jump to navigation

Day 64: Nakakabobo! Nobyembre 4, 2009

Posted by carelesshush in Inipera Moments.
Tags:
trackback

e4eebf3371f19b82Minsan OK na yung kumikita ka. Bwan-bwan may perang dumadaan sa kamay mo. As in LITERAL na dumadaan lang sya. Ni hindi mo maibubulsa kasi pagkasahod na pagkasahod mo ayan na yung mga maniningil mo…BAHAY, KURYENTE/TUBIG, UTANG KAY GANITO, UTANG KAY GANYAN, CREDIT CARD at kung ano ano pa.  Yun iba nga wala pa sayo sahod mo, nakwenta na nila (hehe). Yun na lang masabihan kang “ABROAD” ng mga taga-Pinas ang tanging kunswelo mo kasi nagiging tunog mayaman ka (lols). 

Pero talagang kahit dapat makuntento ka na sa kung anong meron ka darating at darating yung point na pakiramdam mo – – NABOBOBO KA NA!

Kahit alam mong may mga capabilities ka na pwede i-apply sa kasalakuyan mong sitwasyon o posisyon parang nawawalan ka ng gana kasi yung nasa paligid pinipilit na gawing BOBO KA!

ayoko sa lahat ng trabaho ay yun super-stagnant ka. para ka lang isang furniture sa opisina na naka-tengga! pakshet! ayoko talaga ng ganito. talagang pakiramdam ko NABOBOBO AKO!

hay sana nga makapasa ako sa audition ko sa Starstruck para naman kahit papano mabago ang routine ko. Gusto ko minsan may song and dance number rin ako, hindi yun panay lang ako sirko! Namimiss ko na rin yun mga linyang – – – I WILL CALL YOU LATER, BUSY AKO SA TRABAHO!  I know na hindi dapat ako magreklamo kasi buti nga may trabaho. Nung mga nakaraang bwan lang trabaho hanap ko, ngayon naman nagrereklamo na naman ako.  Papa God, wag mo kukunin sakin yun trabaho, gusto ko lang naman sana kahit papano matuto tsaka feeling ko kasi ma-i-stroke na ko sa kawalan ng activity sa munting opisina ko hihhiihi…

baka pag natuluyan ang pagkaburyong ko dito…ma-headline ako sa mga dyaryo:

HEADLINE: SEKRETARYA, NAG-AMOK DAHIL SA PAGKAINIP SA TRABAHO!

sos ko po! ayaw ko ata ng ganun hehehehe

Mga Puna»

1. dhyoy - Nobyembre 4, 2009

jusko po oh oh… wag ganon, sumali ka na lang sa star struck ahahaha! susuportahan kita ate jan! may banner pa kong pagkalaki-laki pramiz… hahakutin ko lahat ng goons ko para magcheer sayo wag ka lang mag-amok… hehehehe….

minsan ramdam ko rin nabobobo na ko hahaha! 😆

2. carelesshush - Nobyembre 5, 2009

hehe..salamat jo-hoy sa madalas na pagbisita sa aking kubo 😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: