jump to navigation

Day 67: Ang Panga ko, Si Pacman, At Iba Pa! Nobyembre 15, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments.
Tags:
trackback

Nitong mga nakaraang lingo sumasakit lagi ang PANGA ko sa di ko malamang kadahilanan..Pero sa kalikutan ng kukote ko nakaisip ako ng 3 dahilan kung bakit sumasakit ang aking PANGA:

Una, siguro LOCK JAW! Hindi ko kasi mashado ma-practice ang kadaldalan ko dito sa trabaho ko. Hindi ko alam kung isang BLESSING na may sarili akong opisina o isa itong CURSE kasi wala ako ka-dal-dalan dito..hehe.. 3 pirasong kalahi ni Shivaker ang mga nakaupo sa harapan ng ofis ko..kaya feeling ko pag lalabas ako ng ofis ko parang gusto ko kumanta ng JAE HO! hahaha

Pangalawa, maari ring tinutubuan siguro ako ng WISDOM TOOTH! Hahahah…kelan ba tinutubuan ng wisdom tooth? Gaano karaming WISDOM kaya ang makukuha ko at nagagawa nyang pasakitin ang panga ko?! Hmf! Nag-uunahan ba silang maglabasan sa gums ko?!

Pangatlo, baka naman kasi sanay ang panga ko na galaw ng galaw sa twing nasa bahay ako! Sa walang humpay na pagsesermon ko sa panganay ko, malamang nahihirapan ang panga ko na mag-adjust from being hyper to being idle..lols

 

O di kaya naman siguro (at malamang na eto nga ang dahilan), dahil ito sa pagpipigil ng panga ko na tumawa sa twing ka-chat ko si Katt..bwahahahah…

Hay ewan! Sabi ng asawa ko kulang lang daw sa practice…practice sa kung saan, yun ang di ko alam at parang ayaw kong alamin! Hahahahahah

 *********************************************************************************

 And so PACMAN won again. Pacquiao wins by 12th-round technical knockout.

Amf! Kung ang 2009 ay maituturing ng karamihan na TAON NG CRISIS para sa Paquiao family, ito ang taon naman ng kasaganaan! Di ba? Ilang fights ang ginawa ni Manny this year? At sa lahat ng yun nanalo sya!

To be honest, hindi ko iniisip ang karangalan ng Pilipinas (haha). Instead, ang naiisip ko is yun limpak-limpak na dolyares na naman na mapapanalunan ni Manny! Naisip ko tuloy, pagboksingin ko na lang kaya asawa ko baka sakali yumaman din kami! Hahahaha.

Mayaman na naman si Mommie Dionisia..pero eto ang sabi ng natanggap kong text:

Aanhin mo ang malaking bahay at madaming pera

Kung kamuka mo naman si Aling Dionisia!

Waaaaaa di sakin galing yan huh! Nyahahahaha……

Well, anyway CONGRATULATIONS MANNY!!! OOOOPPSS, U DID IT AGAIN!!!

*********************************************************************************

May kras ako! O wag kayo makealam dyan! Hahaha..pinapakealaman ko ba mga kras nyo?!

Ganito kasi yan sa araw-araw na paghahatid ko kay Chloe sa labasan, nakikita ko yun isang binatilyong CUTE! Hahaha..oo binatilyo naman sya, nakyutan lang ako ng ishlayt! At oo ulit, habang naghihintay kami ng school bus ng anak ko, nag-bo-boy watching ako..bwahahahah…Wag na kayo magreak! (haha)

Unawain nyo naman na mula ng mapangasawa ko si Fernando Poe Jose, sya na lang ang gwapo sa paningin ko…oh well, bukod kay Ricky Martin na according sa nanay (RIP) ko at mga kapatid, ay tumatambling daw ako sa twing napapanood ko noon sa TV, wala na akong ibang naging kras bukod sa kanilang dalawa! Nyahahahaha…and oh yes, 3 yrs old pa lang ako tumatambling na ko dahil sa lalake, no wonder until now tamblingerang kuba ako! Hahahaha..

Ayun lang nishare ko lang na may kras ako, pake nyo?! (lols)

Mga Puna»

1. Jon Cabron - Nobyembre 15, 2009

paki detalye ‘yang tungkol sa praktis na ‘yan. tnx

haha!

2. carelesshush - Nobyembre 15, 2009

haha jon! gustuhin ko man pero baka ma-ban ako sa blogosperyo :p

3. cAtHy - Nobyembre 15, 2009

una: lock jaw! tama ang asawa mo wala ka ng practice..
(at talgang parang alam ko..)

pangalawa: congrats ke manny at mommie D. bongang bongga na naman ang pag sakay nya sa business class sa eroplano kahit wala syang business..
bakit endi ung panganay mo ang subukan nating mag boxing,:P

pangatlo: anung edad ng nasabing binatilyo..?? err baka naman “bigutilyo” yan! waaaa

4. carelesshush - Nobyembre 15, 2009

@katt

una: wag mo na pagdiinan. OO NA, kulang nga sa practice! bwahahh

pangalawa: ate, dun tayo sa realistic ha. baka yun bunso pwede pa..hahaha

pangatlo: high school yun ate, natutuwa lang ako kasi binabati nya yun bulilit na bus mate ni chloe..sana ako rin batiin nya bwahahahahah..naglumandi amfota!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: