jump to navigation

Day 65: SSS o PAG IBIG? Nobyembre 5, 2009

Posted by carelesshush in a thought that is worth sharing, katuwaan lang.
Tags: ,
trackback

brokenGano nga ba kita kamahal? San ba nasusukat ang pagmamahal? Nasusukat nga ba? Paano? Metro? Yarda? Dipa? Dangkal? Hakbang? Kailangan ba talaga may sukatan? Hindi ba pwede o sapat na yung sabihing  – – MAHAL KITA.. as in period, walang kasunod. ang sumunod, tutubuan ng buntot??? di ba talaga pwedeng ganun lang?? Kailangan may measurement pang nagaganap?

Gaano ba kalalim ang pagmamahal mo? Ano namang tanong yan? Ano ba tamang sagot dyan? 15 feet? 20? 100? Talaga bang may lalim dapat? Pwede ba sabihing – – KASING-LALIM NG CLEAVAGE KO ANG PAGMAMAHAL KO SAYO!?

Hanggang saan nga ba ang pagmamahal? Dapat ba may limitation? May katapusan o may hangganan? Hindi ba talaga pwedeng, isang simpleng MAHAL KITA lang ang kasagutan? E paano kung sagutin ka ng – – MAHAL KITA HANGGANG DUN SA KABILANG KANTO..masaya ka na ba sa sagot na yun?

Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao? Kaya mo bang magmahal ng tao na di mo nahahawakan o nakikita o nakakasama? Paano mong masasabing mahal mo ang isang tao kung hindi mo pa naman sya nakasama talaga? Ano yun, naramdaman mo lang, parang BOOM, MAHAL KITA!! yorn na ba yorn, koya?

Kaya mo bang magbigay sa isang taong ‘mahal’ mo nang lahat-lahat ng kung anong meron ka kahit na di ka sigurado kung mahal ka nga nya? 

Hanggang saan ba talaga ang kaya mo ibigay because of lintek na pagmamahal na yan? Ano ba ang kaya mo ibigay sa pagmamahal mo? Bukod sa emotions ano pa ba pwede mo ibigay? Physical support? Ano ka saklay?? Financial support? Ano ka ATM machine?

Pag sinabihan mo ng I LOVE YOU ang isang tao, ibig bang sabihin talaga ay MAHAL mo sya at di mo sya kayang saktan pati na ang kanyang pamilya, kaibigan at mahal sa buhay o sya lang? Kasi di mo naman sinabing MAHAL KO KAYO. Para ka na lang pulitiko nun na nangangampanya.

Pag ba sinabing mahal mo ang isang tao,  ibig sabihin pangangalagaan mo sya sa abot ng iyong makakaya. Eh pano kung may makita kang iba, habang kayo pa, iiwan mo na lang ba sya? E asan na yung MAHAL KITA na pinagmamalaki mo at ilang ulit na sinabi sa kanya. Bigla lang bang naglalaho ang pagmamahal? Andali naman pala maglaho, daig pa ang bula. Tsk…tsk…at least ang bula medyo umeeksena muna sa ere bago puputok diba?

Masasabi mo bang mahal mo ang isang tao kung matapos mo makuha ang PAGKATAO, KATINUAN o PERA nya ay basta mo na lang syang iiwan o dededmahin as if di kayo magkakilala??

Alin ang mas gugustuhin mo – – MAHAL KA o MAHAL MO?

Mas madali nga siguro mag-update ng  Sex.Sex..Sex (SSS) kesa ng PAGIBIG. Basta may nabunot kang lucky home partner, updated na ang SSS mo, eh ang PAG IBIG matagal ang proseso. Minsan nauuwi pa sa wala yung pinaghirapan mo..at least ang SSS may posibilidad na magiwan sayo ng souvenir..mamili ka na lang…baby boy o baby girl ang gusto mo? Hehehehe.

Hay ang sakit naman sa puso nyan oo! Pero alam nyo ba na wala ng mas sasakit pa sa katotohanang – – – MAHIRAP MAGMAHAL NG SYOTA/ASAWA NG IBA! (hehe)

(I am so grateful that I have a happy marriage. I was just inspired to write this entry because few of my friends are currently experiencing heart problem—masakit dito, hindi magagamot ang mga sakit nila sa puso (o puson) ng operation o kahit na anong medication — but I wish them goodluck..matatapos din yan mga friendlies!!)

Advertisements

Mga Puna»

1. cAtHy - Nobyembre 5, 2009

clap-clap!

isa ako sa may issue sa mahal kita thing na yan.. ganon nga ba kabilis na BOM wala na ung love n sinasabi mo araw araw–kaya ako dko inugaling mag “iloveyou”sinasabi ko lang un pag talgang na raramdaman ko..ayaw kong maka ugalian nlng kaya sinasabi parang pag sagot ng telepono parang need mo ung “hello”..

2. carelesshush - Nobyembre 5, 2009

haha katt…
nung nauso ang caller id, madalang na ko mag-hello..lagi na lang OH!

sometimes LOVE just ain’t enough..lols

3. dhyoy - Nobyembre 9, 2009

(nosebleed) 😆

4. dhyoy - Nobyembre 9, 2009

ang masasabi ko llang dapat give and take… tapos understanding, budburan ng sweetness at kiss,care at sex yun na!

5. carelesshush - Nobyembre 10, 2009

at anong nalalaman mo sa sex jo-hoy!!! nyahahahaha

buti ka nga nosebleed lang e….ako migraine na friend!! MIGRAINE! nyahahahh


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: