jump to navigation

Day 66: Homesick Nobyembre 8, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, Emoterang Kuba, kaetchosan lang.
Tags:
4 comments

madalas pag nakikinig ako ng music. nagkakaron ako ng last song syndrome chuva. at pag nangyari na yang syndrome na yan, walang ibang emosyon akong nararamdaman kung hindi pagkairita sa sarili ko kasi naman kahit yun kantang Voulez Vous  nung sinaunang panahon pa ay di nawawaglit sa isip ko. as in pinapatulan ng vocal chords ko!! namf!

kahit nga nung minsang manood ako ng Batang Bibbo kinakanta ni Roxanne at ng mga batang puppet yun “ulo, abaga, hawak, dapi-dapi, tuhod, pitil” (sa tono ng paa, tuhod, balikat ulo but in hiligaynon version) ng paulit ulit hanggang sa masaulo ko na tuloy! awa ni batman, ayun kinakanta ko na sya kay Gelo ngayon at aliw na aliw naman ang bunso ko. i dunno if its because he likes the song o kasi mukang minggoy ang nanay nya habang kumakanta ng kantang pang-alien ata..nyahahah

pero nung nakaraang araw…may mga kantang tugtog sa player ang asawa ko..i can’t help but to feel ‘homesick’. i know i am with my family but then miss ko rin ang family ko sa pinas. si jeje at si breanna, sila lola at mga tyahing maiingay at mga pinsang ubod ng kukulit!!!! hehe..at syempre miss ko na rin si shoana, psn at bujoy na nasa canada 😦

kung kayo makarinig ng mga awiting ganito..ano mararamdaman nyo???

wag na isama pa dyan ang mga mas nakakalungkot pang Xmas song..hehehe!!! ohmygawd talaga! 8 xmas na akong wala sa Pinas….miss ko na ang Pinas kung Xmas…hihihihi!!!! but i know that compared to others swerte pa rin ako kasi i am with my family here in Dubai… so for that..I AM SO THANKFUL……….

MERRY XMAS EVERYONE!!!!!!  🙂

Advertisements

Day 65: SSS o PAG IBIG? Nobyembre 5, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, katuwaan lang.
Tags: ,
5 comments

brokenGano nga ba kita kamahal? San ba nasusukat ang pagmamahal? Nasusukat nga ba? Paano? Metro? Yarda? Dipa? Dangkal? Hakbang? Kailangan ba talaga may sukatan? Hindi ba pwede o sapat na yung sabihing  – – MAHAL KITA.. as in period, walang kasunod. ang sumunod, tutubuan ng buntot??? di ba talaga pwedeng ganun lang?? Kailangan may measurement pang nagaganap?

Gaano ba kalalim ang pagmamahal mo? Ano namang tanong yan? Ano ba tamang sagot dyan? 15 feet? 20? 100? Talaga bang may lalim dapat? Pwede ba sabihing – – KASING-LALIM NG CLEAVAGE KO ANG PAGMAMAHAL KO SAYO!?

Hanggang saan nga ba ang pagmamahal? Dapat ba may limitation? May katapusan o may hangganan? Hindi ba talaga pwedeng, isang simpleng MAHAL KITA lang ang kasagutan? E paano kung sagutin ka ng – – MAHAL KITA HANGGANG DUN SA KABILANG KANTO..masaya ka na ba sa sagot na yun?

Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao? Kaya mo bang magmahal ng tao na di mo nahahawakan o nakikita o nakakasama? Paano mong masasabing mahal mo ang isang tao kung hindi mo pa naman sya nakasama talaga? Ano yun, naramdaman mo lang, parang BOOM, MAHAL KITA!! yorn na ba yorn, koya?

Kaya mo bang magbigay sa isang taong ‘mahal’ mo nang lahat-lahat ng kung anong meron ka kahit na di ka sigurado kung mahal ka nga nya? 

Hanggang saan ba talaga ang kaya mo ibigay because of lintek na pagmamahal na yan? Ano ba ang kaya mo ibigay sa pagmamahal mo? Bukod sa emotions ano pa ba pwede mo ibigay? Physical support? Ano ka saklay?? Financial support? Ano ka ATM machine?

Pag sinabihan mo ng I LOVE YOU ang isang tao, ibig bang sabihin talaga ay MAHAL mo sya at di mo sya kayang saktan pati na ang kanyang pamilya, kaibigan at mahal sa buhay o sya lang? Kasi di mo naman sinabing MAHAL KO KAYO. Para ka na lang pulitiko nun na nangangampanya.

Pag ba sinabing mahal mo ang isang tao,  ibig sabihin pangangalagaan mo sya sa abot ng iyong makakaya. Eh pano kung may makita kang iba, habang kayo pa, iiwan mo na lang ba sya? E asan na yung MAHAL KITA na pinagmamalaki mo at ilang ulit na sinabi sa kanya. Bigla lang bang naglalaho ang pagmamahal? Andali naman pala maglaho, daig pa ang bula. Tsk…tsk…at least ang bula medyo umeeksena muna sa ere bago puputok diba?

Masasabi mo bang mahal mo ang isang tao kung matapos mo makuha ang PAGKATAO, KATINUAN o PERA nya ay basta mo na lang syang iiwan o dededmahin as if di kayo magkakilala??

Alin ang mas gugustuhin mo – – MAHAL KA o MAHAL MO?

Mas madali nga siguro mag-update ng  Sex.Sex..Sex (SSS) kesa ng PAGIBIG. Basta may nabunot kang lucky home partner, updated na ang SSS mo, eh ang PAG IBIG matagal ang proseso. Minsan nauuwi pa sa wala yung pinaghirapan mo..at least ang SSS may posibilidad na magiwan sayo ng souvenir..mamili ka na lang…baby boy o baby girl ang gusto mo? Hehehehe.

Hay ang sakit naman sa puso nyan oo! Pero alam nyo ba na wala ng mas sasakit pa sa katotohanang – – – MAHIRAP MAGMAHAL NG SYOTA/ASAWA NG IBA! (hehe)

(I am so grateful that I have a happy marriage. I was just inspired to write this entry because few of my friends are currently experiencing heart problem—masakit dito, hindi magagamot ang mga sakit nila sa puso (o puson) ng operation o kahit na anong medication — but I wish them goodluck..matatapos din yan mga friendlies!!)

Day 57: Wanted: Shoes Oktubre 7, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, Inipera Moments, nilikha sa opis..kealam mo!.
Tags:
4 comments

13a5306c6f482768It is funny how some people sometimes think about shoes. Ako feeling ko friends ko sila. Everyday sinisilip ko sila at kinakamusta! Sa maniwala kayo’t sa hindi, mahilig ako sa shoes, particularly pumps! Siguro kung isasama ko yun mga pinamigay o tinapon ko ng sapatos, umabot na ko sa 50? Oi, marami na yun ah! Dalawa lang naman ang paa ko kaya para sakin marami na yun 50 pares ng sapatos bwehehe….sa bahay nga namin may sarili na kong shoe rack kasi nga para daw akong si Imelda sabi ni Luwi (pinsan)..lols

Pangarap ko pa nga makabili ng Manolo Blahnik o kaya Christian Louboutin eh. Masama bang mangarap? May paa naman ako ah! Hehehe..

Pero mashadong mahal para sakin ang mga sapatos na yan. Besides,  di ko naman siguradong magagamit ko sya ng araw-araw, meaning hindi praktikal pagkagastusan. Kadalasan kasi sa mga designer items, pang-malakasan lang hehehe. The most expensive shoe that I have ever bought in my life, so far, ay ang knee-high, leather boots na binili ko pa sa Turkey, to the tune of $300 US tapos sumunod yun doll shoes kong Burberry na $250 US.  Masaya naman ako sa mga shoes ko pero aaminin ko kahit mahal sila, nagmumuka silang mura pagsuot ko na hahahah at eto pa, di sila ganun ka-komportable gamitin. Mahirap kaya magboots habang  paroon at parito ka sa opisina. Mahirap din isuot yun uber-flat na doll shoes kung sa mainit na kalsada ka naglalakad..lols..in short, sila yun mga pang-once in a while lang na gamit for me.

Teka bakit ko ba naisip ang shoes? Parang nakukumpara ko kasi ang PAGHAHANAP NG SAPATOS sa PAGHAHANAP NG MAKAKASAMA SA BUHAY. Pag naghahanap tayo ng sapatos, eto kadalasan ang mga guidelines natin:

  • Kumportable sa paa
  • Di mashadong kamahalan
  • Pwedeng pang-malakasan
  • Syempre, yung sakto sa paa mo

Sa paghahanap ng makakasama sa buhay, para ka lang namimili ng sapatos. Gusto natin yun sakto satin pero minsan naglalagay tayo ng allowance para sa ‘paglaki’ pa ng paa natin, hehe. It only means na lagi tayong open for adjustments.

Kung ang sapatos na nabili mo ay marupok hindi sya magtatagal sayo. Kung ang sapatos na nabili mo ay sakto nga sayo at kumportable ka nung una pero paglipas ng panahon ay pinapasakit na ang paa mo, siguro ibig sabihin nun kelangan mo na rin syang palitan diba? May mga sapatos na kahit sira na, kahit butas na yun swelas, willing pa rin tayong i-restore, i-repair ng paulit-ulit sa kadahilanang mahalaga satin yun sapatos. Or sometimes sa kadahilanang wala ka na kasing ibang magagamit na sapatos.

Pero come to think of it, do we have to settle for something less when we know that we deserve something more?

Sa paghahanap ng makakasama sa buhay, pinagkaiba lang nya sa pagkakaron ng sapatos, ay hindi mo pwedeng basta itapon si ‘LUCKY HOME PARTNER’ dahil di ka na kumportable sa kanya. Sa isang relationship kelangan marunong kang mag-compromise, magtiis kung kinakailangan at mag-work out ng bonggang-bongga para maging malakas ka sa mga challenges na darating sa inyong dalawa. Otherwise, wag kang makipagrelasyon kung hindi mo naman kaya!

Tulad din ng isang sapatos, kung alam mong wala ng pagasa, pagpipilitan mo pa ba? Kung alam mong sanay ka sa rubber shoes, pipilitin mo bang mag-heels? Kung gusto mo pala mag-tsinelas lang, magpapanggap ka bang masaya ka sa pagsasapatos mo?

Eh pero pano kung masakit lang sa una yung sapatos kasi bago, di ka ba willing mag-adjust para sa kanya? Am sure sya rin nag-a-adjust para sayo, siguro ilang bwan syang nasa kahon at papel lang ang nakasuksuk sa kanya, ngayon may isang luya este paa ng namamahay sa pagka-‘sapatos’ nya…lols

I wrote an entry last December for my anniversary special (lol). Naalala ko tong sinulat ko kasi parang related. Nung matagpuan ko ang Fernando Poe Jose ng buhay ko, hindi mashadong OK ang simula. Mashadong emotional at ma-action ang pangyayari pero later on, napagtanto ko na hindi lahat ng nagsisimula sa SAKIT ay mauuwi rin sa SAKIT pwede rin palang maging happy ending ang lahat..nasa pag-aalaga mo lang ng sapatos este ng relationship mo..hehe

Before I end this entry, nananawagan ako sa mga may mabubuting puso, umaayaw na sakin si Aldo, baka gusto nyo ko regaluhan, size 37 ako…hahaha..ge na magpapasko naman ah! Hmf!

Day 55: Ondoy Setyembre 30, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, Emoterang Kuba, Inipera Moments, jeryus topic.
Tags: , , ,
2 comments

Nakakatakot…Nakakakilabot…Nakakapanghina…When I first saw the footages di ako makapaniwala na sa loob ng 5 hours magagawang “lunurin” ng ulan ang Marikina at iba pang bahagi ng Manila. Na mangyayaring tangayin ng baha ang sandamakmak na sasakyan sa kalsada.

Para ngang palabas sa Hollywood o kaya e parang may naglalaban na superhero at villain at pinabaha ang Manila!

Thankful ako na OK naman ang family ko.  Taga-Parang, Marikina sina Papa ko at salamat naman at ligtas sila. Lagi kong pinagdadarasal yun safety ng family ko saan mang sulok ng mundo. Pero naaawa ako sa mga taong naapektuhan ng bagyo. When I saw Jenica on tv, naiiyak ako sa pagre-recall nya ng pangyayari.  This tragedy only proves na walang mayaman, walang mahirap. Lahat pantay-pantay kahit pa sa sakuna. Kaya dapat magtulungan ang lahat ng Pinoy na makaahon sa panibagong dagok sa Pilipinas….hayst! Hindi yun nagpopost ng status sa Facebook ng kung ano ano tulad ni Jacque B., ayan tuloy wanted na sya sa Dubai hahahah.

2 or 3 weeks before dumating ang bagyong Ondoy sa Pinas, meron akong sariling bagyong pinagdaraanan.  Isang ‘bagyo’ na di naman dapat sakin, pero sabi nga ni tita Mel Tianco “Help not because it feels good but because we should!”.  Isang mala-Ondoy na effort ang ginawa ko para malagpasan ang pagsubok na binigay sa isang taong malapit sakin.  I nearly came to a point na parang gusto ko na magtanong ng…WHY o di kaya eh SAAN, SAAN AKO NAGKAMALI? (LOL) pero naisip ko na binigay samin ang pagsubok dahil kaya namin malagpasan ito. Kaya hala, kahit magpaka-DARNA ginawa ko na para lang talagang mapatunayang…KAYA KO TOH, KID! (ika nga ni Joliibee!).

During the times na namomroblema ako as in stressed ako EMOTIONALLY, PHYSICALLY, MENTALLY esp. FINANCIALLY may isa akong kaibigan na ang tanging problema ay ang pagnipis ng buhok nya at pagiging flat chested nya (hahaha). naisip ko sana ganun lang kasimple ang problema ko.  Pakiramdam ko kasi super-bigat na ng dala ko.

Now, nangyari ang Ondoy sa Pinas. Narealize ko na kumpara sa kanila, tuldok lang ngayon ang problema ko. Kumpara siguro sa iba, walang wala itong problema ko. PERA lang toh!

Ngayon narealize ko na ng sobra-sobra na dapat ako lagi magpasalamat kay Papa God dahil kahit anong problema ang dumarating samin (ke problema ko o problema ng iba na pinapaproblema pa sakin, hehe) nakakayanan namin lampasan. Healthy ang family ko most eps. my kids, may maayos kaming bahay, kumakain araw araw…so I don’t have the right to ask WHY (hehe).

Naisip ko rin na dapat bago ako magreklamo sa paggising ng maaga, sa paulit ulit na pagkain sa mesa, sa paulit ulit na palabas sa tv, sa mainit na panahon o sa mga kahit anong simple at walang kwentang bagay, isipin ko muna dapat kung dapat nga ba ko magreklamo? For all I know,  habang nagiinarte ako sa mainit na weather ng Dubai, may isang taong nag-a-agaw buhay.  Na habang tinatamad ako kumain kasi isda na naman ang ulam, may mga batang nagkalat sa kalye at namumulot ng pagkain sa basura…speaking of basura, aminin man natin o mashadong makalat ang Pilipinas. ang mga tao walang disiplina pagdating sa basura. wag na rin natin sisihin ang gobyerno o intayin silang kumilos.  bat di natin simulan mula sa sarili natin.  sabi nga di ba, IF YOU WANT IT DONE RIGHT, DO IT YOURSELF!

this is really a wake up call for me…..sana sa inyo rin!

Day 52: The Cross I Have To Bear Setyembre 16, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing.
add a comment

Complainingly I told myself,
“This cross was too heavy to wear!”
And I wondered discontentedly
Why God gave it to me to bear.

I looked with envy at others
Whose crosses seemed lighter than mine,
And wished that I could change my cross
For one of a lighter design.

Then in a dream I beheld the cross
I impulsively wanted to wear …
It was fashioned of pearls and diamonds,
And gems that are precious and rare.

And when I hung it around my neck,
The weight of the jewels and the gold
Was much too heavy and cumbersome
For my small, slender neck to hold.

So I tossed it aside, and before my eyes
Was a cross of rose-red flowers;
And I said with delight as I put it on,
“This cross I can wear for hours.”

For it was so dainty and fragile,
So lovely and light and thin;
But I had forgotten about the thorns
That started to pierce my skin.

Then in a dream I saw my cross …
Rugged and old and plain;
The clumsy old cross I had looked upon
With discontented and disdain.

And at last I knew that God had made
This special cross for me;
For God in His great wisdom
Knew what I before could not see …
That often the loveliest Cross
Are the heaviest crosses to bear;
For only God is wise enough
To choose the cross each can wear.

So never complain about your cross,
For your cross has been blessed;
God made it just for you to wear
And remember … God knows best.

~ Helen Steiner Rice ~