

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba.
8 comments

We will miss you Kiko!

nung last Friday saktong paglipat ko sa Channel 7, ina-announce ni Vic Sotto ang pangyayari tunkol kay Francis M. nalunkot naman ako ng bonggang-bongga! hindi man kami magkakilala ng personal pero I like Kiko. simpleng rock! hindi nga tumatanda face nya e…ayan nga namatay syang bata..we’ll always remember him with his child-like face and attitude…hayyyy…

sabi pa nga ng bro ng officemate ko para daw syang nawalan ng isang mabuting kaibigan (hehe) kahit di naman sila talaga magkakilala! buti na lang buhay pa si Kiko meron na kong dalawang shirt ng 3 Stars and a Sun..hay nakakalungkot naman talaga oo! hindi naman biglaan ang balita dahil alam na ng lahat ang medical condition nya but still nakakagulat na ambilis nya naman talaga nawala..tsk! walang ng sisigaw sa EB ng SEAMLESS NAAAAA!!!!!

nabasa ko sa ABS-CBN news na bibigyan sya ng posthumous presidential award..wow..parang Heath Ledger lang! pero bakit ganun. antagal na sa industriya ni Kiko tapos kung kelan wala na saka ire-recognize ang contribution nya? hmf! at least yun award ni Heath Ledger was given to him dahil sa pagganap nya sa last movie nya ehhh yun kay Kiko matagal ng achievemen yun..nabubuhay pa sya!!!! and sana sa loob ng 7months na naghihirap si Kiko sa sakit nya…naisip ng gobyerno na parangalan na sya..yun sana lang eh buhay pa sya nung naparangalan sya para binaon nya sana sa kung saan man sya pupunta..hmf to the highest level! well, ayun lang naginarte lang ako!

in any case, my condolences sa mga naiwan ni Kiko..nakakatuwa si Pia, his wife, parang sobrang tatag nya na nakukuha nya pang ngumiti at may energy syang humarap sa media…hayyy!!! life nga naman oo…life is too short para aksayahin talaga sa mga walang wentang bagay..errr, tulad ng pagboblog? hehehe jokes!

Day 19: Stupid Mistake Nobyembre 26, 2008

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba, Galit ako..wag kayo umepal!.
11 comments

“It can happen to–Anyone of us, anyone you think of–Anyone can fall–Anyone can hurt someone they love–Hearts will break–‘Cause I made a stupid mistake” – Anyone of US by Gareth Gates

ay naku!!!!! mukang ako ay made-dethrone na haha. Eh kasi naman nakuu talaga kakabuset oo!

nung isang araw bumyahe yung isa sa mga senior bankers ko patungong USA at pagkatapos ay pumunta ng UK…aba’y akalain mo wala palang visa si loko sa UK …ang hirap pa nito sakin binagsak ang sisi kasi nga daw ako ang assistant nya at kung bakit di ko alam na wala syang visa sa UK?! anakngtokwa naman oo! aktwali, may visa naman sya kaya lang naexpire nung 11 Nov 2008…wahahaha….pero teka oo nga assistant nya nga ako pero di ba alam nya dapat kung may visa sya o wala? pero ang totoo nawala din naman sa isip ko na icheck kung may visa sya ..kaya partly kasalanan ko rin..KAYA LANG (talagang idedepensa ko daw sarili ko! haha) a week before his flight to USA/UK ehhh inarrange ko pa yung visa nya to Thailand..at yun ay AS PER HIS REQUEST..so akala ko naman aware sya sa mga visa nya..apparently, hindi sya aware! lechugas ..so ayun ako eh nasermunan kahapon ng bonggang-bongga at sa lahat pa naman ng ayoko eh tawagin akong ‘sloppy’, kasi hindi ko alam meaning nun haha..joke, kasi feeling ko napakawalang kwentang katulong ko dito sa opisina noh! and besides di ko naman kasalanan lang yun..nagawa nya ichek yung Thai visa nya bat di nya nagawa silipin yung UK visa nya..hmf! sabi nga ng mga ofismate ko naghuhugas-kamay lang sya kasi alam nyang partly kasalanan din nya kasi go sya ng go sa byahe…kainis!

anyway, ayun so dumating ngayon sa ofis si ‘sungit’ (codename ko sa kanya hehe) at sabi ko na lang with matching beautiful eyes..”please don’t kill me…” bwehehe..sagot lang ni gaguh di naman daw sya ang galit kung hindi yung MD namin na kasama nya sa trip…gusto ko sana sagutin..”neknek mo! kausap ko si MD kanina…ambait pa nga sakin!” hahaha..at nachismis na sakin ng accountant namin na sabi daw ng MD sa kanya galit na galit daw sakin si ‘sungit’ kasi nga sa nangyari…

nakuu, malamang nito hotseat na naman ako sa staff meeting namin! sana walang staff meeting sa Sunday pagbalik ng MD namin at since holiday naman na sa mga susunod na linggo..sana makalimutan na ni MD yung nangyari o kaya wag na ring ungkatin ni sungit yun sa staff meeting kasi di ko alam pano ako magtatago nun sa kinauupuan ko (as in )..

eto pa nakakaasar sa pangyayari ha, originally ang booking ni sungit from Dubai to NY; NY to Dubai..ehh sukat maisipan nilang magstop over sa London..waaaaaaa..kung dumirecho lang siguro sila sa Dubai baka di na ko nagkaproblema, haha..at isa pang nakakaasar meron naman FRENCH passport si sungit…ay kung bakit di nya gamitin!!!!! (sungit  ako)…at inaasikaso ko ang trip nya for the whole month of Nov and December since 1st week of November pero sya yung delay ng delay ng issues…then nung nafinalize ko na ang tickets and hotel booking nya and tinanong nya kung OK na lahat..sabi ko oo OK na nga lahat..kasi nga akala ko OK..hahah..marami talaga mateterminate sa AKALA…tsk!

ayun lang pag matagal akong di nakapagblog o nakabisita sa mga blogs ng mga naging ‘friends’ ko na sa blogosperya..alam nyo na….NATERMINATE NA KO!

hayy naku mahirap talaga magkaron ng STUPID MISTAKE! lalo na kung sahod ang nakataya…bwahahahah!

Day 16: The Day They All Vanished Nobyembre 16, 2008

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba.
16 comments

bwahahahah..gusto ko simulan toh ng malaking BWAHAHAHAHAHA!!

abnormal talaga ang friendster. magme-maintenance ng dalawang araw pagkatapos bigla na lang tatangalan ako ng mga friends?! hahaha…part ba ng maintenance nila ang pagtanggal ng mga ‘virus’ kong friends?! PEACE sa mga nawala kong friends.

aktwali, di pa ko bothered kahit na 34 na lang yung natira kong friends sa list…teka ilan na nga ba friends ko dun?! nyahahaha…malamang kasi natatangengot lang ang friendster so dedma na lang muna..but if next year ganun pa rin saka na lang ako maghahagilap ulit ng friends, hihiihih! nangyari na rin toh sa dati kong account nangawala yun mga testes (testimonials) saking super important pa naman kasi mula sa puso sa lahat (bukod sa inuuto nila ko dun haha) at galing sa family & friends.. pero bumalik din naman ang mga naglahong testes ayun nga lang naisipan ko ng idelete ang account na yun kasi nahihirapan na ko magmaintain ng 2! hahaha..parang etong blog meron akong existing blog sa friendster perooooo gumawa pa rin ako sa wordpress at dahil nabuset ako na kailangan kong i-update yung dalawang blog..dito na lang ako nagconcentrate! mahirap pala talaga maging two timer, bwahahahha!

in any case, dun sa mga nawala kong friends don’cha worry mga dear friends kasi ibabalik at ibabalik ko kayo sa aking listahan..alam nyo namang di ko kayang di makichismis sa buhay nyo sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga profile nyo..hak hak hak

realization: pano pa pala mababasa ng mga fwenship ko tong blog ko kung nawala na sila sa friendster ko?! andun yun link papunta dito?! nakpotah FRIENDSTER panira ka ng karir sa blogosperya! bwahahahahha…iilan na nga lang readers ko…sukat mangawala pa!!! deym!

Day 14: Pesteng ADIK! Nobyembre 13, 2008

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba.
8 comments

naranasan nyo na ba yung may tinatawagan kayong napakaimportante pero ang lekat na phone ay laging naka-answering machine:

sa tinagal-tagal ng pagiintay mo sa napakahabang ring na akala mo eh may pag asa ka ng masagot ng kabilang linya..babanatan ka bigla ng…

“YOUR CALL IS BEING ANSWERED BY ADIK”

lekat na adik yan oo! bat ba panay ang sagot ng telephone! di naman sya ang kelangan ko…hmfness talaga! nyahahahah

aktwali, ADEX daw yun pero dahil nabubuset ako feeling ko ADIK talaga yun answering machine na yun!! ano veh, uwian na in 15minutes di ko pa rin makontak ang lekat na New York office namin..huwaaaaaaaaaaaaa!!! i hate ’em!

Day 13: Finger Ur Face Nobyembre 12, 2008

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba, kaetchosan lang.
1 comment so far

naku naman nakakainis talaga oo! kung bakit naman kasi kailangan pa raw ng national id dito sa planeta ko! kaming mga ISKWATER lang sa planetang to ay hindi agad nagabalang magapply ng lecheng id na yan kasi sabi NATIONAL..eh national ba kami?! INTERNATIONAL kaya kami! bwahahaha

heniweyz, ayun so ang ending lahat pala ng residente eh kelangan may ID kasi ito ang papalit sa labour card at sa magsisilbing identification ng bawat residente (oh well, kaya nga tinawag na identification card e for identification purposes!). hokey lang naman sana kung gusto nila kaming mag-apply ng ID na yan kaya lang hassle tol…HASSSSSSLE! nyahahah..

unang-una kailangan mo pumila para sa REGISTRATION —ito yung prosesong pipila ka ng tipong bandang 4am para makakuha ng token at magintay na magbukas ang opisina nila ng 7:30am para magfill up ng registration form at magintay na bigyan ka ng printed na bar code..aabutin ka ng buong araw para dyan dahil sa haba ng pila..dalawa lang DAW ata ang umaasikaso..malas mo pa pag babae ang nasa counter kasi sa loob ng 1 oras na pagupo nya sa pwesto nya…mga 45minutes ang ginugugol nya sa pagaayos ng shela (takip sa ulo) nya! nakngtokneneng talaga! eto pa malas mo na lang talaga kung dumating ka ng pagkaaga-aga para lang mauna sa pila tas sasabihin ng gwardya na 1/2 lang ng mga nakapila ang papapasukin dahil sa ‘quota of the day’..at syempre dahil anak ka nga ng malas e di ka kasali sa 1/2 na yan kahit pa maaga kang dumating…bwahahahahha

katapos ng proseso na yan pipila ka naman para sa fingerprinting..fingeran ito! hek hek hek..pero swerte mo kung maaccomodate ka ng araw na yun o tatawagan ka na lang o ewan ko kung anong kahihinatnan mo matapos mo ang unang proseso ng pag-apply para sa national id!

at matapos ang napaka-‘DALING’ proseso..iintayin mo sa P.O. Box mo ang mahiwagang id mo..mga 7 araw daw ang iintayin bago ito matanggap..o di ba kahit hindi naman lalabas ng boundary ng planetang toh ang mail ehhh isang linggo ka pa ring magiintay, hihi!

buti na lang maabilidad rin ang PRO ng kumpanya namin na syang nag-ayos ng registration form naming mga alipin ng YO-BE-PE, kailangan ko lang ipadala ang finger ko para sa fingerprints hehehe..at dahil di maaari syempre na yun daliri ko lang ang pumunta sa EIDA center kelangan akong pumunta dun at pumila!!! huwattttttttt??? alam nyo bang usapan sa kanto na as early as 1am eh may pumipila sa center na 7:30am pa magbubukas para lang makakuha ng token….nakngtoken yan oo!

eto pa may website naman kaso lang suuuupppperrrrr-bagal magload dahil siguro sa dami ng nakalog sa website nila at di ako magtataka kung lalabas sa survey na 95% eh sumusubok kumonek sa lintek na website! mas mabilis pang bumukas ang friendster eh!

eto nga ako habang abala ako sa pagiinarte dito..nagagawa ko pang magregister sa website nila para sa asawa ko pero sabihin nyo sakin kung hindi kayo mabubuset na sa twing matatapos nyong sagutan ang form at pipindutin ang ‘NEXT’ button bigla syang magiging Arabic at kekelanganin mong ilipat ulit sya sa English..ngayon kasalukuyang blanko ang screen ng website nila habang sinasalin sa english yung page..di ko lang alam kung matapos nilang ibalik sa english yung page ehhh andun pa yun information na nilagay ko….leche talaga!!

di ba pwedeng mag-thumbmark na lang kami tas yung PRO na lang ang magsubmit sa center nila at i-scan na lang nila yung thumbmark namin? har har har

kakainis naman kasi tong national id talaga oo!!!!! pressure..stress…ehhh kung ba yung pagpila naming mga ISKWATER dun eh pagkakakitaan namin siguro kahit talagang magcamping na kami dun ala ako magiging angal..nyeheheh!!! kaya lang ito daw kasing national id ay magsisilbing identification nga namin ‘nationally’ at di kami makakapagrenew ng car registration, renew ng flat, conduct any bank transaction at kung ano ano pang chuvaness dahil kung walang National ID parang di ka nageexist sa planeta na toh…hirap naman oh! ISKWATER na nga lang kami…yun bang tipong pag nagdecide silang di na nila kelangan ng ISKWATER sa mundo nila pwede nila kami sipain ng walang pasabi!!! tas pahihirapan pa nila kami ng ganito..hindi ba bilang ISKWATER hindi kami naghihirap dito?? nyehehehe

hay buhay..what to do?!!

Day 12: Blanko Nobyembre 5, 2008

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba.
1 comment so far

eto ang pinakaayaw kong nangyayari sa buhay ko. yun bang mapabahay o opisina e wala ako magawa kundi humarap sa computer para libangin ang sarili ko. pwede sana ko manood ng tv kaso lang natatamad naman ako. eat bulaga na naman ang mapapanood ko. paulit-ulit na eksenang umay na umay na rin ako. paminsan-minsan natutuwa ako lalo na sa mga joke ni vic o sa mga punchline ni jose o sa mga eksena ni wally (anong silbi ni patani dun?) pero bukod dun wala na kong maisip na exciting na gagawin sa bahay.

maaga ako nakauwi ng bahay ngayon. maaga kasi ako lumabas ng opisina. 5:45pm pa lang lumabas na ko kiber kung may banker pa ko sa opisina na mangangailangan sakin. gusto ko na umuwi. tapos! abangan ko na lang ang consequences ng aking paguwi ng maaga bukas, hehe. yun eh kung maabnormal ang isa sa mga banker ko at di makisama sa topak ko.

busog pa naman ako kaya ayoko pa kumain pero naghahain na mga kasama ko sa bahay. tinatamad ba ko kumain o feel ko lang?! basta wala ako sa mood pero..pero..pero…sabi nga kung wala kang matinong masasabi wag mo na lang ibuka ang bibig mo at baka mapahamak ka lang.

hay ganitong mga pagkakataon ako nakakaramdam ng ‘burn out’. ganitong pagkakataon ako nabuburyong. ganitong pagkakataon madaling umiinit ang ulo ko kasi nga wala akong ibang magawa.

ngayon ang last day ng pagcacarlift (o pagseservice) sakin ng barkada ko. isang linggo nya rin akong sinerbisan at sa isang linggong yun nagkakwentuhan kami ng mga seryosong bagay ng kaibigan ko. habang tumatagal ang kwentuhanlalo ko lang naramdaman yung bigat na dala ng kaibigan ko..hay…bat kasi may mga magulang na di man lang naiintindihan yung sitwasyon ng anak nila. di man lang maisip kung nakakahinga pa ba yun anak o sagad na sa trabaho makagawa lang ng pera..bakit kaya may mga magulang na di makaintindi ng kaliwa’t kanang paliwanag instead iisipan pang walang concern ang anak. naaawa ako sa kaibigan ko dahil naiintindhan ko yung sitwasyon nya & i am somewhat thankful na eto ako at walang ganung kabigat na problema. kaya alam ko na wala akong karapatang maginarte ng dahil lang sa bored ako sa buhay ko eh magkakakatak na ko ng walang saysay.

bukod sa magulang meron pang EXsenadora sa buhay ng kaibigan ko. hindi na nga magawang pagaanin ang buhay ng kaibigan ko eto pa at dumadagdag (financially and emotionally). hay friend, wish ko maging si Darna ka kahit sa 1 araw lang para lang maramdaman mo naman ang extra energy at kayanin mo lahat ng iniintindi mo. nalulunkot ako na may mga bagay na di naiintindihan ng ibang tao sayo (kasama ako kung minsan) pero kung masasabi mo lang sana lahat ng nasa loob mo ramdam kong mas mabigat pa mundo ang dinadala mo at isa kang wondergay my friend (hehe) dahil magisa mong dinadala yun bagahe mo…try mo kaya minsan tablahin naman sila at magsabit ka ng sign sa katawan mo….TAO AKO! TAOOOOO!…

may isang kaibigan din ako na kahit di ko nakakausap nakakabalita ako ng bagay-bagay tunkol sa buhay nya, gusto ko man syang kaawaan at sapukin ang EX nya sa pagtrato sa anak nya pero ano magagawa ko kung sya nga mismo hindi gumagawa ng hakbang para umangat sya at di maburo sa buhay na “ako raw” ang nagbigay sa kanya…oh well!

isa ko pang kaibigan, nagtyatyaga sa pagod sa byahe para….teka friend para saan nga ba pagtitiis mo? hehehe..bilib din ako sa taong toh pero pag nasa emotera mode sya at medyo nandun sya sa eksenang may sarili syang paliwanag kasi gusto nya idepensa ang mga taong close sa kanya ayoko na makipagbalitaktakan kasi ala kami patutunguhan. ala nmn toh panahon sa debate eh. hahaha. alam ko marami rin daing sa buhay tong kaibigan kong toh pero dinadaan nya sa pagtawa ang mga bagay. ni hindi nga ata makapagdesisyon kung magaasawa na o hindi pa kasi andami pang iniintindi. anhirap maging panganay..buti na lang bunso ako hak hak

at isang kaibigan ko pa na alam kong marami ring problema pero dinadaan sa pagiging fabulosa kaya di mo pansin kung ano na ba lagay nya..magulat ka na lang nagcollapse na rin sya, haha

ayan bigla ko tuloy naisip mga kaibigan kong andito sa planetang kinasasadlakan ko. sa dami ng problema nila (salamat kay God di ko dinaranas) naisip ko talaga wag na ko maginarte sa pagkaburyong ko, sa pagkainip ko sa opisina, sa kawalan ko ng magawa sa bahay. aangal pa ba ko na sa loob ng 25 days na trabaho e siguro 10 days lng yun talagang busy ako pero kumikita ako ng higit pa sa inaasahan ko? aangal pa ba ko na wala akong magawa sa bahay eh buti nga ako may yayang kasama sa bahay kaya pagdating ko meron ng luto at ipaghahain na lang ako samantalang yun mga kaibigan ko pagod na sa byahe pero kelangan pa nilang magluto pagdating sa bahay. kahit na pagod na pagod na pero kelangan pa nilang asikasuhin ang mga kasama nila sa bahay hindi dahil obligasyon nila kundi dahil sa pakikisama.

hay kaya pag naiinip ako naiisip ko na lang, swerte pa rin ako dahil problema ko lang kawalan ng magawa sa office pero hindi ang kawalan ng trabaho mismo. naiisip ko na lang na swerte pa rin ako kasi may family ako na andyan at aaliwin ako pag medyo nalulunkot ako..at alam nyo bang ang mga kaibigan kong mas may mabigat na problema sakin kadalasan sila pa yung nagpapasaya sakin to think na mas malunkot ang dinadaanan nila, hehehe

o i love my friends na..grabe! hak hakhak

eto ay bunga ng pagkainip ko lamang..fyi, habang hinuhulog ko ang mga bagay na yan mula sa utak ko, sinisitsitan ko rin ang anak ko at the same time dahil nagpapasaway sa lamesa. hmf!

Day 7: All About TRUST! Hunyo 25, 2008

Posted by carelesshush in Emoterang Kuba.
add a comment

TRUST is a very important factor for all relationships. When trust is broken, it is the end of the relationship. Lack of trust leads to suspicion, suspicion generates anger, anger causes enmity and enmity may result in separation.

  

A telephone operator told me that one day she received a phone call. She answered, “Public Utilities Board.” There was silence. She repeated, “PUB.” There was still no answer. When she was going to cut off the line, she Heard a lady’s voice, “Oh, so this is PUB. Sorry, I got the number from my Husband’s pocket but I do not know whose number it is.”Without mutual trust, just imagine what will happen to the couple if the telephone operator answered with just “hello” instead of “PUB”.

 

NO POINTING FINGERS

A man asked his father-in-law, “Many people praised you for a successful marriage. Could you please share with me your secret?”The father-in-law answered in a smile, “Never criticize your wife for her shortcomings or when she does something wrong. Always bear in mind that because of her shortcomings and weaknesses, she could not find a better husband thanyou.”

 

We all look forward to being loved and respected. Many people are afraid of losing face. Generally, when a person makes a mistake, he would look around to find a scapegoat to point the finger at. This is the start of a war. We should always remember that when we point one finger at a person, the other four fingers are pointing at ourselves.

 

If we forgive others, others will ignore our mistake too.

 

CREATING PERFECT RELATIONSHIPS?

A person visited the government matchmaker for marriage, SDU, and requested “I am looking for a spouse. Please help me to find a suitable one.” The SDU officer said, “Your requirements, please.” “Oh, good looking, polite, humorous , sporty, knowledgeable, good in singing and dancing. Willing to accompany me the whole day at home during myleisure hour, if I don’t go out. Telling me interesting stories when I need companion for conversation and be silent when I want to rest.” The officer listened carefully and replied, “I understand you need television.”

 

There is a saying that a perfect match can only be found between a blind wife and a deaf husband ,because the blind wife cannot see the faults of the husband and the deaf husband cannot hear the nagging of the wife. Many couples are blind and deaf at the courting stage and dream of perpetual perfect relationship. Unfortunately, when the excitement of love wears off, they wake up and discover that marriage is not a bed of roses. The nightmare begins.

 

NO OVERPOWERING

Many relationships fail because one party tries to overpower another,or demands too much. People in love tend to think that love will conquer all and their spouses will change the bad habits after marriage. Actually, this is not the case. There is a Chinese saying which carries the meaning that “It is easier to reshape a mountain or a river than a person’s character.”

 

It is not easy to change. Thus, having high expectation on changing the spouse character will cause disappointment and unpleasantness.It would be less painful to change ourselves and lower our expectations.

 

RIGHT SPEECH

There is a Chinese saying which carries the meaning that “A speech will either prosper or ruin a nation.” Many relationships break off because of wrong speech. When a couple is too close with each other,we always forget mutual respect and courtesy. We may say anything without considering if it would hurt the other party.

 

A friend and her millionaire husband visited their construction site. A worker who wore a helmet saw her and shouted,”Hi, Emily! Remember me? We used to date in the secondary school.” On the way home, her millionaire husband teased her, “Luckily you married me. Otherwise, you will be the wife of a construction worker.” She answered ,”You should appreciate that you married me. Otherwise, he will be the millionaire and not you.”

 

Frequently exchanging these remarks plants the seed for a bad relationship. It’s like a broken egg – cannot be reversed.

 

PERSONAL PERCEPTION

Different people have different perception. One man’s meat could be another man’s poison. A couple bought a donkey from the market. On the way home,a boy commented, “Very stupid. Why neither of them ride on the donkey?”Upon hearing that, the husband let the wife ride on the donkey. He walked besides them.

 

Later, an old man saw it and commented, “The husband is the head of family. How can the wife ride on the donkey while the husband is on foot?” Hearing this, the wife quickly got down and let the husband ride on the donkey.

 

Further on the way home, they met an old Lady. She commented, “How can the man ride on the donkey but let the wife walk. He is no gentleman.”The husband thus quickly asked the wife to join him on the donkey.

 

Then, they met a young man. He commented, “Poor donkey, how can you hold up the weight of two persons. They are cruel to you.” Hearing that, the husband and wife immediately climbed down from the donkey and carried it on their shoulders. It seems to be the only choice left.

 

Later, on a narrow bridge, the donkey was frightened and struggled. They lost their balance and fell into the river. You can never have everyone praise you, nor will everyone condemn you. Never in the past, not at present, and never will be in the future.

 

Thus, do not be too bothered by others words if our conscience is clear.

 

BE PATIENT

This is a true story which happened in the States. A man came out of his home to admire his new truck. To his puzzlement, his three-year-old son was happily hammering dents into the shiny paint of the truck. The man ran to his son, knocked him away, hammered the little boy’s hands into pulp as punishment. When the father calmed down, he rushed his son to the hospital.

 

Although the doctor tried desperately to save the crushed bones, he finally had to amputate the fingers from both the boy’s hands. When the boy woke up from the surgery & saw his bandaged stubs, he innocently said, “Daddy,I’m sorry about your truck.” Then he asked, “but when are my fingers going to grow back?” The father went home & committed suicide.

 

Think about this story the next time someone steps on your feet or u wish to take revenge. Think first before u lose your patience with someone u love. Trucks can be repaired. Broken bones & hurt feelings often can’t. Too often we fail to recognize the difference between the person and the performance. We forget that forgiveness is greater than revenge.

 

People make mistakes. We are allowed to make mistakes. But the actions we take while in a rage will haunt us forever.  🙂

*copied somewhere*